Aking Prinsesa Chapter 5


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 5
.
At pagkatapos makipag-usap ni Noel sa mga tauhan..tinawagan niya si Poli sa Cp..ngunit di naman naririnig ni Poli ang kanyang cp dahil sa, kasama niya si Mitch, na pinag-iinit nila ang malamig na gabi.
.
Mitch : buti na lang hindi dumating yong Yna na yun!
Poli : huwag ka ng magselos sa kanya babe kapag kasama ko siya ikaw lang yong nasa isip ko, at ikaw naman yong mahal ko babe.
Mitch : hmp..pwede bang hindi ako magseselos, lalo na kapag naiisip kong hinahalikan mo siya..hindi ko kayang isipin yun, para akong pinapatay.
Poli : hindi ko naman siya hinahalikan, hahalikan ko siya sa chicks lang..kasi ikaw lang yong gusto kong halikan, sa mga labi.
Mitch : kahit na nagseselos pa din ako.
Poli : huwag ka ng magselos.,ksi ikaw lang naman ang mahal ko.
Micth : hanggang kelan ka pa ba kasi magpapanggap sa kanya na mahal mo siya, nahihirapan na kaya ako..lalo na kapag nakikita ko na niyayakap mo siya, prang gusto kong pumatay ng tao.
Poli : hayaan mo kapag nagkita na kami uli ni Yna, makikipaghiwalay na ako.
Mitch : talaga ba?
Poli : oo.
Mitch : promise?
Poli : oo pangako ko yan, kaya huwag ka nang sumimangot at papangit ka.
Mitch : bakit kapag pangit na ako ayaw mo na sakin.
Poli : hindi ah.,halika nga dito at hihirit pa ako.
Mitch : ayy,,mamaya naman ah, pahinga muna!!(nakatawa niyang sabi)
.
Masayang masaya si Mitch ng mga sandaling iyon, dahil nagtagumpay ang plano niya na mapahamak si Yna, dahil sa gusto niya ay masolo niya si Poli, si poli na nagpapanggap na mahal nito si Yna, at dahil sa kautusan ng papa ni Poli sa anak,na paibigin ito..na kahit labag na labag sa kalooban ni Mitch, ay pinagtitiisan niyang makita si Poli at Yna na magkasama, kahit na ang puso niya ay parang sinasaksak kapag nakikita niyang sweet ang dalawa, pinakisamahan niyang mabuti si Yna, nagpanggap din siyang mabuting barkada kay Yna.,at hanggang sa nagsasawa na siya na lagi na lang siyang naiisantabi ni Poli, kaya gumawa siya ng paraan upang hindi sila masundan ni Yna kung saan ang outing nila, pagbaba pa lang ni Yna ng sasakyan ay nakaabang na si Mitch, nagkubli siya na kasama niya ang taong inupahan niya na nakawin ang gamit ni Yna at itinuro na nga niya sa inupahan niyang tao si Yna, at hanggang sa nilapitan na nga ng magnanakaw si Yna at inagaw na nito ang bag ng dalaga at ng nasiguro na ni Mitch na natangay na ng magnanakaw ang gamit ni Yna ay umalis na din siya sa lugar na iyon..tuwang tuwa naman ang kawatan dahil bukod sa binayad ni Mitch sa kanya ay, madami pang pera sa bag ang ninakawan niya at mamahalin pa ang cellphone..kaya tuwang tuwa ito dahil naka-jackpot daw siya…kaya si Mitch ay sobrang saya ng mga sandaling iyon, dahil sa tagumpay ang plano niya..at hanggang sa lumipas ang mga sandali na pinagsaluhang muli nila poli at mitch ay napadako na ang mata ni Poli sa umiilaw niyang cp, naka-silent kasi ito kaya hindi niya alam na tumatawag pala ang papa niya.
,
Sa celphone…
….
Poli : hello, pa!
Noel : nasaan ka!
Poli : nasa barkada ko papa!
Noel : sinong mga barkada?
Poli : sila tyrone.
Noel : tyrone?? Sinungaling ka si Tyrone nandito kanina sa bahay hinahanap ka.
Noel : siguro si Mitch ang kasama mo.
Poli : opo, pero kasama din namin yong iba pa naming barkada.
Noel : si Mitch na naman, hindi ba dapat si Yna ang pinagtutuunan mo ng pansin!! Ayon tuloy si Yna may kasamang ibang lalake!!
