𝗠𝗬 π—£π—”π—œπ—‘π—™π—¨π—Ÿ π—Ÿπ—œπ—™π—˜” (𝘊𝘩𝘒𝘱𝘡𝘦𝘳 𝘌π˜ͺ𝘨𝘩𝘡𝘩)


“𝗠𝗬 π—£π—”π—œπ—‘π—™π—¨π—Ÿ π—Ÿπ—œπ—™π—˜”
(𝘊𝘩𝘒𝘱𝘡𝘦𝘳 𝘌π˜ͺ𝘨𝘩𝘡𝘩)
Nagdadalawang isip si Ivy kung pupunta ba siya sa ibinigay na address ng babaeng nakausap Niya sa telepono, naguguluhan siya kung Sino ba Ito at kung ano ang sasabihin nito. Hindi niya man gustong pumunta ay binabagabag Ito ng sinabing sasabihin ng babae. Kaya nagpaalam na Ito kay Drake at saka nagbihis at agad na umalis ng bahay.
Nasa kalagitnaan Ito ng biyahe ng biglang may tumawag sa kaniyang cellphone, agad niya Naman itong sinagot.
“Hello?” Masungit nitong Saad.
“I-Ivy s-si Alma to” sagot nito na may pagkahiya sa boses.
“Why do you call me? ” Saad nito na tila walang emosyon.
“I-Ivy Nakita ko si…” Hindi na nito natapos ang sasabihin ng sumabat si Ivy.
“Alma I don’t need your explanations anymore, and I really don’t want to hear your other lies on me either!” Inis nitong Saad saka pinatay ang call.
“Ivy, binabalot ka ng poot at galit, ngunit Hindi Kita masisisi. Sana mapatawad mo kami. ” Bulong ni Alma at napaupo.
NAKARATING na sa address na ibinigay ng babaeng tumawag Kay Ivy si Ivy, agad niyang hinanap kung nasaan ang Babae, ngunit walang lumapit SA kaniya. Naisip nitong maghintay hangga’t sa may pumarang kulay itim na kotse at bumukas Ang pinto nito at niluwa si Andrea.
Nanluwa ang mga mata ni Ivy no’ng Makita si Andrea, halos nag-itim ang mga paningin nito nang unti unting lumapit Ito sa kaniya. Biglang bumalik lahat Ng sakit na naramdaman Niya dati.
“What are you doing here Andrea?” Tanong ni Ivy na may pagka-inis sa mukha.
“I’m the girl on the phone, I’m the girl who send the address for you to come over this place, ako to Ivy, si Andrea. ” Sagot nito at ngumiti.
“Ikaw? Tsk! ” Tumawa Ito ng malakas.
“Why? Anong sasabihin mo sakin? Na nagsisisi ka sa ginawa mo? Na Sana patawarin Kita? Andrea you betrayed me! Trinaydor mo ako! Pinagkatiwalaan Kita kase bestfriend Kita pero anong ginawa mo? ” Sigaw nito Kay Andrea na namumuo Ang mga luha sa bawat sulok ng kaniyang mga Mata.
“No Ivy please makinig ka Muna sakin! ” Sagot Naman nito at hinawakan ang kamay Ni Ivy.
Iniwas Naman ni Ivy rito ang kamay.
“Makinig? Para ano ? Para lokohin ulit ako for the second time? Andrea Alam mo ba Kung gaano kasakit? Alam mo ba kong ano Ang nangyari SA buhay ko after you did it all? Andrea you ruin my life! Sinira mo lahat! Alam mo ba iyon? ” Sigaw ni Ivy at tumulo na ang kaniyang mga luha.
Ramdam ni Ivy Ang init Ng kaniyang mga luha, ramdam Niya Ang sakit, na sa bawat pagtulo nito ay nararamdaman niya ang lahat ng panloloko at pagtataksil na pinagdaanan Niya.
“Naging totoo ako sayo Andrea! I treated you like my real sister! Minahal Kita at tinuring na parang isang Pamilya. Pero binalewala mo lahat Ng Iyon pa-para mapunan lang iyang kalandian mo! Binalewala mo Ang pagkakaibigan natin para Lang sa lalaking minamahal ko! ” Dagdag pa nito.
Nag-uunahan din sa pag-agos Ang mga luha ni Andrea matapos marinig lahat ng mga salitang iyon ni Ivy, tila nabuhusan siya ng malamig na tubig nang marinig iyon mismo sa bibig Ng kaniyang kaibigan. Hindi nito Alam na malaking kalokohan Ang mga pinaniniwalaan nito Kaya nasasaktan siya.
“I- Ivy do you really think that I can do that all to you? Kaibigan Kita! Matagal na kitang kaibigan! Believe me Ivy, I didn’t fool you, that’s not what really happened! Makinig ka. Ivy simula pa no’ng ipinakilala mo SA akin si Daniel, IBA na talaga Ang kutob ko sa kaniya, parang may Mali sa kaniya. Habang tumatagal naging parang manyakis Ito, oo Hindi mo pansin kase ayaw niyang mawala ka SA piling Niya, pero sa ibang Babae katulad ko, tsk! Ivy ilang ulit Niya akong...


