LOVE ASSASSINATION “TARGET MO KO? TARGET DIN KITA, IDI KWITS LANG TAYO


LOVE ASSASSINATION “TARGET MO KO? TARGET DIN KITA, IDI KWITS LANG TAYO”
: PROLOGUE :
🦋||:AVA LUNA FERNANDEZ SANTILLAN:||🦋||: POV:||🦋
“Ms. Santillan! Natutulog ka nanaman sa klase ko!?—” Pinutol ko kaagad ito sa kanyang sinabi.
‘Ang ingay ng boses niya, tsk!’
“Nakaidlip lang ma’am.” Sagot ko habang nag-uunat ng dalawang braso, kinusot kusot ko din ang mga mata ko at pasimpleng humikab.
‘Hyss… Ang sarap matulog.’
“Anong nakaidlip? Anong paningin mo sa akin Ms. Santillan? Tanga!? At ano yang ginagawa mo? Parang pinapaalam mo pa talaga sa akin na nasarapan ka sa tulog mo dito sa mismong klase ko.” Walang emosyon ang mga mata ko ng tignan ko siya dahil don sa mga sinabi niya.
Kunot na kunot ang noo nito dahilan upang magsalubong ang parehong drawing niyang kilay, nanlilisik din ang mata nito halatang galit na galit siya dahil sa pagtulog ko. Ano bang magagawa niya? Nakatulog na ako at kahit ano pang gawin niya para ihinto ko ang pagtulog sa klase niya, wala na siyang magagawa! Pakealam niya ba kung gusto kung matulog habang siya abala sa pag lecture sa harapan.
‘Tsk’
“Masarap naman talaga matulog ma’am lalo na tuwing hapon—” Nagtawanan ang mga kakalse ko.
‘Aba pinutul niya ako sa pagsasalita.’
“Napakabastos mong babae! At sino naman ang nagbigay sayo ng pahintulot na matulog sa klase ko—”
“Sarili ko ma’am. Ikaw ma’am! Sino nagbigay ng permiso sayo na magturo habang tulog ako? Wala diba! idi patas lang tayo ma’am.” Diretso kung sagot at pinulot ang bag ko saka naglakad palabas sa classroom. “Isa pa ma’am pagmamayari namin tong skwelahan na pinagtatrabahuhan mo—kaya pwede kung gawin lahat ng gusto ko.” Dugtong ko bago tuluyang lumabas.
Bago ako naglakad paalis ay pasimple ko munang sinilip ang hitsura ng mukha niya, halatang galit na galit na talaga ito ngayon, dahil halos magdugtong na yung kilay niya at yung mukha niya pulang-pula na! Pakiramdam ko tuloy kung susundutin ko ang tagiliran ni ma’am sasabog na siya na parang bomba.
‘BOOM’
“Pft.” Impit ko ng tawa, bago tuluyang naglakad palayo sa classroom namin.
Siguro sa library nalang ako didiretso ngayon at doon ko itutuloy ang pagtulog ko, mabuti din kung don muna ako dahil walang ingay, walang istorbo, at higit sa lahat walang sermon—kung hindi mahuhuli ng pesteng matandang librarian! Subrang estrikta pa naman nong matandang yun.
‘Tsk…’
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang library, biglang may kung sinong bumangga sa akin kaya agad ko itong tinignan para alamin kung sino yung pesteng yun.
Pero wala akong nakita na kahit sinong tao sa harap ko, kaya nilingon ko nalang ang bandang likuran ko dahil may mga yabag ng sapatos akong narinig galing doon. Unti-unting napaangat ang isang kilay ko ng makita ang isang lalaki na naglalakad papalayo, abala ito sa pagbabasa ng librong hawak niya at siguro yun ang dahilan kung bakit di niya nagawang mag sorry sa akin.
‘Tsk! No good manners—and sorry for him wala din akong manners! Idi patas lang kami.’
Pag buntong hininga nalang ang ginawa ko bago ipinagpatuloy ang naglalakad, pagkarating ko sa library ay agad akong pumasok dito. Napalingon naman agad sa akin yung librarian at pasimpleng tinignan ako mula ulo hanggang paa, hindi ko pinansin ang mga tingin niya at naglakad nalang ako papunta sa isang bookshelves, kumuha ako ng isang makapal na libro— para kunwari magbabasa ako, pagkatapos ay naghanap ako ng pwedeng pag-puwestuhan para matulog ulit.
Ng nakakita ako ng bakanteng upuan at lamesa na nakapwesto sa mismong dulong parte ng library ay agad akong naglakad palapit doon, sakto at nasa tagung side yung upuan at lamesa kaya paniguradong hindi ako mahuhuli ngayon. Pasimple akong napangiti ng makalapit na ako sa target kung pwesto, inilapag ko yung bag ko sa ibabaw ng mesa at agad na umupo sabay subsob ng mukha doon sa bag ko, yung makapal na libro namang kinuha ko ay ginamit kung pangtakip sa ulo ko.
‘Hysss… Ang sarap talaga matulog.’
Akmang ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang tumunog ang letcheng cellphone ko!
‘Istorbo, puta!’
Pasimple akong na pahimas sa aking sintido para pakalmahin muna ang sarili, pagkatapos ay kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng palda ko na hanggang ngayon tumutunog parin, tinignan ko kung sino yung gagong istorbo na tumawag sa akin na dahilan upang mapaayos ako ng upo at sinagot agad yung tawag.
“H-hello, dad.” Bungad ko.
“Ano nanaman yung ginawa mo Ava Luna? Alam mo bang isang guro nanaman ang umalis dahil sa mga pinaggagawa mo?” Napahikab ako dahil sa narinig.
‘Yun lang?’
“Dad, wala naman akong ginawang masama—”
“Anong wala? Lagi ka nalang daw natutulog sa klase niya at sinasagot mo pa daw siya.”...