,
Nagulat si Poli ng malaman sa papa niya na may ibang lalakeng kasama.
.
Poli : pa naman..bakit ba kasi pinagpipilitan nio sakin yong babae na yun..si Mitch ang mahal ko.
Noel : lintik na pagmamahal na yan..matutulungan bang maiahon ang kabuhayan natin ng pagmamahal mo?
Poli : pwede ba papa, sinunod ko na nga kayo na ligawan si Yna kahit na ayaw ko sa kanya..ginawa ko pa din yong gusto mo.
Noel : ayain mo na siyang magpakasal.
Poli : ano?
Noel : pakasalan mo na siya..para maisalba ang nalulugi nating negosyo..para naman, mapakinabangan natin ang pera ng mayabang na Ferdie na yun.
Poli : hindi ko siya pakakasalan.(malakas na sabi niya)
.
Narinig iyon ni Mitch, kaya lumapit siya kay Poli upang makinig sa pinag-uusapan ng mag-ama..na kahit hindi niya naririnig ang kausap ni poli ay yong sinasabi na lang ni poli ang papakinggan niya.
.
Poli : hindi ko pakakasalan si Yna papa, utang na loob papa huwag mong ipilit ang gusto mo dahil hindi kita susundin..
.
Noel : o sige, bahala kang gumawa ng paraan para mabayaran ang mga utang natin..(bulyaw niya)
Poli : utang mo lang papa..(bulyaw din niya)
Noel : aba loko ito ah,,sige.,huwag kang magpakasal kay Yna tingnan ko kung saan tayo pupulutin, siguradong sa kangkungan ang bagsak natin.
Poli : kung bakit ba naman kasi puro kayo sugal, punta kayo ng punta ng casino!!mahilig pa kayong mambabae!!
Noel : hoy poli, wala kang paki-alam sa mga ginagawa ko.
Poli : kaya tayo nabaon sa utang dahil sa pagsusugal ninyo.
Noel : basta ayain mo ng magpakasal si Yna..kung hindi, mawawala na ang bahay natin, pati ang mga kotse natin ay mawawala satin, gusto mo bang mangyari yun sa buhay mo na mawawalan ka ng pera sa pitaka mo.
Poli : papa naman, paano si Mitch!!si mitch ang mahal ko, wala na bang ibang paraan..
Noel : meron, mamili ka, pakakasalan mo o kikidnapin mo para ipatubos natin sa gago at mayabang niyang ama na walang ginawa kundi kalabanin ako, sa negosyo..
.
Natapos ang pag-uusap ng mag-amang poli at Noel, at samantala naman sina Nico at Yna naman ay nasa taas na ng mga oras na iyon, pagkgatapos nilang kumain ay nagtulong sila ni Yna na naghugas ng pinagkainan, at ng makahugas ay umakyat na din sila sa taas..magaan na ang pakiramdam ni yna dahil mukhang nabawi na niya ang pagod..nasa may bintana si Yna at nakatanaw siya sa madilim na kapaligiran, tanaw niya roon ang mga kalapit bahay, madalang lang ang bahayan dun, kaya parang medyo malungkot, sa hindi sanay na katulad niya na sanay sa may pinaglilibangan, tulad ng mga gadget..naisip niya tuloy ang mga barkada niya..nasan na daw kaya ang mga kaibigan niya..at sumagi din si Poli sa kayang isipan.sa isip niya kung hinahanap daw ba kaya siya ni Poli, medyo matagal na din silang walang komunikasyon ni poli..at ang isa pa na namimis niya ay ang papa niya..sa isip niya tiyak na nag-aalala na ito sa kanya dahil di man lang siya nakakatawag sa papa niya, at ang isa pa niyang iniisip ay ang kasalanan niya sa tita belinda niya, na tinakasan niya ito..at hanggang sa hindi niya namalayan na nasa malapit na pala sa kanya si Nico..
.
Nico : mukhang malalim ang iniisip mo ah.
Yna : oo, naaalala ko lang si Papa, tiyak kong nag-aalala na si Papa sakin, tiyak ko na alam na niya na tinakasan ko si Tita belinda, nahihiya ako kay Tita belinda dahil tinakasan ko siya.
Nico : pasensiya ka na ha, gustuhin ko mang ipahiram ang cp ko wala namang load eh.
Yna : hayaan mo na, saka na lang ako magpapaliwanag kapag naka-uwi na ako.
.
