Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Pagpapatuloy ng Kabanata 9


Title : Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author : Miss J
Pagpapatuloy ng Kabanata 9
Eto na andito na kami sa harapan ng gate nila ” Sandali , ok na ba ako , hindi ba nakakahiya ?” Pigil ko sa braso ni Jay na nagsasara ng pintuan ng sasakyan
Ngumiti sya sa akin at ” Relax Mahal , ok kana wala ka ng dapat pang baguhin para lng maplease mo ang kahit na sino kahit pa ang pamilya ko, mabuti kang tao at Mahal kita yan lang ang tatandaan mo palagi at wag kakalimutan
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago bumaling sa king mga anak ” Mga anak , umayos kayo ha … Maging marespeto kayo sa mga tao na makakaharap at makakahalubilo nyo ok ”
” Opo mama , magpapakabait kami ” panabay nilang turan sa akin na ikinasiya ko bilang Ina
Si Jay ” Oh so paano halika na kayo at mukhang naiinip na si Lola nyo na makaharap kayo ” sabay kindat sa mga bata na ikinatawa naman nila
” Nay , andito na kami ” pagpasok namin sa kanilang tahanan karga parin...


nya si baby habang itoy tulog na tulog at nahihimbing ” Pasok na ” ngiti nya sa amin
At lumabas sa kwarto ang isang matandang babae na sa tantya ko mabait at tahimik ” Mabuti at nakarating kayo ng maayos , kamusta ” bati nyang nakangiti sa amin ” ipaghahain ko na muna kayo ” dagdag pa nya
” Hello po ,kamusta po ” bati ko sa kanya at nagmano kasunod ng mga bata , nahihiya parin ako
” Kaawaan kayo ng Diyos ” pagtanggap nya sa amin ” Jay akin na muna ang bata at ng maibaba ko sa duyan , naku binilihan namin ng duyan si Rambo kasi sabi ni Jay eh nagduduyan daw ang bata ” nakangiting turan ni nanay sa akin ” akin na at ng makapagpahinga ng maayos ang bata pagod ito sa byahe ” at tumalikod na habang karga si baby at pumasok na sa kwarto
” Oh kids , ano kakain ba ulit kayo o matutulog muna o manunuod ng TV?” Masiglang baling nya sa mga bata
Hay , parang normal nalang sa kanya na kausapin ng ganun ang mga bata!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top