LOVE AT FIRST SLAP


LOVE AT FIRST SLAP
“Bro ‘yon yata ‘yong transfer student oh,” marahan kong minulat ang aking mata ng sikuhin ako ni Henry.
Sinundan ko kung saan nakaturo ang kaniyang daliri at doon ko natagpuan ang isang dalagang nakatungo habang naglalakad. Bitbit nito sa kaniyang harapan ang kulay itim niyang shoulder bag.
I didn’t find her interesting kaya’t minabuti ko na lang na umidlip ulit.
“Bro,” muli na naman akong siniko ng aking kaibigan.
“What?!” Iritableng ani ko matapos bumangon mula sa aking pagkakahiga. Sino ba namang hindi maiinis kung may mukhang kulangot na bullshit ang kukulitin ka kung kailan gustong-gusto mo ng matulog, ‘yan huwag ka ng huminga habang nagbabasa.
“Kalmahan mo lang David, nakakascared ka naman eh,” wika nito habang pilit na pinapaliit ang kaniyang boses at siya na rin mismo ang tumawa sa kabaliwan niya.
Walang emosyon ko lang itong tiningnan,”Tsk, baliw.”
Binaling ko sa paligid ang aking paningin. At kaagad akong napaayos ng upo, ng magtama ang paningin namin ng babaeng ititnuturo ni Henry kanina. Nahihiya lang itong ngumiti sa akin bago muli na namang tumungo.
Her soft smile, napahawak ako sa aking dibdib dahil feeling ko hindi na normal ang tibok ng aking puso. I’m panicking mentally, baka masobrahan ako sa dugo at ikamatay ko pa ‘yon.
Sinusundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa makalampas na ito sa aking kinaroronan. Tumayo na rin ako at isinakbit ang aking bag, pinigilan pa ako ni Henry dahil may usapan kaming magc-cutting kami pero bigla akong sinipag kaya next time na lang.
Nakasunod lang ako sa dalaga at nakasunod rin sa akin ang kaibigan ko. Bawat hakbang niya ay siya ring paghakbang ko, sa tuwing hihinto siya ay humihinto rin ako at dahil gaya-gaya ang kaibigan kong mukhang kulangot humihinto rin siya.
Hindi ko na alam kung saan na kami napadpad basta ang alam ko lang ay sunod lang ako ng sunod sa kung saan pupunta ang babaeng ‘yon. Bumilis na ang lakad nito na mistula ay nakaramdam na sinusundan ko siya.
At sa isang iglap ay natisod ito.
Tila nag-slow motion...


ang lahat ng bagay na gumagalaw. Nag-strech pa muna ako para ihanda ang aking sarili na salohin ang dalaga, ito na ang pagkakataon ko para maging super-hero at magpapansin na rin at the same time kaya kailangan kong galingan.
Kaagad kong binitawan ang bag ko at mala-k-drama ang galawan akong tumakbo papalapit sa kaniya with slow motion effect, yes, para dramatic.
Mabilis kong hinablot ang kung anong mahawakan para lang iligtas siya.
“u-uhm,” umawang ang aking labi sa kakaibang sensasyon na aking naramdaman ng ibang parte yata ang aking nahawakan. Biglang nawala ‘yong antok ko, like it vanished parang bubbles lang.
Ewan ko ba kung bakit kusang gumalaw ang demonyo kong kamay at nagawa pang pisilin ‘yon na siyang aking kinagulat.
Nang mabawi niya na ang kaniyang balanse ay marahan nitong kinalas ang aking kamay sa bagay na ngayon ko lang nahawakan, by the way malambot siya, oo share ko lang. Parang na-stroke ang aking bullshit na mga daliri dahil hindi ko na ‘yon maigalaw.
Pakiramdam ko ay biglang bumigat ang tension sa pagitan namin ng dahan-dahan itong humarap sa akin. Wearing her dark aura na mukhang hindi nagustuhan ang ginawa ko. Fuck, shit, shit, tangina with French accent.
Isang lumalagatik na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya.
“Para ‘yan sa pambabastos mo sa’kin.” mariing singhal nito bago maglakad palayo sa aking gawi.
Natulala na lamang ako habang nakahawak sa akong pisngi. I just felt there were butterflies flying in my stomach. Bakit imbes na masaktan sa sampal niya eh kinikilig ako?
“HAHAHAHA masakit bro? deserve mo ‘yan,” kantyaw ni Henry na pumapalakpak pa habang tumatawa.
“Bro ang mild ng sampal niya,” nakangiting tugon ko “Gano’n ba siya magpasalamat?”
“Gago! sinampal ka kasi iba ‘yong kinapitan mo, teka bakit namumula ka? mamamatay ka na ba tol? tol! bro! tol!”
Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ng kaibigan ko dahil mga ulap na ang aking nakikita. Grabe, ganito pala feeling ng masampal — HEAVEN.
David D. Moño
Cause of death: nakalimutang huminga
_______
A work of FICTION — Written by: Naia Canard






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top