At hanggang sa naagaw ng atensiyon nilang dalawa, ang batang umiiyak sa ibaba at inaayo naman ni mother fely ngunit di naman tumitigil sa pag-iyak ang bata.
.
Nico : sandali lang Yna, puntahan ko muna sila baba, diyan ka lang muna!
Yna : okay!
.
At bumaba nga si Nico, si Yna ay nakatanaw lang siya sa ibaba kung saan ay naroon ang batang umiiyak at si Mother Fely, at hindi nga nagtagal ay naroon na din si Nico.
.
Mother Fely : tama na Gino, guwag ka ng umiyak.
Nico : mother Fely, bakit po siya umiiyak?
Mother Fely : hay naku, gaya ng dati na kapag naaalala na naman niya yong nanay niya, basta kapag naalala niya ang nanay niya umiiyak siya.
Nico : hindi pa din po pala siya nagbabago..sige po mother fely ako na po ang bahala sa kanya..
Mother Fely : sige iho bahala ka na kay Gino at aasikasuhin ko pa yong iba..
.
At umalis nga si mother fely, naiwan si Nico kay Gino..nananatili pa ding nakatanaw si Yna kila Nico at gino..
.
Nico : tahan na Gino, huwag ka ng umiyak..(pinupunasan ang luha sa pisnge ni Gino)..naaalala mo ba yong nanay mo?
Gino : opo..(humihikbi niyang sabi)
Nico : huwag ka ng umiyak.kasi ayaw din ng nanay mo na umiiyak ka.,ayaw din ni nanay mo na malungkot ka, ang gusto niya lagi ka lang masaya..
Gino : nalulungkot po ako kasi namimis ko na po si Nanay, at saka wala naman pong nagmamahal sakin..
Nico : hindi totoo yan, nandito kami na nagmamahal sayo, si Mother Fely, si Manang veron at saka yong mga kasama mong bata dito..at ako..madaming nagmamahal sayo..tingnan mo si Mother fely diba inaalagaan ka..kaya hiwag kang malungkot, walan man yong nanay mo sa tabi mo eh nandiyan naman si Mother fely na magmamahal sayo..kaya huwag ka ng malungkot ha, at bukas maglalaro uli tayo ng baril barilan..gusto mo ba yun..
Gino : opo.
Nico : o sige, basta ipangako mo na hindi ka na malulungkot at huwag ka ng iiyak ha, basta lagi mo lang iisipin na may nagmamahal sayo ha,,
Gino : opo.
Nico : at lagi mo ding iisipin na nandiyan lang yong nanay mo sa tabi na binabantayan ka na kasama si God..alam mo ba gino, mas maswerte ka dahil nandito ka sa bahay ampunan, may maayos na tulugan may maayos na pananamit. May mga masasarap na pagkain..alam mo bang may mga bata na walang matirahan, at walang magandang damit, at walang makain..tapos ang dungis dungis pa nila, tapos nagkakalkal sila sa basurahan na baka sakaling may makita silang pagkain na pwedeng ilaman sa tiyan nilang nagugutom..at saka ang masakit yong iba wala din silang nanay at tatay..kaya dapat lagi mong ipinagpapasalamat kay God na hindi ka kabilang doon sa mga batang iyon..kaya huwag ka ng malukungkot ha, dahil nasa maayos kang kalagayan.
Gino : opo kuya kulas.
Nico : ayan, ngumiti ka na.
.
At ngumiti na nga si Gino, niyakap ni Nico si Gino dahil gusto niyang iparamdam sa bata na totoong may nagmamahal sa kanya..at nangingiti naman si Yna dahil nahinto na nga ng iyak ang bata, at dahil doon ay humanga na naman si Yna kay Nico, at si Nico daw ay mapagmahal sa mga bata.
.
Nico : pasok na tayo sa loob Gino..
Gino : sige po kuya kulas.
.
At pumasok na nga sila Nico at Gino, hinatid na muna ni nico si gino sa quarters ng mga bata..at pagpasok nila dun ay hindi pa din natutulog ang ibang bata..
.
Nico : oh bakit hindi pa kayo natutulog?
Mga bata : hindi pa po kami inaantok(sabayan nilang sabi)
Nico : ah alam ko na, gusto nio ba ng kwento?
Mga bata : opo..(sabayan nilang sagot)
Nico : o sige, magsihiga na kayo, at para ng sa ganun at nakaramdam na ng antok ay matulog na..
