Embracing The Darkness Kabanata 9


Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya sa narinig ko. Naalala ko na naman ang kahihiyan ko kanina.
“Grabe ka Sir mangrealtalk. Ako nga iyong female singer. Invisible lang iyong boobs ko. Sir? Sir? Saan ka na pupunta?! Akala ko ba Sir itetable mo pa ko?! Mga lalaki talaga paasa! Aray ko Masarap!” Kinurot ko nga ang bakla nang makaalis na ang lalaki.
“Drama mo kasi. Wala na iyong kausap mo.” Sabay irap ko pa. Hinarap naman ako ng bakla at tinitigan.
“Hmmm…bakit mo kaya tinataguan iyong gwapong Fafa na iyon? May atraso ka doon ano? May utang?”
“Wala ano. Basta.” Wala naman akong balak ipangalandakan na nakita ng lalaking iyon ang suso ko. Over my dead body. Tinalikuran ko na ang bakla na sobrang usisera at kung hindi ko daw type ibalato ko na lang sa kaniya. Like hello, as if namang magtatagpo muli ang landas namin. Dumiretso na ko sa may dressing room para makapagpalit at makauwi na pero bago iyon ay hahanapin ko din si Maharot para isama na pauwi. Kakatanggal ko lang ng maskara ko nang biglang pumasok si Madam na ngiting-ngiti.
“Masarap, may naghahanap sa iyo nasa labas. Vip ito mamaya ka na umuwi bilis.” Ani ni Madam.
Ako naman ay nakaramdam ng biglang kaba sa narinig. Hindi kaya…
Bago pa man ako makaalma nahila na ako ni Madam at nakita kong muli ang estrangherong tamad na tumingin sa may paanan ko bago umakyat ang paningin niya sa mukha ko. Ewan ko kung nagdedeliryo ba ako pero mukhang panandaliang may gulat at pagkamangha akong nakitang dumaan sa mga mata niya na saglit lang ay nawala na din.
Tumikhim ang estranghero. Si Madam naman ay ngiting-ngiting nakatingin sa amin.
“Ah Masarap alam ko namang pauwi ka na. Pero last na ito gusto ka daw itable ni…”
“Caspian. My name is Caspian.” Pagdugtong ng lalaki sa sinasabi ni Madam. Inilahad niya ang kamay niya sa akin na ikinagulat ko pero inabot ko din naman iyon. Hindi ganoon kalambot ang kamay ng lalaki parang may gaspang pa din akong nadadama siguro ay masipag siyang tao kahit mukha namang may gintong kutsara sa bibig simula ng isilang. Muntik na kong mapasigaw ng bahagyang pisilin ni Caspian ang kamay ko kaya agad ko din iyong inilayo. Si Madam naman ay nagpaalam na at may ibang parokyano pa daw siyang aasikasuhin.
“Shall we?” Wika ni Caspian na inaaya na ako ako sa table nila. Ako naman ay walang nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya. Malapad ang katawan ng lalaki waring batak sa pageehersisyo. Bahagya ko din nasasamyo ang panglalaking-panglalaking pabango nito napapapikit pa nga ko sa sobrang bango.
“So you’re Masarap? Does it mean you’re delicious too?” Sambit ni Caspian na nagpamulat sa akin at nagpatalisod sa akin sa sobrang gulat. Abala ako sa pagsamyo ng pabango niya tapos bigla siyang magtatanong ng nakakagulat na tanong tulad ng kung masarap daw ba ako.
Diyos ko. Napapikit na lamang ako para damhin sana ang paghalik ko sa sahig ngunit may malalakas na bisig ang sumalo sa akin.
“I got you.” Bulong ni Caspian habang nakayapos ako sa mga bisig niya. Napamulat ako ng mata at nag-init ang mukha sa sitawasyon namin. Mahal na mahal siguro ito ni Lord. Alam mo iyong parang pinag-gugulan talaga ni Lord para likhain ang nakapagwapong nilalang na ito.
“Caspian! Where have you been?!”
Dali-dali akong umayos ng posisyon ng marinig ang tawag na iyon ng isang babae kay Caspian. Inayos ko ang suot kong dress maging ang buhok ko bago humarap sa kanila. Isang maganda, matangkad at mestisang babae na nakaitim na dress at may nakapatong na coat sa balikat ang nasilayan ko na nakakapit sa braso ni Caspian at nakangiti sa akin.
“Hi I’m Via!” Pakilala ng babae na nakangiti at kumaway lang sa akin.
“Ako si Kendra.” Matipid kong pakilala.
Inaya nila kong maupo sa table nila. Tama iyong nakita ko habang nasa stage kanina. May dalawa pang gwapong lalaki silang kasama na si Troy na bestfriend ni Via at Yuan na katrabaho nila. Napag-alaman kong magkakatrabaho pala sila sa isang Law Firm. At oo halos mangliit ako ng malaman na mga attorney pala silang lahat. Sobrang layo ng agwat sa mundo ko. Pero hindi bale ito naman na ang huli at hindi na kami muling magkikita-kita pa.
Katabi ko si Caspian na napapagitnaan namin ni Via sa harap naman namin ay si Troy at Yuan.
“Ikaw pala iyong kumanta kanina. Nice voice.” Puri sa akin ni Troy.
“Salamat.” Nahihiya kong tugon.
“So what’s your work here? Pokpok ka din...


