MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR CHAPTER 5


MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR❤️❤️
.
CHAPTER 5
.
Napagpasyahan kasi ni Kate na umalis na sa bahay ni Alvin, dahil habang naroon siya, ay parang sinasaksak ang puso niya sa isiping may asawa na si Alvin, hindi talaga niya mapigil ang puso niya na mahalin ang lalake sa maikling panahon palang ng pagkakatagpo nila, pakiramdam niya ay nagkakasala na siya dahil ang pagkaka-alam niya ay may asawa na ito..nakita siya ng ballpen at papel at gumawa siya ng sulat para kay Alvin, pagpapasalamat ang nilalaman ng kanyang liham, at ipabibigay niya iyon kay Abby.
.
Abby : Ano aalis ka na?
Kate : oo Abby, kaya humihingi ako ng tulong sayo!
Abby : ano ang maitutulong ko?
Kate : bigyan mo sana ako ng pera, pamasahe ko lang.
Abby : malulungkot ako kapag umalis ka, pero sige bibigyan kita..
Kate : salamat abby! Tatanawin ko itong isang napakalaking utang na loob.
Abby : wala yun.
.
At pumasok si Abby sa kwarto niya at kumuha ng pera na ibibigay niya kay kate..
.
Abby : eto oh, kasya na ba yan, pagpasensiyahan mo na at yan nalang ang natitira kong pera, nagpadala kasi ako sa bahay nong isang linggo..
Kate : kasya na ito abby, salamat ha..napakaswerte ko dahil may mga tao na katulad nio ni Alvin na may mabuting puso..
Abby : naku, nakakataba naman ng puso yong sinabi mo kate..
Kate : salamat talaga sayo abby sa maikling panahon naging kaibigan kita, pakibigay mo nalang kay Alvin ang sulat ko..
Abby : teka hindi na ba magbabago ang isip mo? iiwanan mo na ako talaga? baka pwede pang magbago ang isip mo? diba may usapan kayo ni Sir Alvin na hindi ka muna aalis, at hahanapan ka daw niya ng trabaho at matitiran..
Kate : hindi na Abby, masyado na akong abala kay Alvin..kaya aalis na ako, kapag tumawag siya pakisabi mo nalang na umalis na ako.
.
Hindi masabi ni kate kay abby kung ano talaga ang totoong dahilan kung bakit siya aalis na sa bahay na iyon, nahihiya pa siyang magsabi ng nararamdaman sa nakagaanang loob ng dalaga na si Abby.
.
Abby ; saan ka pupunta ngayon niyan?
Kate : sa kaibigan ng nanay ko, baka sakaling pumayag na mag-stay muna ako sa kanila..
Abby : sige mag-iingat ka..
Kate : salamat..
Abby : sana magkita pa tayo uli kate.
Kate : oo sana nga abby, hindi kita makakalimutan.
.
At hanggang sa lumipas ang mga oras ay nakarating na nga si Katelyne sa bahay ng kaibigan ng nanay niya..
.
Edna : Katelyne!
Kate : tita Edna! (Di napigilang umiyak)
Edna : (niyakap si kate)…sshh tahan na, napaka-walang hiya ng tatay mo talaga, nagawang ibenta ang sariling anak..
Kate : pwede po ba akong manatili muna dito sa inyo, habang naghahanap po ako ng trabaho..
Edna : oo naman, dumito ka iha, hindi ka na iba sakin, matutuwa ang kaibigan mong si Liezel kapag nalaman niyang nandito ka, halika pasok ka sa bahay.
.
At pumasok na sila ng bahay, mabuti na lang at pumayag ang kaibigan ng nanay niya na mamirmihan muna siya sa bahay ng mga ito.
.
Edna : Liezel, may bisita ka..
Liezel : sino po nay.
Edna : si kate!
Liezel : si kate po?
Edna ; oo, halika lumabas ka sa kwarto mo, ano bang ginagawa mo diyan, at kanina ka pa diyan sa loob..
Liezel : opo lalabas na po.
.
Pagkalabas ng kwarto ni Liezel ay bumungad nga sa kanya ang kaibigan..nagbeso ang dalawa
.
Liezel : kumusta kana? Nabalitaan ko yong ginawa ng tatay mo sayo..ano okay ka lang ba?
Kate : okay lang ako..
Edna : o paano, maiwan ko muna kayo at akoy mamamalengke na muna, Liezel dito muna titira satin si Kate ha, share kayo ng kwarto ni kate..
Liezel : totoo, dito ka titira, wow ang saya..
Kate : pansamantala lang naman ako dito..
Liezel : kahit pang-matagalan okay lang Kate.
Edna : o sige bahala na kayo riyan..
Liezel : opo nay.
Kate : ingat po kayo.
.
Lumipas ang mga araw na pananatili ni Kate sa bahay ng kaibigan ng nanay niya ay hindi pa siya nakakahanap ng trabaho.hanggang sa may sinabi si Liezel kay kate na pwede nilang trabaho.
.
Liezel : kate, may nabalitaan ako sa isa kong kaibigan na may kumukuha ng Model, mag-pill up na tayo ng resume at magsubmitt din tayo ng whole body picture at close-up picture, baka sakaling makuha tayo, aba hindi naman yata pahuhuli ang ganda natin sa mga kababaehan sa kabayanan, maganda din naman tayo, makinis, at maganda din naman ang hubog ng katawan natin, kaya sigurado ko na matatanggap tayo..
Kate : naku, hindi ba delikado yan?
Liezel : hindi, wag kang mag-alala, model lang yun..malay mo doon tayo madiscover, maging sikat tayong mga modelo..
Kate : parang nakakatakot, baka mamaya sa night club ang uwe natin.
Liezel : hindi ah, at saka wag kang matakot mga 20 daw yong kukuhanin, kaya may makakasama naman tayo..wag kang matakot kasama mo ako..
Kate : alam ba ni tita Edna?
Liezel : hindi pa, mamaya sasabihin ko. Hihingi tuloy ako ng pampa-picture natin sa studio ni Mang Randy..
.
At ipinaalam nga ni Liezel sa ina ang balak nilang magkaibigan..
.
Edna ; sige payag ako. Basta ba hindi kayo mapapahamak diyan sa papasukin nio..
Liezel : hindi po nanay.
Edna : mag-iingat kayo.
Liezel : opo.
.
At hanggang sa sinubukan nila nilang dalawa, kung makukuha silang maging modelo, at dahil sa may kagandahan silang dalawang magkaibigan, ay nakuha nga sila. Masayang umuwi ang magkaibigan sa bahay at ibinalita kay Edna na tanggap sila, at sinabi nila na kailangan nilang mag-impake ng damit dahil sa Baguio sila madidestino.
.
Liezel : ang saya kate, may trabaho na tayo, at hindi lang trabaho, sisikat pa tayo.
Kate : oo nga ako din masaya, kahit papaano ay makakatulong tayo kay tita Edna.
.
at samantalang naman si Alvin ay nabigla nang umuwi siya sa bahay niya na wala na si Kate roon, nag-alala siya kay kate dahil baka may mangyaring masama na naman sa dalaga.
.
Alvin : bakit hindi mo pinigilan Abby?
Abby : pinipigilan ko nga po, eh ayaw naman papigil.
Alvin : saan daw siya pupunta?
Abby : sabi niya sir sa kaibigan ng nanay niya.
Alvin : saan daw yong bahay ng kaibigan ng nanay niya?
Abby : ay yun lang sir, hindi ko naitanong! Nakalimutan kong...


