MARRIED TO A HEARTLESS MAN CHAPTER 7


MARRIED TO A HEARTLESS MANβ™₯️
CHAPTER 7
“Tyron wag masyadong katitig baka matunaw yung picture ko niyan” pagbibiro ni Clara sa asawa niya dahil lahat ng larawan na makikita nito sa kwarto niya ay tinitigan nito parang sayang saya ito sa nakikita kahit puro larawan niya lang naman yun.
“Ako lang ba ang nakapasok na lalaki sa kwarto mo?” tanong ng asawa niya sa kanya habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng kwarto niya na puros kulay pink ang kulay, its her favorite color by the way.
“Siyempre hindi lang ikaw” sagot niya dito. Agad na kumunot ang noo ng asawa niya. May nasabi ba siyang masama na ikakairita na naman nito.
“So sino pa ang ibang nakapasok bukod sa akin, its getting to my nerves,Iniisip ko palang that a man got in you room ay naiirita na ako” seryosong sabi ng asawa niya.
“Si daddy yung tinutukoy ko, seloso ka naman, bat naman ako magpapapasok ng lalaki sa kwarto ko? And there’s no other man bukod sayo na nakapasok sa mansyon namin dahil bantay sarado ako nila daddy,” napangiti naman sa kanya ang asawa niya. She loves to see him always smiling.
” I was just teasing you “sabi nito sa kanya at mahinang tumawa.
” Ahhm Tyron can I ask something? Sana ay sagutin mo ang itatanong ko kung hindi ay okay lang din naman”kaya napalingon sa kanya ang asawa niya .Nakaupo sila sa gitna ng kama.
“What is it your free to ask me any questions kahit ano pa yun” sagot nito sa kanya. Napangiti naman siya sa narinig.
“Where is your parents?” tanong niya kay Tyron pero di agad ito umimik. Narinig niya noon si Tyron sa kwarto nito na naglalabas ng sama ng loob,noong hindi pa sila maayos na dalawa bilang mag-asawa. Kung tama ang pagkakarinig niya parang patay na ang mga magulang nito pero gusto niya dito niya mismo malaman.
“They are dead, wala na sila, patay na sila pati ang kapatid ko at para sakin kasalanan ko yun, it happends years ago the past that I could never forget . Hindi ko malilimutan ang nangyaring yun, iyon rin ang dahilan kung ano ang meron sakin ngayon. Why I am being cold to other people. So they call me Heartless even if I’m not, nasasaktan rin ako pero di nila nakikita yun”pagkukuwento ni Tyron sa kanya.
“Bakit ano bang nangyari? Yung kapatid mo babae ba siya o lalaki?” gusto pa niya makilala ng lubos ang asawa niya.
“she’s a girl, siya lang ang nag-iisa kong kapatid, lumaki siyang maganda katulad mo but because of me maaga siyang namatay, at di mo gugustuhin nalaman kung bakit siya namatay, until now hindi ko yun matanggap. She has her dreams di man lang niya natupad ang mga yun, wala pa ako sa mga oras na yun para protektahan siya. Im not a good brother to her as well a gods son to my parents. I’m worthless”di niya maiwasan masaktan sa mga sinasabi ni Tyron sa kanya. Ganun pala ang nangyari sa buhay nito.Ang pagkalubog sa utang ng mga magulang niya noon ay di pa gaanong mabigat di katulad ng sinapit ng asawa niya, ang nangyari sa buhay nito.
“Wag mong sisihin ang sarili mo, hindi mo kasalanan ang nangyari sa kapatid mo o sa magulang mo, mabuti kang anak at mabuti kang kapatid. Siguradong masaya sila para sayo ngayon” niyakap ni Clara ang asawa niya para maramdaman nito ang comfort niya at di ito nag-iisa dahil lagi siyang naandiyan para dito.
“Thanks wife for comforting me,Its been a long time na simula nung May nasabihan ako tungkol sa nakaraan ko” sabi ni Tyron sa kanya at nilagay nito ang ulo sa braso niya.
“Ano ka ba, wala lang yun, asawa mo ko pwede mo kong sabihan ng kahit ano, handa akong makinig sa lagi sayo. At katulad mo handa hindi rin akong gawin lahat para maging masaya tayo” napangiti naman si Tyron dahil sa sinabi niya.
“Kahit na malaman mo ang buong nakaraan ko hindi mo ko iiwan? ” hindi alam ni Clara kung bakit naitanong sa kanya ni Tyron ang bagay na yun pero iniisip niya palang na iiwan niya ito ay nasasaktan na siya.
“Bakit naman kita iiwan? We love each other, at ano naman ang dahilan ko para Iwan ka?your the only man na nagmahal sakin ng sobra kahit noong una ay paulit ulit kitang nasasaktan, you deserve to be love not be left alone” kailanman ay hindi niya iiwan si Tyron kahit anong mangyari.She wants to have a family with him a happy one. Ang magkaroon ng anak dito at mamuhay ng masaya.
“Paano kung bigyan ka ng marami ng rason para Iwan ka? Hindi mo pa ako kilalang kilala wife, what if you find out...


