LOVE ASSASSINATION “TARGET MO KO? TARGET DIN KITA, IDI KWITS LANG TAYO”
: CHAPTER 2:
🦋||:AVA LUNA FERNANDEZ SANTILLAN:||🦋||: POV:||🦋
“Nakita mo na yung laman ng USB?” Tanong ni kuya, liningon ko siya at saka pasimpleng umiling. “Kaya pala parang hindi mo pa alam.” Aniya.
Pasimple ko siyang tinaasan ng kilay dahil sa sinabi niya. “Nalimutan kung tignan kahapon! Bakit, anong laman non?” Tanging pagngisi lang ang sinagot nito kaya napairap nalang ako sa kawalan.
‘Ganda ng sagot, huh!’
“Panoorin mo nalang, sure akong magugulat ka!” Yun ang sinabi niya, inabot ko nalang yung bag ko matapos ko iyong marinig saka hinubad ang seat belt ko.
Bumaba ako sa kotse niya at naglakad papasok sa entrance ng University! Rinig ko ang pagharurot ng kotse niya papalayo—siguro nagmamadali dahil may tatlong meeting siyang dadaluhan ngayon with his important clients. Kinulit ko lang kasi si kuya para ihatid niya ako dito sa University buti nalang wala siyang tupak kaya pumayag.
‘May putangina kasing bumutas sa gulong ng kotse ko—at dalawang gulong pa talaga ang nagawang butasin, letche!’
Pagkapasok ko sa mismong Entrance ng University biglang may kung sino ang humablot sa kwelyo ng blouse ko kasabay ang malakas na suntok sa mukha ko.
‘Damn it!’
‘Ganda ng bungad!’
Madiin akong napapikit dahil don, saka pinunasan ang gilid ng labi ko dahil doon tumama yung kamao ng gagong gumawa non sa akin. Rinig kung may nagtawanan sa mismong harapan ko, kaya unti-unti kung iminulat ang mata ko saka tiningnan kung sino ang mga lukong yun.
‘Oi! The christmas tree boys—pero tatlo na sila ngayon. Parang kahapon dalawa lang sila—nagtawag ng back up?’
“Masakit?” Tanong nung may orange na buhok—siya yung pangatlo sa the christmas tree boys.
“Hindi.” Mabilis kung sagot, pinagpag ko ang blouse na suot ko saka humakbang para lampasan nalang sana sila at hindi nalang sana sila pansinin.
Pero napahinto ako ng biglang magsalita uli yung lalaki.
“Napaayos mo na?” Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay habang may nagtatanong na tingin. “Yung kotse mo kinukumusta ko.” Taas noo nitong sabi—parang proud na proud siya sa sarili niya dahil sa ginawa nila.
“Tsk! Pinatapon ko.” Kita kung napahinto sila dahil sa sagot ko.
‘Pero ang totoo, hindi ko yun pinatapon kundi binigay ko nalang sa hardinero namin at siya na ang mamroblema para ipaayos yung mga gulong non.’
“HAHAHA” Sarkastikong tawa nito “Nagpapatawa kaba?” Kumunot ang noo ko at ngumisi.
“Hindi!” Mabilis kung sagot, medyo napangiwi naman ako dahil biglang humapdi yung sugat sa gilid ng labi ko. “Ikaw nagpapatawa kaba?” Balik tanong ko.
Hindi agad ito nakasagot—siguro naguguluhan sa isasagot niya.
‘Nagpapahalatang bobo.’
Dahil hindi ko ugaling maghintay lalo na sa mga taong halatang walang silbi, agad ko na silang tinalikuran at naglakad papalayo sa kanila. Rinig kung tinatawag pa nila ako pero hindi ko sila pinansin, habang naglalakad ako paakyat sa school building hinahalungkat ko naman ang bulsa ng bag ko para hanapin ang bandage ko at nung mahanap ko na ito agad ko itong idinikit sa sugat ko.
Narating ko ang classroom namin at diretso akong pumasok dito, medyo natigilan naman ako ng makitang nagsisimula na ang klase at late ako ngayon. Lumingon sa akin yung mga classmates ko pati na din yung bagong professor namin, pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa pansin ko din na napatingin siya sa bandage na nakadikit sa gilid ng labi ko.
“And why are you late Ms. Santillan?” Tanong nito.
“Kasi nahuli ako.” Rinig ko ang impit ng tawa nang mga classmate ko dahil sa sagot ko, kita ko naman na umiling lang si Mr. Professor at pasimpleng inayos ang suot niyang salamin.
Hindi na siya uli nagtanong pa at tinuloy nalang ang pagdidiscuss niya, kaya naglakad naman ako patungo sa pwesto ko na nasa pinaka dulong bahagi ng silid. Pagkarating ko don ay sinabit ko agad ang bag ko sa gilid ng bintana saka umupo, pasimple akong sumandal ng upuan saka isinuot sa tenga ko yung headset ko at nag soundtrip habang nakatingin sa labas ng bintana.