itanong!
Alvin : ano ka ba naman abby bakit hindi mo inalam?
Abby : nakalimutan ko nga po sir!!
.
Parang namroblema tuloy si Alvin ng malaman na umalis si katelyne, nag-aalala siya para sa dalaga, samantala naman si Abby ay masayang masaya dahil hindi natuloy ang kasal ng amo, pero nanghinayang siya dahil umalis si Kate, at samantalang sina Katelyne at Liezel ay nasa Baguio na kasama pa ang ibang mga taga barrio nila. Naroon sila sa isang malaking bahay, na may kalumaan.
.
Girlie : (ang baklang tumatayong manager nila)..girls mag-beauty rest muna kayo, maraming kwarto diyan na mapagpapahingahan nio, at bukas na ang rehersal nio, sige maiwan ko na kayo diyan ha, magpahinga kayo ng bonggang bonga(malanding sabi nito)
.
Maraming pangarap si Liezel kaya lang sa hirap ng buhay ay hindi na din siya nakapag-aral ng kolehiyo, ayaw naman niyang mamasukan ng katulong o di kaya ay labandera, pero si katelyne ay parang tinabangan na siya na mag-aral buhat ng mamatay ang nanay niya, sa isip niya ay para kanino pa ang paghihirap niya kung nawala na sa kanya ang pinakamamahal na ina..at hanggang sa lumipas ang mag-damag. Maaga silang Ginising ni Girlie..
.
Girlie : Girls mag-ready na kayo, kailangan nio ng magpa-make over! Bilis double time, may pictorial kayo mamaya..magsipagliguan na kayo.
.
At nagmadaling kumilos ang mga dalaga excited na sila sa trabaho nila..ganun din si Liezel, pero si katelyne parang may kaba sa dibdib na hindi niya malaman kung ano..at samantalang si Alvin ay sinubukan niyang pinuntahan ang address kung saan ay nagtatrabaho si Anita, ipinagtanong niya kung saan ang bahay ng babae, baka sakaling malaman niya kung saan naroroon si Katelyne, ngunit ng makarating siya at ipinagtanong nga niya, wala ni isa na nakakaalam kung nasaan si Katelyne, at hindi din naman kilala ng mga napagtanungan niya kaibigan ng nanay ni katelyne..hindi maintidihan ni Alvin ang sarili kung bakit ganun na lang ang pag-aalala niya sa dalaga, parang hindi niya kayang isipin na may mangyayaring masama sa dalaga..hindi na si Erica ang laman ng isip niya ngayon kundi si katelyne na..bumalik si Alvin sa bahay niya na lulugo-lugo..alam naman na ni Abby kung bakit matamlay na umuwi ang amo, dahil hindi nito nakita si Katelyne..
.
Alvin : Abby, aalis uli ako ngayon ha, bahala ka muna dito sa bahay natin..
Abby : opo sir..
Alvin : siguro mga pang 2 wiks akong mawawala, siguraduhin mong laging nakasara ang pinto, baka masalisihan ka ng masamang loob diyan ay gawan ka ng masama..
Abby : wag po kayong mag-alala sir, at sisiguraduhin ko pong nkasara ang mga pinto..
.
At samantala naman, ang mga dalaga na kasama ni katelyne at ganun din si Liezel ay todo ang pose sa pictorial nila, samantalang si katelyne ay nahihiya pa siyang magpose-pose, hindi niya alam kung paano mag-pose, tinuturuan lang siya ni girlie kung paano, nahiya kasi si Katelyne dahil sa suot nila, hindi siya sanay sa mga ganong klase ng damit, na halos lumitaw na ang dibdib niya, at ubod ng ikli ng palda niya, naiilang si katelyne dahil sa photograper, malagkit ang tingin sa kanya, hinahagod siya ng tingin at nakatuon pa ang tingin sa kanyang dibdib.
