BECAUSE OF YOU PART 2 CHAPTER 2


WRITTEN BY: SKYLINE
HALOS paliparin na niya ang kanyang sasakyan dahil sa pagmamadali. Bakit kasi nakalimutan niya na ngayon pala ang binyag ng anak ni Geo. Napasulyap siya sa kanyang celphone ng tumunog ito. Kinuha niya ito at sinagot.
“Kian nasaan ka na ba? Ikaw na lang ang hinihintay dito.” tanong ni Geo kay Kian ng sagutin nito ang tawag.
“Malapit na ako.” wika ni Kian kay Geo. Sigurado si Kian na sa mga oras na ito galit na si Geo. Binilisan pa niya ang kanyang pagmamaneho. Malapit na siya sa simbahan ng biglang may tumawid na dalawang babae. Bigla siyang napahinto at agad na bumaba para tingnan ang dalawang babae. Nakatayo na ang mga ito.
“Okay lang ba kayo?” Tanong niya sa mga ito. Pero laking gulat niya ng dinuro siya ng isang babae.
“Hoy!, lalaking antipatiko at mayabang, bulag ka ba? Hindi porke’t nakakotse ka eh, sayo na itong kalsada. Hindi mo ba kami nakita na tumatawid.” Galit na wika sa kanya ng babae, nakataas pa ang isang kilay nito. Namangha pa siya dahil napakaganda ng babaeng kaharap niya.
“Miss, sorry nagmamadali kasi ako.” Paumanhing wika niya sa babae. Pero lalo tuloy siyang sinamaan ng tingin nito. Kaya tinanggal na niya ang salamin sa kanyang mata. Kita niya na nagulat ang isang babae na kasama nito.
“Sorry ang mukha mo,” singhal ng babae sa kanya. “Palibhasa mayaman, kala mo kung sino.” wika pa nito sa kanya.
“Oi Maysisa, tumigil ka na, si Vice Mayor yang kausap mo.” Wika sa kanya ng kanyang kasama.
“Wala akong pakialam kung Vice Mayor pa siya. Muntik na tayong mamatay ng dahil sa kanya, antipatiko.” Mataray na wika nito.
“Ah, Vice Mayor, mauna na po kami ha, pasensiya po, dito sa kaibigan ko. Medyo may pagkamaldita kasi ito.” Paumanhing wika ng babae sa kanya.
“Bakit ka ba humihingi ng pasensiya diyan. Oi, lalaki, sa susunod sa kalsada ang tingin para wala kang masagasaan.” galit na wika pa nito sa kanya.
Umalis na ang dalawa sa harapan niya. Pero siya ay nakatingin pa rin sa dalawang babae papalayo na. Napapangiti siya sa kamalditahan ng isang babae. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng matapang at ngayon lang may babaeng dumuro sa kanya.
“Maysisa, Maysisa pala ang pangalan mo. Magkikita pa tayo. At sisiguradohin ko na magiging akin ka.” Wika niya sa sarili habang may nakakalukong ngiti sa labi.
Nang matapos ang binyag ay dumaretso siya sa mansion nina Geo. Agad siyang pumasok sa loob ng bahay. Maraming mga bisita, lahat ng mga kilalang tao ay imbitado pati lahat ng government employees. Nilapitan niya si Geo na kausap si Governor Matthew. Habang nagkikipagkwentohan sila,lumapit si Charie sa kanila at binigay kay Geo si Baby Zia.
Nilaro-laro niya ang kamay ni Zia, at mukhang naguhustohan nito dahil panay ang tawa nito.
“Kian mag asawa ka na para may lalaruin ka na rin.” Natatawang wika ni Geo sa kanya.
“Wala pa sa isip ko ‘yan. Nag eenjoy pa ako ngayon.” Nakangising wika niya.
“Naku! Tama na ang paglalaro sa mga babae Kian. Pakasalan mo na si Irish at baka mainip iyon sa kahihintay sayo.” Nakangising wika sa kanya ni Gov. Matthew.
Napailing iling na lamang si Kian sa sinabi ni Gov. Si Irish ang...