.
At nagsipag higa na nga ang mga ito..at ganun din si Gino, nagpunta na din ito sa kanyang kama.at hanggang sa nag-iisip si Nico ng kanyang ikukwento at nagkaroon na siya ng idea kung ano ang ikukwento niya.
.
Bata 1 : kuya kulas ano po yong ikukwento nio?
Nico : ah tungkol ito sa isang Prinsesa at Prinsipe..
Bata 2 : ano po ang pamagat kuya kulas..
Nico : ah ang pamagat ng kwento ko ay “ang aking prinsesa”
Bata 3 : ah mukhang maganda po ah..
Bata 4 : kuya kulas umpisahan nio na po..
.
At nagsimula na ngang magkwento si Nico sa mga bata, ang mga bata naman ay seryosong nakikinig, at samantalang si Yna ay naroon lamang sa labas ng kwarto at nakikinig din siya sa kwento ni Nico, at hindi niya maiwasang hindi mangiti dahil sa mukhang siya ang ikinukwento ni Nico ah, yong nangyare sa kanya sa dalawang holdaper..
.
Bata 1 : kuya kulas, may mangyayaring masama po ba sa prinsesa?
Nico : wala. Kasi dumating na ang prinsipe, natakot ang dalawang bandido sa prinsipe…sabi ng prinsipe!! BITAWAN NIO SIYA, sabi naman ng prinsesa, TULUNGAN MO AKO..at ang sabi naman ng mga bandido na gustong kumuha sa prinsesa..HOY HINDI KAMI NATATAKOT SAYO DALAWA KAMI ISA MO LANG..pero hindi nagpasindak ang prinsipe sa mga bandido, nakipaglaban ang prinsipe sa dalawang bandido, at natalo ang mga bandido, kumaripas ng takbo ang mga bandido dahil sa takot sa prinsipe..
.
At marami pang ipinagtagni tagni si nico sa kanyang kwento na patungkol nga sa kanila ni Yna, sabi sa isip ni Nico na wala naman si Yna roon kaya ipinagpatuloy niya lang ang kwento niya sa mga bata.
.
Bata 2 : tapos po ano na po ang nangyari sa prinsipe at prinsesa, nilagawan po ba ng prinsipe ang prinsesa.
Nico...


: hindi naging magka-ibigan lang sila ng prinsesa, kasi nga meron nang nagmamay-ari sa puso ng prinsesa.
Bata 3 : pero mahal po ba ng prinsipe ang prinsesa?
Nico ; h-ha o-oo, mukha daw mahal na ng prinsipe ang prinsesa.
.
Napanganga na lang si Yna sa kwento ni Nico..dahil naroon pa din si Yna sa malapit sa may pinto naka-kubli siya roon dahil parang gusto niyang makinig sa mga kwento ni Nico dahil nga parang pakiramdam niya ay patungkol iyon sa mga nangyari sa kanya sa kanilang dalawa ni nico nang iligtas siya ni Nico sa dalawang holdaper..nagtatanong ang isip ni Yna. Totoo ba kaya yong narinig niya kay nico na mahal ng prinsipe ang prinsesa, hay kinagalitan niya ang sarili niya, ano ba yong iniisip niya, nagiging asyumera na ba siya ng taon…
.
Yna : (sa isip..)hoy Yna hindi ikaw yong prinsesa sa kwento ni Nico!!
.
Kaya nagpasya na lang siyang bumalik na ng kwarto at kung ano ano na ang sumisiksik sa isip niya ng kung ano ano..feeling daw niya ay siya yong prinsesa sa kwento ni Nico, at ang prinsipe naman daw ay si Nico, kaya kinagalitan ni Yna ang sarili na kung ano ano naman ang iniisip niya, nagiging asyumera na siya.
.
At samantala naman ay patuloy pa din ang kwento niya sa mga bata.
.
Bata 5 : hay kuya kulas, kalungkot naman pala ng kwento mo, dapat magkakatulutan yong prinsipe at prinsesa..
Nico : ah sige, baguhin natin ang kwento..
.
At ipinagpatuloy uli ni Nico ang kwento, pero, ginawa na niyang happy ending ang kwento, nagkatuluyan ang prinsipe at prinsesa at sila ay nagpakasal at namuhay ng masaya..hanggang sa natapos na ang kwento niya, at ang mga bata ay nasiyahan naman sa kanyang kwento, at hanggang sa nakaramdam na nga ng antok ang mga bata at si Nico ay lumabas na din doon..at bumalik na si Nico sa kwarto nila Yna, at nadatnan pa niya si yna na naroon pa din sa may bintana..