Agad kung nailayo sa tenga ko yung cellphone dahil bigla nalang tumaas yung boses ni papa. “Pumunta ka dito sa office ko—”
“Pero, dad—”
“NOWWW!”
‘Ay putangina! Antok na antok pa ako, gagong buhay, oh!’
Kahit labag sa loob ko agad nalang akong tumayo at inayos ang sarili ko, isinuot ko yung bag ko at pinulot yung libro na kanina ay kinuha ko lang sa isang bookshelves. Mabilis ang bawat hakbang ko palabas sa library papuntang Dean office, dahil kung hindi ako makakarating agad doon sa office ni papa baka matulad nanaman nung nakaraan.
‘I-aannounce niya lang naman ang boong pangalan ko sa mga speaker na nakakalat dito sa boong campus!’
Syempre ayaw ko yung mangyari uli! Kasi maririnig nanaman ng lahat ang pinakamaganda kung pangalan.
‘AVA LUNA FERNANDEZ SANTILLAN’
‘Baka mainggit pa yung mga fuck shit na ingetira sa paligid! Hysss…’
Lakad takbo ang ginawa ko para mas mabilis kung marating ang office ni papa, at nung nasa mismong harapan na ako ng pintuan papasok sa office niya medyo inayos ko muna uli ang sarili ko, inayos ko yung uniform ko dahil medyo magusot ito pati na din yung buhok ko ay sinuklayan ko gamit ang mga daliri ko at nung masigurado kung okay na akong tignan doon ko pa pinihit yung doorknob at deretsong pumasok.
“Afternoon dad—” Napahinto ako sa pagsasalita ng mapansin ang isang lalaking nakaupo sa upuang nasa mismong harapan ng table ni papa.
‘Teka nga! Siya yung bumangga sa akin kanina huh!?’
Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin doon sa lalaki, naka di-kwatro ito ng upo habang abala sa pagbabasa ng libro na sa tingin ko yun din ang binabasa niya kanina nung nabangga niya ako, may suot itong reading eye glasses na bumagay sa suot niyang itim na poloshirt at pantalon.
‘Ganda ng pormahan natin, ah!’
“Hoy lalaki na bastos at walang respeto! Mag sorry ka sa akin.” Turo ko dito.
Kita ko naman si papa na parang naguguluhan sa ginawa ko, siguro nagulat siya.
Nag-angat naman ng tingin sa akin yung lalaki habang nakakunot ang noo, parang hindi niya alam ang ginawa niya, huh?
“Hoy! Mag sorry ka sa akin, binangga mo ko kanina doon sa hallway!” Tinuro nito ang sarili kaya tumango tango ako. “Oo, ikaw!” Saad ko.
“Bakit ako lang? How about you? Binangga mo din naman ako diba? So where is my sorry?” Aniya habang tinutupi ang pahina ng libro na binabasa niya at pagkatapos ay tiniklop niya ako.
“Gago kaba o sira ulo? Dapat mag-sorry ka sa akin kasi babae ako. Girls is always right and boys are always wrong—” Hindi ko natapos ang linya ko ng biglang tumikhim si papa.
“Ehem!” Masama ang tingin nito sa akin kaya pasimple nalang akong napairap. “Pinatawag kita dito para ipaalam sayo na may isang guro nanaman ang umalis dahil sayo!” Tinaasan ko ng kilay si papa dahil sa sinabi niya.
‘Ba’t dahil sa akin? Natutulog lang naman ako, huh!? Anong mali don?’
“And this is Mr. Montevilla the new professor—”
“Tapos? Bakit niyo po pinapaalam sa akin kung sino siya? Anong connect non? Alam niyo po bang naistorbo niyo ang pagtulog ko doon sa library dahil sa tawag—”
“Shut up Ava Luna Fernandez Santillan!” Biglang singhal ni papa.
‘Wow! Dapat talaga full name ko yung itawag niya sa akin? Hys… Ang ganda talaga ng pangalan ko.’
Pansin ko naman na napangisi yung lalaking bagong professor daw kuno na si Mr. Montevilla.’
‘Ngisi ngisi mo diyan? Suntukin ko yang panga mo, eh! badtrip.’
“Siya ang bagong professor ng section niyo kaya rumespeto ka sa kanya! By the way Mr. Mantevilla this is my daughter Ava Luna, sana mataas ang pasensiya mo at kaya mong pag-pasensiyahan ang ugaling kabastusan ng anak ko.” Ngumiti si papa doon kay Mr. Montevilla.
“I’ll do my best dean.” Mabilis naman na sagot nung lalaki.
“Good to know!” Bumaling sa akin si papa. “At ikaw umayos ka—”
“Ayos na kaya ako dad! Look, oh! Ang ganda ng anak mo.” Turo ko sa sarili dahilan upang mangunot agad ang noo ni papa, kaya ng mapansin ko iyon agad akong kumaripas ng takbo palabas sa office niya.
‘Uuwi na lang ako sa bahay at doon ako matutulog baka wala pang disturbo don.’










AUTHOR NOTE : Ehem, pinost ko na yung prologue kasi wala lang trip ko lang. Asahan niyong hindi sunod sunod ang UD ko sa story kasi mag F2F na daw kami pero next week pa.
Yun lang TY!
TYPO WARNING
SPOILERS ALERT : ONCE NA MAG COMMENT KA NG SPOIL SA STORY KO AUTOMATIC DELETE KO YAN.
🦋||:END OF PROLOGUE:||🦋






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top