MGA ANAK KO


By: Kim Elvina
[basahin niyo nalang]
*********************
Undas ngayon pero bawal magpunta ng sementeryo dahil sa Covid kuno. Mawawalan daw kasi ng Social Distancing.
“JAAAAYYYSSOOON!!!” Malakas na tawag ni mama sa pangalan ko kaya aligaga akong nagtatakbo papunta sa kaniya.
“B-Bakit, Ma?” Hinihingal kong tanong.
“Bumili ka ng kan—”
“PSH! BIBILI LANG PALA MAKASIGAW NAM– ARAYY NAMAN MA!” inis kong aniya habang hinihimas ang batok ko. Kaltukan ba naman ako.
“Napaka ano mong bata ka! Oh ayan ang pera! Bumili ka ng kandila kina Aleng Bebang damihan mo’t baka maubusan tayo. Magtitirik tayo ng kandila ngayon, gabi na oh!” Tumango nalang ako at tumalikod na.
Lalakad na sana ako palabas ng makita ko ang CR naming nakabukas. Biglang may nagflashback sa isip ko.
‘Yung mga anak ko’
Napangiti nalamang ako ng mapait saka dumiretso na para bumili.
Nang makabali na’y umuwi ako at ibinigay kay mama yung mga kandila. Pero kumuha ako ng dalawa. Ipagtitirik ko ang mga anak ko para sa gan’on kahit papaano’y maalala ko sila.
Pumunta muna ako sa kuwarto ko at drinawing at litrato ng mga anak ko. Halos maiyak ako habang ginagawa ang bagay na ‘yon.
Nang matapos na’y pumunta naman ako sa labas kahit madilim na. Pumitas ako ng mga inaalagaang halaman ni mama na may mga bulaklak. Nang makuha ko na lahat ng kailangan ko’y nagpunta na ako sa loob ng CR para ipagluksa ang mga anak ko.
Nagpipigil ako ng luha habang idinidikit sa ding-ding ng CR ang litrato ng mga anak ko. Nagtirik na rin ako ng kandila at naglagay ng bulaklak sa gilid.
Emsyonal kong hinaplos-haplos ang drawing kong mukha ng mga anak ko.
“M-Mga anak?” Huminga muna ako ng malalim...


para pigilan ang luha ko.
“Mga anak? Pagpasensyahan niyo na ang papa niyo ah? Namatay kayong walang ina. Masakit para sa’kin na makita kayo rito. Huwag kayong mag-alala araw-araw kayong dadalawin ni papa,” singhot-singhot kong aniya nang isang malakas na batok ang aking natanggap mula sa likod.
“WALA KA TALAGANG MAGAWANG MATINO, JAYSON!” Sigaw ni mama. Naiwan ko palang nakabukas ang CR.
“MAMA WALA KA BANG KONSIDERASYON? IPINAGLULUKSA KO LANG NAMAN ANG MGA YUMAO KONG ANAK NA HINDI NABIGYAN NG PAGKAKATAONG MABUHAY SA MUNDO!” at boom isang kutos ang natanggap ko.
“ARAAAYY!! MA! TAMA NA ARAY!!”
“PURO KA KABALIWAN! SINO BANG BALIW ANG MAGLULUKSA DAHIL SA MGA SPERM NA ‘YAN!?” Sigaw ni mama at napatingin sa likod ko pero halos magsalubong ang kilay niya ng makita ang nasa likod ko.
Binitawan niya ako at agad siyang nagmartiya palabas ng bahay.
“Wow? Pagkatapos akong kutusan aalis nalang bigla? Weird, sa’n naman kaya si mama pupunta at parang galit?”
“JAAYYYSSSOOON!!! P*TANG*NAMONG BATAAA KAAAAA!!! WALA KA TALAGANG KUWEENTAAA!!! YUNG PLANTITO KO RITO PA ANG PINAGDISIKITAHAN MO!!!” dumadagundong na sigaw ni mama sa buong bahay kahit gabi na.
Nakita kong pumasok si mama sa bahay at ang tingin niya sa’kin ay parang papatay na. Lagot!
“MAKAKATIKIM KA TALAGA SA’KIN NGAYON JAYSOON!!! PURO KA SAKIT NG ULO!!” Bago pa man makalapit si mama sa’kin ay agad kong isinara at Ni-lock ang pinto ng CR.
Para akong sumabak sa karera dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sobra.
“HUWAG KANG MAGKAMALING LUMABAS DIYAN KUNG HINDI MALILINTIKAN KA TALAGA SA’KIN!” rinig ko pang sigaw niya.
“MGA ANAK KO? MUKHANG DITO MATUTULOG ANG PAPA NIYO” Naiiyak kong aniya.
Ano naman ang gagamitin kong unan? Iniduro?
-End-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top