something”hindi alam ni Clara kung paano sasagutin ang mga tanong ng asawa niya. Bawat sinasabi nito ay may sense. But no matter what happens isa lang ang alam niya hindi niya ito kayang Iwan.
“Like if I found out na namatay ang magulang mo dahil sa aksidente at narape ang kapatid mo, pero di mo naman kasalanan yun” agad namang bumalatay sa mukha ng asawa niya ang pagkagulat dahil sa mga sinabi niya.Tyron is very different sa lahat ng lalaki yun ang alam niya dahil sa mga emosyon na pinapakita nito kapag kasama siya.
“Paano mo nalaman yan?” agad na tanong nito sa kanya.
“Wag mo ng tanungin, hinding hindi kita iiwan tandaan mo yan, no matter magiistay ako sa tabi mo” sabi niya kay Tyron.
“So wife where having a drama here?” pagbibiro ni Tyron. Kaya bahagya siyang natawa.
“Sarap namang magdrama kasama ka, maganda nga yung nailalabas yung nararamdaman mo kaysa kinikimkim mo” mahina namang napatawa si Tyron sa kanya.
“Clara hindi pa ba kayo uuwi ng asawa mo?! Maggagabi na Iha!!!narinig niyang sigaw ng mommy niya na nag- papaalala.
” I think we should go home”usal ni Tyron sa kanya at tinulungan pa siyang tumayo. Dahil nakaupo sila kanina sa kama.
“Tara uwi na tayo, parang namimiss ko rin yung mansyon mo”
“Mansyon natin, wife” giit ni Tyron sa kanya. Gusto talaga ni Clara na binibiro ang asawa niya.
“Yeah I know mansyon natin”ulit niya, natawa naman ito at niyakap siya sabay halik sa noo niya. Bago nila binuksan ang pinto ng kwarto.
” Mommy, daddy, alis na po kami”pagpapaalam ni Clara sa mga magulang niya nasa tabi niya naman si Tyron.
“Mukhang natagalan kayo sa kwarto mo anak ha?” palokong sabi ng daddy niya.
“Dad ano bang sinasabi mo?” giit niya sa daddy niya kaya narinig niya ang mahinang tawa ni Tyron at ng mommy niya.
“Niloloko ka lang ng daddy mo Iha I mean wala naman siguro kayong ginawa sa loob diba” mommy niya naman ang nagsalita. Nag-iinit tuloy ang pisngi niya.
“Mommy we have to go sabi niyo nga po maggagabi na” baka kung ano pang tanungin ng mga magulang niya. Shocks wala naman silang ginawa ni Tyron sa kwarto. Nag-usap lang naman sila.
“Goodbye Honey,bye Tyron sana pagbalik niyo ng anak ko ay may apo na ako, you know hindi na namin maalagaan si Clara malaki na yan ehh” rinig niyang kantyaw ng mommy niya bago siya makasakay ng kotse. Habang si Tyron ay nasa labas pa rin.
“Tyron alam ko namang mabibigyan mo ang anak namin ng magandang lahi, gawin niyo ng kambal, diba hon?” dagdag pa ng daddy niya.
“Yes mom and dad as you wish,Clara and I will take care of that” sagot naman ng asawa niya.
Minsan talaga ang mommy at daddy niya.
“Anong nginingiti mo diyan?” asik niya kay Tyron dahil patingin tingin ito sa kanya habang nagdadrive ito para makauwi na ulit sila sa mansyon naman nito.
“Your cute when your blushing” panunudyo nito sa kanya.
“Tyron tigilan mo ko, bakit mo ba kasi sinagot pa yung sinabi nila mom and dad” mahina lang itong tumawa sa kanya.
“They thought may ginawa tayo sa kwarto, they didn’t know na nag-usap lang tayo, gusto na rin nilang magkaapo. Well I also want to have a child with you” natatawang sabi ni Tyron sa kanya. Samantalang siya ay nag-iinit ang pisngi sa mga sinasabi nito.
“Tyron!!!” tawag niya sa pangalan nito dahil mukhang iniinis siya nito..
“I love your parents they raised you well, pinalaki ka nila ng maayos, I should thank them, sila ang dahilan why I have a perfect wife like you” usal ng asawa niya. Lagi siya nitong pinakikilig sa pamamagitan ng mga salitang sinasabi nito.
“Magulang mo na rin sila mag-asawa tayo diba, kung ano ang akin sayo din” napangiti naman ito dahil sa sinabi niya.
“You really know paano ako pasayahin” usal ni Tyron sa kanya. At hinawakan ng isang nitong kamay ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya. Feeling ni Clara ay siya na ang pinakaswerteng babaeng sa mundo dahil sa asawa niya si Tyron Baltazar.
“Tyron wag ka saking tumingin sa daan! Baka mabangga tayo!” mahina lang ito tumawa sa kanya.
“I can’t help but to stare in your beautiful face, I love you Clara” sabi ng asawa niya.
“I love you too, Tyron and I will love always no matter what” napangiti naman ito dahil sa sinabi niya. Maayos na itong nag drive para marating na nila ang mansyon nito.
Ang makasama ang asawa niyang si Tyron ay nagdudulot sa kanya ng sobrang kagalakan. She’s really lucky for being with him. She loves him and he love her so much.
Thank you po sa patuloy na pagbabasa😍❀️






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. next po plzzz.πŸ™πŸ˜Š

Leave a Reply


top