MY GIRL CHAPTER 1


GENRE:ROM-COM
AUTHOR:AKOO
“OKAY ka lang?”
Agad na itinigil ni Aya ang pagkakamot sa kanyang exposed na mga balat saka nginitian ang isang kapwa bridesmaid niya. “Yeah, I’m okay. Medyo makati lang nang kaunti itong gown natin.”
“Oo nga, eh. Pero kung ako sa iyo, huwag mo na lang masyadong intindihin. Kasi, baka bago pa magsimula ang seremonya ng kasal, pantal-pantal kna. Sayang, ang ganda pa naman ng balat mo. Siguradong madaling mahahalata iyan sa mga pictures.”
...


Agad na ibinaba niya ang mga kamay. Ayaw yata niyang magmukhang hinalabos na sugpo sa kasal ng kaniyang paboritong pinsan. Kasal iyon ni Reiji, ang cousin niya na purong hapon ngunit minahal nang husto ang Pilipinas. Kaya hindi na nakapagtatakang doon na rin ito nakapag-asawa. Ulilang lubos na ito at sa kanilang pamilya na lumaki since magkapatid ang ina nito at ang kanyang ama. Pero dala ng pagiging abala sa negosyo ng kanyang mga magulang , siya na lamang ang nakadalo sa okasyong iyon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top