Serenity
Paglipas ng isang linggo ay bumalik na ang aking lakas at pagaling na rin ang mga natamo kong mga sugat. Agad akong chineck-up ng doctor at sinabing pwede na raw akong umuwi anumang oras ngayon. Kasama ko ngayon si Janice at kanina lang ay nandito rin ang aking mga magulang. Ngunit hindi ko man lang nakita ni minsan na bumisita si Ryker sa akin.
“Bes buti na lang at ayos ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong sa akin ni Janice at tumango naman ako tanda na ayos na ako. “Sigurado ka ba?” Tumango ako ulit bilang sagot sa kanya.
Tinulungan niya akong tumayo dahil medyo masakit pa ng kaunti ang aking mga paa dahil sa mga natamo kong sugat. Nailalakad ko naman na ang aking mga paa pero masakit lang itong itapak dahil pagaling pa lang ang mga sugat ko.
“Nasaan ba kasi ang asawa mo at hindi siya ang nandito para tulungan ka? Hindi ba siya nag-aalala sa iyo?” inis na tanong ni Janice.
Tipid akong ngumiti bago ko siya sinagot. “Abala lang iyon dahil parehas ba namang nandito ngayon sa hospital ang kambal syempre nag-aalala rin siya.”
Tinaasan niya ako ng kilay habang naglalakad na kami palabas ng kwarto. “Tss… Oo nag-aalala siya pero kahit minsan man lang ay hindi ka man lang ba niya pwedeng dalawin?” Umikot ang kanyang mga mata at nanahimik na lang ako.
Alam ko naman ang dahilan pero hindi ko na lang sinabi ito kay Janice. Kilala ko na siya at sigurado akong sesermonan niya lang ako. Paglabas namin ng kwarto ay humiling ako kay Janice na kung pwede ay bisitahin ko lang ang aking mga anak. Alam ko naman na kasama nila sina Linda at Maria pero gusto ko lang malaman kung ayos lang sila. Tumango naman siya at sinamahan ako hanggang sa makapunta kami sa kwarto ni Ryleigh.
Pagpasok ay agad kong nakita si Linda na kinakausap na si Ryleigh. Halos maiyak ako nang makita kong gising na ang aking anak. Kapansin-pansin na medyo nanghihina pa lang ito pero agad ko siyang linapitan at yinakap ng sobrang higpit.
“Oh my, thank God gising ka na baby ko.” Mahina siyang ngumiti.
“Mama miss na po kita, si Papa at Ryder. Sorry I worried all of you.” Umiling ako at binigyan ng halik sa kanyang noo ang aking anak.
“Mama misses you too, baby.”
Napansin yata ng aking anak na hirap akong maglakad kaya nagtaka siyang napatingin sa akin.
“Mama, why are you limping?” Napatingin ako kay Linda at ngumiti siya.
“Mama and Ryder had an accident, but no need to worry because the both of us are already fine.” Ngumiti siya ulit at gano’n din ako.
Napatingin ako kay Linda at sinabi sa kanya na siya na muna ang bahala sa aking anak at pupuntahan ko lang si Ryder. Mukhang alam naman na ni Linda na ayaw akong makita ni Ryker dito sa hospital kaya malungkot niya akong binigyan ng ngiti.
Nagpaalam ako sa aking anak at lumabas sa kanyang kwarto sabay sunod na pinuntahan si Ryder. Pagdating sa kwarto niya ay masaya na siyang naglalaro at binabantayan naman siya no Maria.
“Mommy!” sigaw ng aking anak pero kasunod nito ay bigla na lang siyang umiyak kaya mabilis ko siyang sinugod ng yakap. “Mommy, I’m so sorry. Is it my fault that we had an accident?” Agad akong umiling at pinahid ang pisngi ng aking anak.
“No, baby. Hindi mo iyon kasalanan dahil hindi naman natin alam na maaaksidente tayo. Stop crying because it’s not your fault okay?” Tumango siya at yinakap ako.
Halos manlambot ang aking puso dahil pakiramdam ng aking anak ay siya ang may kasalanan ng lahat. Napatingin ako kay Maria at nakita kong nagpapahid siya ng kanyang luha.
“Mommy are you going to stay with me? Please stay with me. I want you here.” Napatingin naman ako kay Maria at tumango na lang siya.
“Okay.” Baling ko sa aking anak at nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Ryder. “Janice dito na muna ako. Salamat sa pagtulong sa akin ha? Pwede ka nang umuwi para hindi naman ako nakakaabala sa iyo.”
“Sigurado ka?” tanong niya at tumango naman ako.
Nagpaalam na siya sa amin at lumabas na ng kwarto. Nagbilin pa siya na kung may kailangan daw ako ay tawagan ko lang daw siya. Paglabas niya ay inutusan ko naman si Maria na umuwi na para naman makapagpahinga na rin siya. Mukha kasing wala na rin siyang tulog at pahinga.
“Ma’am ayos lang po ako.” Umiling ako.
“Maria please go rest. Ako na ang bahala rito. Isa pa kilala mo naman si Ryder dahil iiyak siya oras na umalis ako. Ako na lang ang magbabantay sa kanya ngayong gabi. Bukas ay kuhanan mo na lang ako ng damit pamalit.” Ayaw man niya ay sumunod na lang siya sa akin.
Lumabas na siya at agad na nagpaalam. Sinabi niya na babalik na lang daw siya bukas. Nag-usap at medyo nag-asaran pa kaming dalawa ni Ryder hanggang sa sumapit ang hapunan. May mga nurse naman na nagpakain kay Ryder bago...
sb nga di mo makilala ang isang tao qng di mo maksama sa isang bobong