ba? Ay may bad obvious naman na kasi dito ka nagtatrabaho.”
“Via!” Saway ni Caspian.
Ako man ay nagulat walang halong pang-iinsulto sa boses ni Via nang tanungin niya iyon at doon ako mas nasaktan. Parang alam niya na marumi akong babae kasi nga naman dito ako nagtatrabaho. Hindi ko kinahiya ng ganito kalala ang trabaho ko. Ngayon pa lang. Parang gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko.
“Bakit ka nakasigaw? Nagtanong lang naman ako.” Nakangusong sagot ni Via.
“It’s rude Via.” Sabi naman ni Yuan na kanina pa tahimik.
“What?! I can’t believe you guys. Nabastos ba kita Kendra?” Tanong pa sa akin ni Via. Gusto ko sanang sagutin siya ng oo kaso kabaliktaran ang ginawa ko. Umiling lang ako sabay ngiti ng tipid.
“Enough.” Putol ni Caspian bago ako inalok ng baso na may mamahaling alak. Tinanggap ko naman agad para kahit papaano lumakas ang loob kong harapin sila matapos ang napakaraming kahihiyang dinanas ko ngayong gabi.
“So now answer me guys. Bakit ba nandito tayo? I mean hindi naman tayo pumunta sa ganitong cheap na bar and to make it worst, beer house pa pala. Have you guys forgotten na babae pa din ako?” Aning muli ni Via na halatang hindi gusto ang lugar na ito. Nainsulto mang muli ay kinubli ko na lamang ang nararamdaman at tumagay na lang.
“Hindi ka namin inimbita kusa kang sumama.” Tanging sagot ni Caspian.
“Yeah right. Pero bakit nga nandito tayo?” Naiinis ng tanong ni Via at hinampas pa sa may braso si Caspian.
“You don’t have to know. Umuwi ka na Via ipapahatid na kita.” Balewalang sagot ni Caspian.
“Caspian!” Sigaw ni Via na nagpagulat sa akin maging ang ibang costumers ay napatingin na din sa amin. Muntik na ngang puntahan kami ng bouncers kung hindi ko lang sinenyasan na okay lang kami.
Ano ba kasing meron ang dalawang ito? Para akong nanonood ng drama at pagtatalo ng mag-asawa. Ito na ba iyong tinatawag na LQ or lover’s quarrel.
“She’s looking for a wife here.” Wika ni Troy.
Halos masamid ako sa narinig at alam kong nagulat din si Via na nabitiwan na ang hawak na tinidor.
“Troy…” May babalang ani ni Caspian.
“What bro? Hindi iyan tatahimik hangga’t hindi niya nalalaman.” Wika ni Troy sabay kibit balikat.
“What?!” Sigaw muli ni Via na halos lumuwa na ang mata. Ano ba kasing naisipan ng Caspian na ito? Akala ko ba sila ang magjowa. Tsaka hinahanap ba ang asawa. Tsaka dito? Bakit dito? Iba lang talaga siguro mag-isip ang mayayaman.
Masyadong komplikado. Napailing pa kong bahagya.
“Are you guys kidding me?! Dito pa talaga?! Caspian Alexander?!” Naawa ako sa vocal chords ni Via ayos pa kaya lalamunan niya kakasigaw. At Caspian Alexander? Wow ha maging ang pangalan ng lalaki ay napakagwapo kung hindi pa naman siya ang pinagpala sa lahat ewan ko na lang. Hinawak-hawakan pa niya sa balikat si Caspian para sagutin siya. Hindi ko sigurado pero parang may luha akong napapansin sa mata ni Via.
“Stop it Via. You’re too loud. At oo dito ako naghahanap ng mapapangasawa kaya tayo nandito so please stop overreacting.” Mahinahong sagot ni Caspian kay Via.
Si Via naman ay muling napa-what kaso mahina lang. Parang mag-eend of the world na ang reaksyon ni Via. Pero ganoon pa man hindi maitatangging napakaganda ng babae kaya’t bakit naghahanap pa itong si Caspian eh may babaeng naghihintay na sulyapan niya man lang na nasa tabi-tabi lang. Oy hindi ako iyon ah si Via tinutukoy ko. Hindi naman ako bulag para hindi makitang may nararamdaman ang babae kay Caspian na ang ipanabreastfeed yata sa lalaki noong sanggol pa lamang ay anesthesia sa sobrang kamanhidan.
Pero malay ko ba baka naman nagtapat na si Via tapos nireject lang ni Caspian. Oh kaya naman mag-ex pala sila. Or sila? Hay ang gulo naputol ang mga konklusiyon ko sa utak ng magsalita si Yuan.
“Have you found your prospect man?” Tanong ni Yuan. Tahimik lang si Via sa isang tabi at pansin kong panay inom ito na sinasaway naman ni Troy na katapat ni Via.
Katahimikan.
At sa wakas…
“Yeah. Fortunately I already found her. Masarap…” Nakangiting baling sa akin ni Caspian at kinuha pa ang basong tatagayin ko pa sana.
“Will you marry me?”
To be continued…
Ano guys? Worth ba ang paghihintay?🤣Caspian Alexander😍 Sorry nilagnat ako at may sinat pa nga ko pinilit ko lang magupdate kasi ilang araw na kong walang update..ano masasabi nyo?😊 Good morning enjoy reading🥰 Later nalang update ng Her Greatest Downfall papahinga po muna ulit ako bago magtype😷






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top