Nafall ako sa isang magnanakaw Chapter 1


Nafall ako sa isang magnanakaw
Genre: Bl, romance
Author: Noah
Chapter 1
Javie’s Point of view
Tagaktak ang pawis ko dahil sa pagtakbo, hinahabol ko ang isang kawatan. Bigla niyang hinablot ang wallet ko eh, bente nalang ang laman nun, pamasahe ko pa ‘yun pauwi.
“Magnanakaw, ibalik mo sa’kin ang wallet ko! magnanakaw!” sigaw ko’t napalingon naman ito saka ako benilatan. Nakakainis!
Tumakbo ako hanggang sa makakaya ko. Nang mahahablot ko na ang damit niya ay saka ako natapilok at natumba.
Napamura ako at ininda ang matinding sakit. Nagkagalos ako sa dalawa kong siko, buti nalang nakapantalon ako’t hindi masyadong nadali ang tuhod ko.
“Tang*na mong magnanakaw ka. Napadapa pa ako dahil sa’yo. Tang*na, ang sakit… ” Mahina kong...


mura, nagbabakasaling mawala ang sakit.
“Eh, kung hindi ka lang sana lampa, hindi ka sana madadapa. Tsk! Tanga na nga, lampa pa.” Mapang-asar ang tuno nito.
Inabot niya sa’kin ang wallet ko at napangisi. “Tsk, bente lang naman pala ang laman ng wallet mo kung makasigaw ka parang anlaking halaga naman. Tch,” usal niya at saka ako inismiran.
“Wala kang pake! Kung hindi mo lang sana kasi hinablot pa itong wallet ko edi sana hindi ka napagod sa pagtakbo para lang sa bente pesos, hmm!” sagot ko naman na may kasamang panggigigil.
Tiningnan ko ang laman ng wallet ngunit nabigla ako nang makita kong wala na itong laman at bigla nalang siyang nawala.
“Bwes*it ka!!! Magnanakaw!!!”
To be continued…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top