Accidentally Marriage
By: lifeshortcreatestory
Prologue
Yesenia POV
“Ma, Pa. ayokong mag pakasal sa lalaking hindi ko naman mahal.”angil ni ate. Hindi ko naman siya masisi. Alam ko naman na may iba siyang minamahal.
“Anak wala tayong choice. Makinig ka na lang para narin ito sa ikabubuti mo.”mahinahon na sabi ni papa.
“Pero Pa. bakit ako?”aniya ni ate sabay turo sa sarili.
“Alam mong bata pa ang kapatid mo. Wala kaming magagawa sa nais ng mga Bradford anak intindihin mo na lamang kami.”pagpapaintindi ni mama kay ate.
Pero tila hindi maiibsan ang inis nito at hindi maalis ang masamang awra niya sa muka.
“Sige papayag na ako. Hindi ko naman na hahayaan na si bunso ang makasal.”pagpayag niya pa.
Tumango lamang ang mga magulang namin at matindi ang pagpapasalamat nila kay ate.
And day passed at araw na ng kasal kung saan papunta ako sa kung saan inaayusan si ate. Masaya akong naglalakad bitbit ang dala kong ice cream. Mayamaya ko pa ito lalantakan kasama si ate.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa kung saan inaayusan si ate ay mga mga parang natataranta. Dinig ko rin na parang may hinahanap sila.
“Lagot tayo malapit ng magsimula ang kasal pero wala parin dito ang bride.”dinig kong sabi ng isa na nagmumula sa loob.
“Kalma muna tayo baka papunta na iyon.”mahinahon naman ani ng isa.
“Pero ang sabi ng Mommy niya nandito na siya kanina pa!”mahahalata mo sa boses nito ang pagkairita.
Tuluyan akong nakapasok sa kung saan magulo ang gamit at wala sa ayos ang mga nagkalat na kung ano ano.
Napatingin silang lahat sakin. Na ikinataka ko sumilay sa mga labi nila ang magandang ngiti at parang nabunutan ng tinik.
“Nandito kana pala.”hila sakin ng isa na hindi ko naintindihan kung bakit nila ako pinapaupo at kung saan kaharap ko ang salamin.
“Madali lang ang gagawin naming pag-aayos sa iyo maganda ka rin naman. At wala narin tayong oras magsisimula na ang kasal.”ng mabanggit niya ang kasal ay nanlaki ang mga mata ko.
“P-pero hindi po ako ang ikakasal-“hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla na lang nila akong simulang ayusan.
“Wag kana magsalita anak.”sabi pa ng isang bakla na...