(MISTY ALEJANDRA LOPEZ)
Bumalik siya silid na inukupa ng dalaga para e check ito. Ganun nalang ang pagkagulat niya nanginginig na at subrang init na nito.
Pinatay niya ang aircon at pinatungan ng isa ang kumot upang hindi na ito lalamigin. Muli siyang lumabas at kumuha ng gamot at tubig.
“Miss, wake up!” Pag gising niya sa dalaga na nanginginig sa lamig at nag-aapoy sa subrang init.
“Hmm” tanging ungol lang sinagot nito. Umupo siya sa tabi ng dalaga sinalat ang noo nito.
“Miss, you need to take a medicine to lessen your fever.” mahina ngunit masuyo niyang sabi.
Iminulat ng dalaga ang kanyang mata at tinangkang bumangon ngunit hindi kaya ng kanyang katawan.
Inalalayan siya ng binata na bumangon. Kinuha niya ang paracetamol at tubig sa bedside table.
“Open your mouth, young lady.” utos niya sa dalaga na agad naman nitong sinunod.
Inilagay niya ang gamot at pinainom ng tubig. Agad naman nitong nilunok at muling humiga. Umalis siya sa tabi ng dalaga at nag tungo sa banyo. Kumuha siya palanggana at nilagyan ng tubig. Kumuha siya hindi pa nagamit na face towel.
Muli siyang umupo sa tabi ng dalaga at pinunasan ito. Wala siyang ibang nararamdaman kundi awa lang. Awang awa siya sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit sumikdo ang kanyang puso sa kalagayan ng dalaga ngayon.
Nang matapos niya itong punasan, ibinalik niya ang palanggana na ginagamit sa banyo. Muli niyang inayos ang kumot ng dalaga.
“Matulog ka muna, lalabas lang ako at mag luto ng sopas.” paalam niya sa dalaga. Lumabas siya silid at nagsimula ng magluto.
Bitbit ang nilutong niyang sopas at bumalik sa silid. Inilapag niya ito sa maliit na lamesa at pinabangon ang dalaga.
“Say ahhh” utos niya sa dalagang namumutla.
“Ahh” sinunod naman ito ng dalaga at sinubuan niya ito ng sopas. Marahan itong nginuya ng dalaga. Walang reklamong natanggap galing dito.
Sinubuan niya pa ulit at ng makalahati ng dalaga ang sopas ay umayaw na ito.
“A-ayaw ko na” nilalamig na sabi nito. Wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi nito.
Napabuntong hininga niyang nilapag ang bowl sa lamesa. Inalalayan niya ang dalaga pahiga at kinumutan.
Naisipan niyang iwan na ang dalaga sa silid ngunit…
“A-ang l-lamig!” Nangangatal na usal nito. Kahit subrang hina ng boses ng dalaga ay narinig niya parin ang sinabi nito. Hindi nalamang ito niya pinansin sa isipin na mawala din ang lamig nararamdaman ng dalaga maya maya.
Binuksan na niya ang pintuan ngunit sa ikalawang pagkakataon ay napatigil siya.
“Huwag mo akong iwan, please!” Naiiyak na pakiusap ng dalaga. Kunot noo niya itong nilingon at kita niya ang pagkinang ng mga luha na dumadaloy sa pisngi nito. Kasabay ng pag agos ng luha ng dalaga ay para ding May humahaplos sa kanyang puso.
Normal lang siguro itong mararamdaman dahil may kapatid din siyang babae ngunit sumalungat naman ang kanyang puso sa isiping iyon.
Humakbang siya pabalik sa dalaga at marahan na umupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang buhok nito kasabay sa pagbitaw ng mga salitang…
“Hindi kita iiwan, dito lang ako sa tabi mo.” Mahinang bulong ni River sa dalaga na siyang ikinalingon nito.
Nagkatinginan silang dalawa ngunit agad ding ibinaba ng dalaga ang kanyang paningin dahil sa hindi mapangalanan na reaksyon ng kanyang puso. Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa tagpong iyon...
ayiee ano kaya reaction niya pag nagising hahaha nexttt