.
Nico : nainip ka ba? Pasensiya ka na ha Natagal ako dun sa kwarto ng mga bata, hinintay ko pa silang makatulog bago ko sila iniwan.
Yna : ano ka ba okay lang!! Nakatulog na ba silang lahat?
Nico : yong iba lang.
Yna : eh si Gino tulog na?
Nico : oo, pinatulog ko muna bago ko siya iniwan.
Yna : bakit ba siya umiiyak kanina?
Nico : naalala yong nanay niya, kapag kasi naaalala niya yong nanay niya umiiyak yong bata na yun eh.
Yna : nasan ba kasi yong nanay ni Gino?
Nico : wala na, namatay yong nanay niya dahil sa sakit.
Yna : ganun ba, eh yong tatay ni Gino..
Nico : yun ang walang kwenta, nang mamatay ang nanay ni Gino ay pinabayaan na niya si Gino, nag-asawa ng iba pagkatapos ay iniwanan na lang si Gino na mag-isa sa bahay nila, mabuti na lang at nagkataong may taong nagpunta sa bahay nila kundi namatay din si Gino dahil sa gutom. Tapos siguro lumipas ang isang buwan mula ng mapunta dito si Gino ay nakita nila ang tatay ni Gino na bumalik na sa bahay nila at may mga kasama nang babae at may mga anak pa yong babae..
Yna : oh my God, napakasama nga at napakawalang kwentang ama yong tatay ni Gino..
Nico : oo sinabi mo pa..mas mahalaga pa yong ibang tao kesa sariling niyang anak..
Yna : grabe bakit ba may ganung klase ng ama sa mundo..
Nico : oo nga..
.
Naawa si Yna kay Gino dahil, kaya isa pa yong kwento ng buhay ni Gino ang nakapagpa-sundot ng kanyang kunsensiya, dahil sa buti na lang daw yong papa niya ay hindi ganun sa tatay ni Gino..yong papa niya nang mamatay ang mama niya, ay walang inisip kundi siya, ang kapakanan lang niya, kahit pansariling kaligayahan ay isinantabi para sa kanya, para mabigyan siya ng magandang buhay, na tinatamasa niya ngayon, tapos ganun pa yong ginagawa niya, hindi man lang siya nagseseryoso sa buhay, di siya nag-aaral na mabuti, waldas dito waldas doon ng pera na pinaghihirapan ng papa niya..halos hindi na nagpapahinga ang papa niya..hindi napipirmi ng bahay laging nasa opisina, saka labg ito mapipirmi sa bahay, kapag may sakit ang papa niya. Tapos iiwanan pa niya, ang katwiran niya bahala na ang mga katulong nila sa pag-aalaga..sa isiping iyon ay mukhang nababago na ang pananaw niya sa buhay, na dapat siya na ang mag-aasikaso sa kompanya nila, at ang papa niya ay kailangan ay hindi na niya iisipin ang kanilang kabuhayahan at si Yna na daw ang mamamahala dito, at mas palalaguin pa daw niya ito..kaya sa isip niya ay talagang seseryosohin na niya ang pag-aaral niya, at kapag nakatapos siya ay siya na ang gagawa sa mga trabaho ng papa niya, kailangan naman daw na ang papa niya ang makaramdam ng ginhawa, yong hindi na iisipin ng papa niya ang mga negosyo nila, at siya na daw ang magiging bahala sa lahat..
.
Nico : kawawa ang mga bata kapag iresponsable ang mga magulang..kung pwede ko nga lang ampunin si Gino aampunin ko na lang siya, kasi hindi ako qualified para mag-adopt..
Yna : ang bait mo naman!!
Nico : hindi naman, nakaka-awa lang talaga sila..
.
Madami pa silang mapag-usapan na dalawa tungkol sa mga buhay buhay ng mga bata, na talagang nakapagbagbag ng damdamin ni Yna, na sa narinig niyang kwento ni Nico tungkol sa mga bata, ay lalo niyang napagisip-isip na napakaswerte niya dahil may napakabuti niyang ama..hanggang sa nakaramdam na sila ng ngawit sa pagkakatayo nila sa may bintana.
.
Nico : hindi ka pa ba inaantok?
