SEVEN DAYS BEFORE OUR BREAK UP


“Itigil na natin ‘to Clark.. Ayoko na.. Sawa na ako, hindi na kita mahal..”
“Stella naman, bakit kailangan pang umabot sa gan’to?”
Yes, gusto ko ng iwan si Clark. Palagi siyang busy, hindi ko rin alam kung ano yung madalas niyang pagka-abalahan.
“Hindi na kita mahal! Bakit ba hindi mo ako maintindihan?! Palayain mo na ako!”
“Ayoko, hindi ako papayag. Hindi ko kayang mawala ka..” dahan-dahan namang pumatak ang mga luha niya.
“Ako, kaya kong mawala ka. Kaya iiwan na kita. Hindi ko ‘ramdam yung pagpapahalaga mo, para akong nanlilimos ng atensyon mo. Kahit anong gawin mong pagmamaka-awa, hindi na ako babalik sayo.”
Agad siyang napayuko at sabay na napabuntong hininga.
“Sige, kung ayaw mo na talaga, hindi na kita pipilitin. Pero bigyan mo ako ng isang linggo..”
“Ano?! Hibang ka na ba?! Sinabi kong ayoko na!”
“Oo, alam ko. Pero isang linggo lang naman, pagkatapos no’n, hindi na kita kukulitin. Ako na ang kusang lalayo.”
“Okay, sige pagbibigyan kita, basta huli na ‘yon. Pagkatapos ng isang linggo, ayoko ng makita ‘yang pagmumukha mo.”
First Day
Maaga akong nagising dahil may pasok ako ngayon. Pagkalabas ko ng kwarto, laking gulat ko na nando’n si Clark.
“Oh mahal, kain na.” Sabay ngiti.
Ewan ko ba pero may kung ano ang lumilipad sa tiyan ko. Kinagat ko ang babang labi ko para mapigilan ang pagngiti.
“A-ah sige, salamat.”
Parang bumalik kami sa umpisa, bumalik siya sa dating siya.
“Ahmm masarap ba?” tanong niya. Agad naman akong tumango.
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin.
“Kain ka mabuti, pagkatapos mo r’yan, ihahatid kita sa work mo.” Sabay halik sa noo ko.
Anong nangyayari? Bakit ako nagkakagan’to? Dapat hindi ako kiligin dahil ko na siya mahal.
Third Day
Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon dahil biglang hindi nagparamdam si Clark. Dahilan ‘yon upang mawala ako sa mood kaya naman maaga akong umuwi galing trabaho.
Pagpasok ko ng bahay, nakita kong may mga petals ng rose ang sahig patungo sa sala. Nakita ko si Clark na may hawak na bulaklak.
“C-clark.. Bakit nandito ka? Akala ko busy ka ngayon?”
“Dahil ba hindi ako nagparamdam kanina? Relax okay? Hinanda ko lang ‘to para sayo. Matagal na rin kasi simula nung nagdinner tayo ng sabay. Isipin mo na ring date natin ‘to.”
Bumilis ang tibok ng puso ko at sabay na nag-init ang magkabilang pisngi ng mukha ko. Ano bang nangyayari? Nagsisimula na ba akong ulit na mahalin siya?
Seventh Day
Huling araw na pala namin ngayon, ang bilis ng oras. Gano’n din ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa loob ng anim na araw, mabilis niyang nakuhang muli ang puso ko.
Habang naghihintay sa labas ng bahay, agad ding dumating si Clark para sunduin ako.
“Ang ganda mo ngayon ah hahaha,”
“Matagal na akong maganda ‘no,” pagbibiro ko sa kanya. Oo, naging komportable na ulit ako sa kanya.
“So tara na?”
“Sure,”
Sinulit naming dalawa...


ang huling araw na magkasama kami. Marami kaming ginawa at mga pinuntahan.
Habang naglalakad, narinig kong napabuntong hininga si Clark.
“Ahmm ayos ka lang?”
“Oo naman,” at sabay ngiti. “Huling araw na pala natin ‘to,”
Hindi ako umimik dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Sabay naming pinanood ang paglubog ng araw at kasabay no’n ang pagtakbo ng oras. Hindi ko namalayang pumapatak na pala ang luha ko.
“Mahal, okay ka lang?”
“A-ah? O-oo, okay lang ako,”
Agad niya namang pinunasan ang luha ko. Matapos lumubog ng araw, napagdesisyunan naming umuwi na.
Pagkahatid sa akin ni Clark sa bahay, hindi ko na napigilang yakapin siya ng mahigpit.
“Mamimiss kita..”
“Ako rin, mamimiss din kita ng sobra.” Sabay halik sa noo. “Ingatan mo yung sarili mo kapag wala na ako,”
Kinabukasan, maaga akong nagising upang pumunta sa bahay nila Clark. Ayoko ng lokohin yung sarili ko, alam kong sa loob ng isang linggo na ‘yon, nabalik naming dalawa ang sigla ng pagsasama namin.
Pagdating ko sa bahay nila, nakita ko ang mama ni Clark na umiiyak.
“T-tita, bakit po kayo umiiyak? Ano pong nangyari??
“Wala na si Clark,”
Biglang bumilis ang takbo ng dibdib ko dahil sa narinig ko.
“T-tita.. Imposible yung sinasabi niyo, nakasama ko pa siya kahapon. Malakas pa siya,”
“Hindi ba’t hindi mo alam kung ano yung pinagkakaabalahan niya noon? Lagi siyang nasa Ospital kaya hindi ka niya nabibigyan ng oras. Gusto niya sana na kapag gumaling siya, yayain ka na niyang magpakasal kaso dahil sa away niyo, mas pinili niyang hahayaan ang sakit niya at samahan ka.”
Hindi ko napigilang umiyak, kasalanan ko pala kung bakit siya namatay. Pumasok ako sa kwarto niya at nakita ko ang malamig niyang katawan. Parang kagabi lang, nayakap ko pa siya..
May inabot sa akin na sulat ang mama ni Clark mula sa kanya.
“Hello mahal, gusto kong magpasalamat dahil pinagbigyan mo akong muling makasama ka. ‘Wag mo ring sisihin yung sarili mo sa pagkawala ko, choice ko naman. Pinili kong hindi ipaalam sayo dahil alam kong mas mag-aalala ka lang, ayoko na ring dagdagan ang mga iniisip mo. Mas gugustuhin ko pang makasama ka sa maikling panahon kahit kapalit no’n ay ang buhay ko. Sa loob ng isang linggo, muli kong naramdaman ang pagmamahal mo. Masaya na rin ako dahil kahit wala na ako, nagkaroon naman ako ng masasayang ala-ala kasama ka. Mahal na mahal kita, mag-iingat ka lagi.
Clark,”
Niyakap ko ng mahigpit ang malamig na katawan ng pinakamamahal ko. Sana inintindi ko na lang noon kung bakit wala kang oras sa akin. Sorry sa mga nasabi ko, sorry kung nasaktan kita, mahal na mahal din kita.
Gusto ko lang na malaman mo, na naging masaya ako dahil minsan sa buhay ko, ay naranasan kong mahalin ang isang katulad mo. Sa puso’t isipan ko, mananatiling ikaw, Clark.

Words by: Dawson Silvenia
Stalk my timeline for more stories!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top