ginahasa! Ilang ulit Niya akong pinagbantaang patayin! Ivy Hindi ako Ang nagkamali! Hindi ako Ang may kasalanan! Si Daniel ang may kasalanan! Isa siyang napakalaking demonyo! That time na nasa room niyo ako, no’ng time na Nakita mo kaming dalawa, naglalakad Lang ako no’n, then Hindi ko Alam na nadoon din pala Kayo, tapos bigla Niya nalang hinawakan ng mahigpit Ang braso ko at tinakpan ang bibig ko, dinala Niya ako sa loob ng kuwarto niyo at doon ako hinalikan ng paulit-ulit. Pinilit Kong umiwas ngunit malakas siya Kaya Hindi ko Ito napigilan. Ivy Hindi Kita kayang lokohin! Hindi ko kayang gawin Ang mga bagay na sinasabi mo! ” Mahabang paliwanag nito habang humihikbi at patuloy na tumutulo Ang kaniyang luha.
“Nagsisinungaling ka nanaman! No! Daniel can’t do that! Hindi Niya kayang gawin iyon!” Sigaw ni Ivy at sinampal si Andrea sa kanang pisnge.
Naramdaman ni Andrea ang Galit at poot sa malakas na sampal Ni Ivy, tumingin siya rito at agad na pinagsasampal ng paulit ulit.
“Ivy ganiyan ka ba talaga? Because you love him, will you not believe the truth? Because you love him you won’t believe me anymore? Ivy wake up! Gumising ka! ” Sigaw nito.
Pinunasan Ni Andrea Ang mga luha nito at kinuha Ang kaniyang cellphone sa bag, may ginawa siya dito at ipinakita Niya Ito Kay Ivy. Litrato Ito na pilot hinahalikan Ni Daniel si Andrea, plinano Ito Ni Andrea upang mapatunayan lahat ng mga ginagawang kasamaan Ni Daniel.
“Now Ivy, don’t you still believe me? Will you still not believe me now that there is evidence of the allegations? Ivy I can’t afford to lose you, kaibigan Kita! Hindi ko kayang mawala ka SA buhay ko! ” Sigaw nito.
Mas lumakas ang agos Ng luha Ni Ivy matapos Makita Ang mga litrato, ngayon napatunayan Ni Andrea na si Daniel talaga Ang may kagagawan Ng lahat, na Wala itong kasalanan. Nanginginig Ang kaniyang mga tuhod at mga kamay, Hindi Niya Alam Kung anong gagawin.
Napaluhod nalang Ito at napayuko. Mas lumakas pa ang iyak nito Kaya unti unting lumapit si Andrea at niyakap Ito Ng mahigpit.
Muling naramdaman ni Ivy ang matamis na yakap Ng isang kaibigan, naramdaman nito Ang totoong pagmamahal ng isang kaibigan.
“Sorry, sorry A-Andrea, sorry SA lahat please sorry…” Paghingi nito ng tawad at niyakap pabalik si Andrea.
“Shhhh! Ivy it’s ok, lahat tayo may pagkakamali, lahat Tayo nagkakamali, naiintindihan Kita, normal Ang naging reaksiyon mo dahil Mahal na Mahal mo si Daniel. ” Sagot nito na umiiyak din.
Lumingon dito si Ivy at hinawakan ang magkabilang pisngi.
“I’m sorry SA lahat, naguguluhan ako SA mga nangyayari Andrea, Hindi ko Alam Kung bakit Ito nagaganap SA buhay ko, I’m very sorry SA lahat Ng mga sinabi ko, pasensiya ka na… ” Saad nito at muling niyakap Ang kaibigan.
NAGLULUTO na si Drake Ng kanilang umagahan Ng magising si Ivy.
“Oh? Gising ka na pala, late ka na atang dumating kagabi? Kaya ako nalang Muna Ang nagluto. ” Saad nito at ngumiti.
“Thank you Drake. ” Sagot nito at nginitian din Ito pabalik.
“You’re welcome always Babe, wait, so anong nangyari aa naging lakad mo kagabi? Sino ba yung pinuntahan mo? ” Pagtatakang tanong nito na naghahanda na Ng pagkain.
“Si- Si Carmel Lang, Work related ulit, you know na” pagsisinungaling nito at tumawa.
“Ah, ok sige lika na? Kain na Tayo? Masarap tong niluto ko! Kaseng sarap ko! ” Biro nito sakay nilapitan si Ivy at hinalikan sa labi.
“You’re always yummy Babe, nothing can change that!” Sagot nito at tumawa.
THANK YOU FOR READING! MAGIGING MASAYA NA KAYA ANG BUHAY NI IVY? O MAGUGULO ULIT ITO? ANO ANG MGA SUSUNOD NA MANGYAYARI? ABANGAN UKIT NATIN IYAN SA SUSUNOD NA CHAPTERS! I’LL UPDATE YOU KAPAG NA POST KO NA ANG NEXT CHAPTER! I LOVE YOU!! 😘






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top