Yna : hindi pa eh, ikaw matulog ka na, kasi napagod ka eh..
Nico : hindi pa ako inaantok..gusto mo tayo dun sa rooftop.mas maganda dun, mas malamig..
Yna : sige..gusto ko dun..
.
At nagpunta nga silang dalawa sa rooftop, nauna si Nico na umakyat ng hagdan, at hawak niya ang kamay ni Yna dahil inaalalayan niya ito at medyo may kadiliman ang sa may hagdan, dahil napundi pala ang ilaw..
.
Nico : ingat ka sa pag-hakbang mo.
Yna : oo..
.
At hanggang sa nakarating na sila sa rooftop, kita na nila ang buong paligid dahil maliwanag naman ang buwan..
.
Yna : wow napakaganda naman dito, at ang presko pa, mas masarap matulog dito..
Nico : oo, kaya lang baka sipunin ka naman..
Yna : grabe sobrang nakakarelax kapag ganito kasarap ang ihip ng hangin, sariwang sariwa, sarap langhapin ng natural na hangin..
Nico : sinabi mo pa, parang nakakagaan ng pakiramdam, doon tayo sa may papag maupo..
.
At nagpunta nga sila sa may papag at doon sila umupo..
.
Yna : ang sarap talaga dito..
Nico : kapag gabi lang naman masarap tumambay dito pero kapag umaga, maiinit na.,
Yna : dito ang magandang sampayan..
Nico : oo, mabilis lang matuyo ang mga damit dito..
.
At hanggang sa naalala nga ni Yna yong damit niyang madudumi, kaya tinanong niya kay Nico.
.
Yna : siya nga pala, nakita mo ba yong mga damit kong madudumi?
Nico : oo, nasa sampayan..
Yna : sampayan??
Nico : oo, nilabhan ko na kasi..
Yna : ano? Nilaban mo?
Nico : oo, pasensiya ka na ha, pinaki-alaman ko ng laban, kasi nilaban ko yong damit ko, kaya idinamay ko na din..
Yna : naku nakakahiya naman, dapat hindi mo na nilaban, nahihiya tuloy ako sayo ngayon..imbes na may lalabhan ako nilaban mo naman na.
Nico : okay lang yun..hayaan mo bukas may lalaban ka..kung gusto mo tulubgan mo akong maglaba
Yna : ah, oo sige, tutulungan kita.
Nico : hindi, biro ko lang yun, ako na lang, at mapapagod ka lang..
Yna : hindi okay lang, kaya ko..
Nico : huwag na, pahinga ka na lang bukas ng maghapon, para may lakas ka uli sa paglalakad, kasi pwede ka ng umuwi..
Yna : talaga ba?
Nico : oo. pero may kundisyon.
Yna : kundisyon??(kinakabahan niyang tanong)
Nico : ihahatid kita hanggang sa inyo.
Yna : h-ha..ihahatid mo ako?
Nico : oo..para masigurado ko na makakauwi ka ng ligtas.
.
Natuwa naman si Yna, dahil pagiging concern ni Nico sa kanya..
.
Yna : sige okay..
Nico : pasensiya ka na ha.,kung isinama pa kita dito..nakaranas ka tuloy ng pagod at hirap..
Yna : okay lang, nag-enjoy naman ako..at saka malaki ang utang na loob ko sayo dahil iniligtas mo ako sa mga holdaper..
Nico : nag-enjoy ka talaga?
Yna : oo masaya ako kasi nakasama ki—(naputol ang sinasabi)
.
Nabigla si Yna sa sinabi niya kaya pinutol niya agad ang sinabi niya, dirediretso naman kasi ang dila niya, kaya agad naman niyang binago ang sinabi niya.
.
Yna : ang ibig kong sabihin nag-enjoy akong kasama ka kasi madami kang jokes na baon..nakakapag-pagoodvibes, nakakawala ng stress, at saka salamat din sayo dahil napunta ako dito, dahil namulat ko ang kaisipan ko sa mga bagay na dapat ko palang ipagpasalamat una kay God. Dahil binigyan niya ako ng tatay na mahal na mahal ako, at di ako pinababayaan..dahil dito ay namulat ang isipan ko na dapat pala magseryoso ako sa buhay, hindi yong puro nalang barkada ang inaatupag ko..ano ba yan nakakahiya yong ugali ko ano..
Nico : hindi naman, ang mahalaga, na realize mo na yong mga pagkukulang mo sa papa mo..