Halos limang minuto din akong nakikinig nang music ng biglang may kung sino ang humablot sa headset ko, masama ang tingin ko sa lalaking nakatalikod sa akin habang naglalakad pabalik sa harap para ipagpatuloy ang discussion niya.
‘Putangina mo Mr. Professor 10 billion times.’
Pag buntong hininga nalang ang nagawa ko bago inilabas sa bulsa ko yung cellphone ko, nag play ako ng music doon at sinigurado kung malakas ang tunog non para makuha ko uli ang atensyon ng professor na iyon na napagtagumpayan ko naman. Seryuso ang mukha nitong tumingin sa gawi ko pati na din ang ibang classmates ko ay napalingon sa kinauupuan ko, pasimple akong nagtaas baba ng kilay habang nakatingin sa professor namin na ngayo’y naglalakad uli palapit sa akin.
Tumayo ako ng nakatayo na din siya sa mismong harap ko, at akmang aabutin at kukunin ko na sana sa kanya yung headset ko na nakasabit sa leeg niya pero mabilis siya dahil napaatras siya agad at hawak niya na din ngayon pati ang cellphone ko.
“Makinig ka sa klase ko Ms. Santillan.” Saad nito kaya napairap agad ako.
‘Tsk! Inuutusan niya ba ako?’
“Pano kung ayaw ko?” Naghahamon ang tono ko nang tanungin ko siya.
“Tsk!” Yun lang ang narinig ko sa kanya bago ako talikuran.
“Tangina mo.” Pabulong kung saad at umupo nalang uli, agad kung isinubsob sa lamesa ang mukha ko saka pumikit.
‘Idi matutulog nalang ako! Badtrip—kill joy ang puta.’
Nagising ako dahil nakarinig akong ng ingay sa paligid ko, iminulat ko ang mga mata ko at nag-angat ng tingin para tingnan ang paligid, kita kung naglalabasan na ang mga classmates ko sa classroom sign na tapos na ang klase. Hinanap ko naman sa mga mata ko yung professor namin pero wala na siya, siguro nakalabas na yung abnormal na yun.
‘Tsk! Yung cellphone at headset ko.’
“Ang gwapo ni Professor Axel no?”
“KYAAAAH!!! Oo, hehehe. Ang sarap makinig lalo na kung siya yung nagdidiscuss— Ehe.”
“Ilang taon na nga yun si Sir?”
“24, batang bata pa!”
Napalingon ako sa dalawa kung classmates dahil sa pinaguusapan nila, kita kung pareho pang namumula ang mga mukha nila—na parang sinampal ng sampung beses dahil sa pula.
“KYAAAAHH!!! May pag-asa pa pala ako—”
“Gaga~ tayong dalawa may pag-asa pang maging Mrs. Montevilla.”
‘Si Mr. Professor ba pinaguusapan nila? Pangit ng taste niyo— Tsk!’
Matapos nilang mag-usap ay naglakad na silang palabas sa classroom, kaya ako nalang mag-isa dito ngayon habang nakapangalumbaba at nakatitig lang sa pintuan. Lumipas ang ilang minuto ay napagdesisyunan ko ng tumayo para pumunta sa cafeteria upang bumili ng pagkain ko dahil nakaramdam ako ng gutom.
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang cafeteria ay biglang may mga christmas tree na lumantad sa harapan ko—pero ngayon may kasama na silang stick girl.
‘Sila nanaman? Ano bang gusto nilang ipagmalaki sa akin?’
“Hoy! Ikaw, bakit mo kami iniwan kanina!?” Pabulyaw na sabi nung lalaking sumapak sa akin kanina.
‘Lakas makasigaw, huh! Parang walang ginawang atraso sa akin. Tsk!’
“Sumagot ka!” Naglakad ito papalapit sa akin at nung nasa mismong harapan ko na siya, biglang niyang sinampal-sampal ng mahina ang magkabilang pisngi ko.
Dahil nakaramdam ako ng inis doon sa ginawa niya, agad kung hinawakan ang kamay niya at pasimpleng pinaikot ito.
“Aray! B-bitawan mo ko— Aray!!” Napasigaw ito sa sakit ng mas pinaikot ko yung braso niya.
“Ano bang kailangan niyo?” Tanong ko.
“Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin kahapon—”
“Magkano!” Baling ko don sa babae na nakabangga ko kahapon sa cafeteria, tumawa ito dahil sa tanong ko kaya ngumiti naman ako.
“Grrr—hindi mo alam kung sino kami!” Aniya.
“Ako kilala niyo?” Tanong ko pabalik,...