Love Against the Space CONTINUE:


CONTINUE:
“Niya among humay kay naguba mani!?” Sigaw ng isang binata na di kalayuan, si Adonis dahil sa dami ng reporter na nasa harap ng palayan niya at mas dumadami pa! Hindi niya alam na isa sa IUASO pala ang naglapag ng spaceship nila at honor siya dahil sa lupa nila inilapag ngunit hindi rito. Magagalit sa kaniya si Don Mateo ang kaniyang lolo dahil sa nangyari sa isa sa kaniyang palayan.
Bagsak ang balikat na tiningnan niya ang isang malapad na palayan na ngayon ay sirang sira na dahil sa spaceship ng IUASO. Napasimangot nalang siya dahil dito. Malalagot talaga siya sa lolo at lola niya.
“Ma’am are you gonna take some time for vacation?”
“Ano na ang mangyayari sa Pamilya Nerosa pagkatapos ng successful mission on Mars?”
“Miss Muriel ano nang susunod na hakbang ng IUASO?”
Lahat sila nakatuon sa susunod na sagot ng magkapamilya ngunit hindi naman sila nabigo.
“Currently we’re working on how to deal and live on planet Mars. We all know the possibilities we face on Earth and we don’t know if it’s gonna last longer but we make sure to you all that Red planet will alive again.” Seryoso lamang si Muriel at napatango naman at nagpalakpakan ang lahat. Meron mga med team ang tumutulong iaakay silang tatlo since hindi pa sila makapaglakad. Sa malayo tanaw niyang bagsak balikat na si Adonis nakasimangot ito habang tanaw sila at nagsisigaw. Napailing nalang si Estrella dahil mukhang siya na nga ang lalaki na sumisigaw kanina.
Isinenyas niyang team na umaalalay sa kaniya papunta sa gawi ng lalaki nagunahan naman ang mga reporter na i report ang susunod na gagawin ng babaeng astronaut.
“Hello good morning,” walang emosyon na sagot niya sa binata napataas naman ang kilay ni Adonis kasabay ng pagkunot ng mga noo niya.
“Bakit? Hoi Alien aba bayaran niyo rin ang natamo na damage sa palayan namin,” nagulat naman ang lahat pati na rin si Estrella hindi niya aakalain na siya na kinikilala at tinitingala nang lahat dahil sa angking kagilingan ay tatawagin na Alien ng sino man. Matalim na tinitigan niya ang binata kasabay ng pagrinig niyang tawa ng magulang sa gilid ngayon ay nakaharap na sa binata.
“Hijo oo babayaran ng IUASO ang lahat ng nasira pasensya na ah? Hindi kasi tumingin si Estrella sa dinadaanan namali tuloy ang kalkulasyon at napapunta pabalik rito ang media at ang med team pasensya sa abala ah?” Maligalig na sabat ni Lieutenant Emerilita ngumite naman ang binata at napakamot sa ulo.
“Wala ho iyon at napagkamalan ko pa kayong Alien malalagot lang talaga ako sa lolo ko,” tawa naman niya. Napatawa naman si Lieutenant Emerilita at Commander Maurille sa kaniya ngunit nanatiling matalim ang tingin ni Estrella sa binata.
“Oh siya aalis na kami at marami ng media rito nakakapanibago naman ang mga bagay bagay isang taon na rin simula ng umuwi kami sa mundong minamahal natin,” nakangiti pa rin ang ginang sa kaniya na tila nawiwili ito sa pagkapilyo ni Adonis. Nanglalaki naman ang mata niya nang marinig iyon.
“Talaga po? Ano pong trabaho ninyo? Mahirap po...


ba mag astronaut? Nakarating na po ba kayo sa mga planeta?” Sunod sunod na tanong niya. Tumatawa na napatango ang mag-asawa sa kaniya ngunit hindi si Estrella dahil naiinis ito sa kaniya.
“Mas madami ang tanong mo sa tanong ng media hijo pero oo mahirap talaga nakarating kami sa planet Mars at pitong buwan rin ang byahe namin roon. Sa ngayon ay gusto naming magpahinga at magbakasyon na magpamilya isang taon rin kami nawalay sa Earth,” ngite niya napangite rin si Adonis dahil sa narinig ngunit nabasag ito ng tumikhim si Estrella.
“Umalis na tayo mom gusto ko na magpahinga hindi ang makipag chissmiss rito sa lalaking ito,” ani niya at tiningnan si Adonis na ngayon ay nakataas rin ng kilay.
“Aba Alien natutulog ka rin pala?” Ngising tanong niya sa dalaga na ikinakunot nito, masaya talaga siya pag
ito sa kaniya. Kahit kakikita palang nila.
“Aba parrot nagiging tao ka na yata?” Pabalik na sagot na sabat ni Estrella na ikinainis ni Adonis.
“Hoi anong parrot ha!?”
“Parrot, parrot, parrot, at parrot, para kang bato sa space papansin”
“Aba hoi Alien sumosobra ka naman yata?”
“Oh siya tama na yan. Hijo mauuna na kami ah? Ako nga pala si Emerilita Astrid Nerosa at ito naman ang asawa ko si Maurille Nicolas Nerosa at ang bunso namin si Muriel Nicolette Estrella Nerosa” magiliw ns saadvng ginang.
“May anak papo pala kayo?” Gulat na sagot naman ni Adonis napatawa at napatango naman si Emerilita sa kaniya.
“Oo nag-aaral siya nang pagkadoctor ito namang bunso namin gustong mag Astrology kaya ito Space Commander na gaya ng tatay niya. Ang lalaking anak ko lang ang hindi at mas gusto niyang mag medisina oh siya aalis na ako–”
“Adonis ho Adonis Matthew Laurence Founvier,” ngite niya sa ginang at nakipagkamay rito ngunit agad siyang niyakap nito na ikinagulat niya.
“Masaya ako hijo at nakikipagbiro sa iyo ang anak ko. Space lang kasi ang sandigan niyan at baka doon na nga siya tumanda pero salamat dahil nakikisalamuha na siya,” masayang saad ni Emerilita sa kaniya hindi nito matutubusan ang lumbay na nasa puso niya dahil sa pagkakilala sa binata.
“Mom hali kana ayoko na makikipagusap sa parot!”
“Oh siya Adonis hijo aalis na kami” ngite sa kaniya at nauna nang hinila ng team niya at tanging naiwan si Estrella.
“Oh anong tinititigan mo Alien? Kagwapohan ko?” Kunot noong tanong ni Adonis sa kaniya ngunit umiling naman si Muriel at isenenyas na ang kasama na tumalikod na ngunit hinila niya ang kamay ni Muriel na ikinagulat ng dalaga.
“Hoi teka lang naman Alien kausapin mo ako hoi di pa tayo tapos! Ahh” Pahabol niya hanggang sa malapit lang siya ma dulas ngunit mabuti nalang dahil may humawak sa likuran niya upang hindi siya madulas sa putikan.
Pagmulat ng mga mata niya ay ang siyang pagmulat din nang kulay kapeng mga mata ni Muriel habang nakatayo at salong salo ang katawan ni Adonis kasabay ng pag ihip ng hangin na sumasabay sa nagsasayawang hibla ng buhok niya ang pagtitigan ng dalawang mata na nagbibigay sa kanila ng sigla at kaba.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top