babaeng malaki ang pagkagusto sa kanya. Kaya kahit anong pagtataboy niya dito ay bumabalik-balik pa rin. Kaya takbohan niya ito kapag kailangan niyang ilabas ang init ng kanyang katawan.
Matagal na nitong sinasabi sa kanya na magpakasal na sila pero lagi niya itong tinatanggihan. Hindi dahil ayaw pa niyang mag asawa kundi hindi siya ang pinangarap niyang maging asawa.
Inakala niya dati ng makita niya si Charie, akala niya ito na ang babaeng ihaharap niya sa altar. Minahal niya ito, pero sadyang hindi sila ang para sa isa’t isa. Kaya kahit masakit na ipaubaya siya kay Geo,nag paraya siya. Hindi na niya pinaglaban ang nararamdaman para kay Charie. Sapagkat ramdam niya na mahal nila ang isa’t isa.
At ngayon masaya na sila, masaya na rin siya para sa kanila. Ngayon pinipilit niyang mag move on at tanggapin ang lahat.
“Bakit ikaw Gov. Bakit hanggang ngayon wala ka pa ring asawa?” Tanong niya sa kanilang Governador. Matanda ito sa kanya ng dalawang taon. May isa itong anak, iniwan siya ng kanyang fiance at sumama ito sa ibang lalaki. Iniwan sa kanya ang kanilang anak.
“Hindi ko pa nakikita ang the one ko.” Nakangiti nitong wika sa kanya.
Maya maya lumapit na sa kanila si Charie at kinuha si baby Zia kay Geo. Iniwan na sila ni Geo, inasikaso na nila ang kanilang mga bisita.
Nagpaalam siya kay Gov. Nakakaramdam na siya ng gutom kaya pumunta siya sa table kung saan nakahilira ang mga pagkain. Pagkakuha niya ng pagkain, humanap siya ng bakanteng table. Nakita niya ang kanyang magulang at kapatid. Kaya lumapit siya dito at umupo.
“Kuya, may nakita akong magandang babae kanina. And I like her.” Wika ng kanyang kapatid. Nakangiti pa ito kaya nasamid siya.
“Kyla kung ano-ano ‘yang sinasabi mo. Teka kumain ka na ba? Tanong niya dito.
” Kuya nakakain na ako, kasabay ko nga si ate Yza na kumuha ng pagkain eh. Kuya ang ganda niya, may malalim na dimple dito sa pisngi. At bagay kayo. “Wika nito sa kanya habang palinga-linga ito. Na tila ba may hinahanap.
“Ate Yza? Sino ‘yon? Teka sino bang hinahanap mo diyan? “Tanong niya sa kanyang kapatid.
Pero imbes na sagutin ang tanong niya, hinila siya nito patungo sa isang table na may dalawang babaeng nakaupo.
” Hello, ate Yza ganda.” Wika ni kyla sa babaeng nakatalikod sa kanila.
Nakangiting humarap ito sa kanila, ganon na lamang ang pagkagulat niya ng humarap ang babae.
“Ikaw?” Gulat na tanong niya sa babae. Bahagya din itong nagulat ng makita siya. Pero nakataas ang isang kilay nitong nakatingin sa kanya.
“Kuya magkakilala kayo ni ate ganda?” Nagtatakang tanong ni Kyla sa kanya.
Nanatiling nakatingin siya sa babaeng nasa harapan niya ngayon, ang babaeng mataray at suplada. Ang babaeng nagduro sa kanya kanina. Ang babaeng maganda sa paningin niya.
“Yes, bunso, siya ‘yong babaeng nililigawan ko ngayon.” Nakangising wika niya.
“Ano?” Nanlaki ang mata nito na turan sa kanya.” Hoy!, lalaking antipatik*, anong sinasabi mo diyan? Galit na wika nito sa kanya sabay dinuro siya.
Nakatingin na sa kanila ang ibang bisita, kaya para makaiwas sa sasabihin ng ibang tao. Walang ano-ano at hinalik*n niya sa labi ang babaeng galit na galit sa kanya.
Pasensiya po now lang ako ng UD. ❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top