HE LET ME GO BECAUSE OF HIS LOVE FROM THE PAST


HE LET ME GO BECAUSE OF HIS LOVE FROM THE PAST
Sumugal ako sa isang relasyong walang kasiguraduhan.
Inamin niya sa akin nung una pa lang, mahal niya pa ang ex niya.
Dalawang taon silang nagsama, nag break kasi kailangang mag fucos sa pag-aaral.
Sumugal ako, kasi sabi ko sa sarili ko ako ang bubuo ulit sa kaniya.
I was the one who courted him.
I was the one who proved him na kakayanin niyang makalimot.
And I succeeded.
Nakalimutan niya ang ex niya.
We became an official couple.
I was the happiest girl on earth.
Naging sweet na siya sa akin.
Naging caring na siya sa akin.
Naging clingy na siya sa akin.
Sa bawat lakad niya, kasama ako.
Sa bawat tagumpay niya, kasama ako.
Sa bawat pagbagsak niya, kasama ako.
He once said “You set me free from the love I thought I couldn’t forget”.
Pero alam niyo ‘yun?
Sa sobrang saya mo, natatakot ka.
Natatakot ka kasi alam mo na may sakit na kasunod?
Isang beses niya lang sinabing mahal niya ako.
Ako ang kasama niya pero bakit pakiramdam ko, may hinahanap siyang iba?
Hanggang sa isang araw, nagpaalam siyang aalis sila ng mama niya.
Pero nagtaka nalang ako, hindi na siya nagrereply sa akin.


/> Ilang beses ko siyang tinawagan. Chinat ko pa siya sa messenger pero naka delivered lang ang chats ko.
Tinanong ko mama niya kung asan siya.
Sa sagot pa lang ni tita, nagdududa na ako.
Pero alam kong may dahilan siya, kaya naghintay ako.
Para na akong tanga na nakatulala sa bintana.
Hanggang sa nagreply na siya.
‘Yung reply niyang nagpadurog sa puso ko.
Nakakatawa, paanong sa simpleng salita mas nasasaktan ang tao?
“Set yourself free, like a bird being caged for years. spread your wings wide for i can no longer guide you as you fly.”
Masakit. Mahapdi. Nakakamatay. Sobrang sakit.
Kulang pa ang salita upang ipaliwanag ko ang sakit na nararamdaman ko.
Binasa ko muli ang chat niya.
Mas lalo nalang akong naluha nang mabasa kong may chinat siyang “I love you”.
Bakit ang sakit magmahal?
Bakit ba hindi natuturuan ang puso kung sino ang mahalin?
Bakit pa sa taong alam kong una pa lang, may mahal ng iba?
Ang swerte nung babaeng ‘yun.
Pinakawalan ako ng lalaking mahal ko para sa kaniya.
Mahal na mahal ko siya, sa puntong kaya ko siyang pakawalan at mahalin nang tahimik at sa malayuan.
I will widely spread my wings, ’till the love I had for you will slowly fade.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. zoritoler imol

    naturally like your website but you need to test the spelling on quite a few of your posts. A number of them are rife with spelling issues and I in finding it very troublesome to tell the truth then again I will definitely come again again.

    https://www.zoritolerimol.com

Leave a Reply


top