.
Girlie : Kate, tanggalin mo yong hiya mo, sa trabaho nio kailangang walang hihiya hiya, ayusin mo yong trabaho mo ah, kung hindi ka lang maganda tatanggalin na kita eh..
Lieze : sorry, mam girlie, sobrang mahiyain lang po talaga ang kaibigan ko pero masasanay din po siya..
Girlie : sige, pagkatapos ng pictorial ninyo, praktis naman ng sayaw ha, break muna kayo ng mga 1 hr mag-lunch na kayo, para makapahinga kayo bago mag-umpisa ang praktis ng sayaw..l
.
Nagbubulungan ang mga babae na kasamahan nila, at ganun din silang dalawa ni Liezel.
.
Kate : bakit kailangan nating sumayaw? Akala ko ba rehersal ng fashion show, e bakit sayaw?
Liezel : hindi ko alam, baka kasama sa pagmomodel yun!
Kate : ganun!
Liezel : oo, kaya bilisan mong kumain at 1 hr lang ang break natin..
.
Lumipas ang isang oras, ay naroon na ang magtuturo ng sayaw sa kanila, at si Girlie.
.
Girlie : okay girls, may ibibigay ako sa inyo para sa pictorials nio kanina, (at pinagaabutan ng sobre ang mga babae na may laman na pera.)
.
Binuksan ang sobre ng mga kasamahan nila kate ang sobre para makita ang laman nito, at natuwa naman ang mga ibang nagbukas dahil tig-5k ang laman ng sobre nila, tuwang tuwa ang mga ibang babae na nagbukas ng sobre, nainggit naman si Liezel kaya binuksan na din naman niya ang sobre na hawak niya, nakita din niyang 5 pcs. Of 1k ang naroon din sa sobre niya..pero si Kate ay hindi na niya binuksan ang para sa kanya, alam naman niyang pareparehas lang sila.
.
Girls : okay girls, start na kayong mag-praktis ng sayaw.
.
Hindi gusto ni kate ang mga steps ng sayaw nila, parang puro pa-sexy ang mga steps ng sayaw nila, na parang mag-siseduce ng lalaki..at hanggang sa natapos na ang rehersal nila, pinagpahinga muna sila ni Girlie, hanggang sa umakyat na sila sa kwarto nilang tinutuluyan dahil parang gustong mahiga ni kate, gusto niyang iunat ang mga likod, walang kasiguraduhan ang isip ni kate kung ano ang pinasok nila na yun, at ng makapasok na sa kwarto sina kate at Liezel ay ibinagsak na ni kate ang katawan sa kama, si Liezel naman ay nagtungo sa banyo para mag-shower, si kate ay naalala niya ang sobre na nasa bulsa niya, kinuha niya sa bulsa niya ang sobre at tiningnan na din niya ang laman nun, pero laking gulat niya ng makita niyang 10 libo ang laman nun, nagtaka siya kung bakit ganun kalaki ang nasa sobre niya, samantalang yong sa mga kasamahan niya ay 5 libo lang, tapos yong kanya ay 10 libo. ibinalik na din niya agad ang pera sa sobre, ng may pumasok na ang iba nilang ka-roomate, inilagay na niya sa kanyang bag ang sobreng may pera, at hindi na lang niya sasabihin sa ibang kasamahan na mas malaki yong pera niya..kay Liezel na lang niya sasabihin ito. At hanggang sa sumapit na ang gabi, sinundo na sila ni Girlie at nagpunta na sila sa lugar na kung saan sila mag-peperform ng sayaw. Gimbal si Katelyne ng malaman niyang sa isang night club din ang kinasadlakan nila, at ganun din ang mga iba pa niyang kasamahan, nabigla din ang mga ito..
.
Itutuloy.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Princess Ann Punzalan

    kelan mo gagawen yung chapter 6

Leave a Reply


top