THE SOLD HEIRESS
PROLOGUE
“Mia, please let me out. Tulungan mo akong makaalis dito. Please, I’m begging you,” nanginginig na pakiusap ko sa kaniya.
Pansin ko ang kaba at takot sa kaniyang mukha habang nakatitig sa akin.
“S-Señorita…”,
“M-Mia, please…”,
“S-sorry..pero kasi..”, umiiyak na aniya saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Binantaan ako ni Señor Rualdo. P-papatayin niya ang pamilya ko kapag tinulungan kita. Hindi ko po ‘yun kaya señorita. Patawad po,” umiiling na iyak ni Mia sabay takbo papalabas ng kwarto ko.
Wala akong nagawa kundi umiyak. Gustong-gusto ko nang makaalis sa impyernong ‘toh pero hindi ko alam kung pa-paano.
Ilang minuto ang lumipas matapos naming magusap ni Mia. May narinig akong isang malakas na putok ng baril sa labas ng aking kwarto.
Ilang saglit pa mayroong mga lalaking nakaitim at may hawak na baril ang bigla na lang pumasok sa kwarto ko.
“Sino kayo?! A-anong–h’wag kayong lalapit! Anong kelangan ny–Ano ba bitiwan mo ako!,” galit na singhal ko sa isa sa kanila.
Lahat sila’y nakasuot ng itim na maskara.
Pipiglas muli sana ako ngunit hindi ko iyon naituloy dahil tinutukan na ako ng baril ng isa sa kanila.
Wala na akong nagawa kundi magpatangay. Mahigpit ang hawak nila sa braso ko habang naglalakad kami papunta sa sala ng mansyon.
Du’n ko nakita sila Mia, Nang Medel, Kuya Jon, at Daddy na nakaluhod sa harapan ng isang matandang lalaki.
“Owow! Ito na ba ang unica hija mo Rualdo…” nakangising salubong sa’kin ng matanda.
Naikuyom ko ang dalawa kong kamao dahil sa nakakademonyong...