Yna : oo nga eh. Dahil yun. Dahil idinala mo ako dito, at ang isa pa, nagpapasalamat din ako dahil nakilala ko si Esang, bilib ako kay esang sa pagmamahal niya sa tatay niya, sana naging ganun din ako kay papa..
Nico : pero ngayon, pupunan mo na yong mga pagkukulang mo sa papa mo..
Yna : oo pinapangako ko yan..
Nico : tiyak na matutuwa na ang papa mo niyan..
Yna : oo..sana..
.
At madami pa din silang napag-usapan ni Nico ng kung ano anong bagay,,nakaramdam ng nagwit si Yna kaya ini-unat niya ang likod sa papag…at nainggit naman si Nico kay yna kaya humiga din ito..
.
Nico : naiinggit ako sayo eh kaya ginaÿa kita.
Yna :: okay lang, para maiunat mo din yong likod mo.
Nico : yong mga paa at binti mo masasakit pa ba?
Yna : konti na lang.
.
Bumangon si Nico at hinilot muli ang mga binti ni Yna..hindi naman na din nakatanggi si Yna dahil hawak hawak na ni Nico ang paa niya at hinihilot na ito..bumibilis na naman ang tibok ng puso ni Yna dahil sa mga dampi ng kamay ni Nico, dahil sa parang may boltahe nga ng kuryente ang dumadaloy sa kalamnam ni Yna, pero ang totoo nakakaginhawa nga sa kanyang pakiramdam ang ginagawa ni Nico, at habang minamasahe ni Nico ang mga binti at paa ni Yna ay nag-uusap pa din sila, hanggang sa nawala na ang pagkailang ni Yna at kumalma na din ang kanyang puso, si Nico naman ay patuloy pa din ang masahe niya sa binti at paa ni Yna. Kapwa sila nalilibang sa mga kwentuhan nila, at hanggang sa hindi na kumikibo si Yna dahil sa nakatulog na pala ito..hindi naman napansin ni Nico na nakatulog naman na pala ito, saka lang napansin ni Nico ng tanungin niya ito pero hindi na sumasagot si Yna hanggang sa marinig na ni Nico ang mahinang hilik ng dalaga..pero hindi pa din itinitigil ni Nico ang pagmamasahe sa paa ni Yna, at hanggang sa nakaramdam na ng ngawit si Nico at dahan dahan niyang binitawan ang paa ni Yna..at pinagmasdan niya ang natutulog na dalaga, bagamat di man niya makitang mabuti ang mukha nito dahil sa liwanag lang naman ng buwan ang nagsisilbing tanglaw nila..sa pakiramdam ni Nico ay waring nagdudulot ng kasiyahan sa isiping kasama niya si Yna, ilang araw pa lang niya na nakilala at nakakasama ito, pero hulog na hulog na ang loob niya sa dalaga, sa isip nya mukhang mahihirapan niyang maalis ang nararamdaman niya sa dalaga..kung bakit daw naman kasi ang puso niya ay bigla nalang tumibok ito sa dalaga na malayo at imposibleng maging sila..matagal din nag-mumuni muni si Nico, nasa isip pa din niya ang mga nangyari sa kanila ni Yna ng mga nakaraang araw at yong nangyari sa kanila ng nagdaang gabi, na ginawa ni Yna na paghuhubad sa harap niya, na ang akala ni Yna ang kapalit ng pagliligtas ni Nico ay ang kanyang pagkababae, at ang isa pang hindi niya malimutan ay nang dampian niya ito ng halik sa mga labi sa harap ng mga tulisan..pati na ang pagyakap at pagdantay sa kanya ni Yna ng sila ay magkatabing matulog sa bahay nila mang temyong at esang..napapangiti na lang si Nico sa mga alaalang iyon..na hinding hindi niya daw talaga kakalimutan, dahil noon lang siya nakaramdam ng ganong klase ng pakiramdam na parang masayang masaya ang kanyang puso..at hanggang sa nakaramdam ng ngawit ng likod si Nico, nahiga din siya sa papag na katabi ni Yna, nakaramdam siya ng ginhawa ng maiunat niya ang kanyang likuran sa papag..at hanggang sa nakaramdam na din siya ng antok dahil sa pagod, hanggang sa tuluyan na din siyang nakatulog….at samantalang si Poli ay nakabuo ng plano, para ka Yna
.
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top