LORENZO UNIVERSITY


Genre: romance, action, horror
Author: axellie rain
Prologue
Xandrea Martinez FOV
Nagising ako ng naramdaman kong di na umaandar ang sasakyan. “ma’am, andito na po tayo.” sabi ng driver namin. Tumango ako at bumaba ng sasakyan. “ahh ma’am hihintayin ko nalang po kayo dito”
“Hindi na po kuya, pake sabi nalang kay dad na nakarating nako sa school”
“Sige po ma’am tawagan nyo nalang po ako kung papasundo po kayo” hinintay kong makaalis si kuyang driver at humarap sa napakalaking gate.
“LORENZO UNIVERSITY” basa ko sa pangalan ng paaralan na nakaukit sa mismong gate neto. Lumapit ako sa harap ng gate at kakatokin sana ng bumukas na ito. Wow angas naka auto yung gate nila bes.
Pumasok ako sa loob at hinanap ang mga lokaret kong kaibigan. New student lang kami at ngayon lang din kami mag eenroll sa mismong first day ng paaralan na to.
Dapat kasi nung mismong day ng enrollan kami mag eenroll kaso itong si shaine ay lokaret talaga, sinabi nya saming may sakit sya pero ang totoo ay tinatamad lang pala ang gaga kaya ayon na postponed ang pag enroll namin.
Mag eenroll sana kami kinabukasan kaso friday nga pala yung araw ng enrollan at firstday of classes na ang lunes which is ngayon.
Habang nag lalakad ako nag titinginan ang mga estudyante na parang ngayon lang sila nakakita ng maganda, chaar. Nakatingin sila na parang isa akong di tao na naglalakad sa harap nila dahil yung mga noo nila ay nakakunot na parang sinasabing ‘tae ba to?’ chaar.
‘look oh, outsider’
‘baka naligaw di ata nag aaral yan dito eh’
‘ang ganda pero mukhang malandi’
Abay gago to ah, sya nga tong mukang malandi dahil sa palda nyang sobrang iksi na makikita na yung singit nyang maitim. Yocc
‘uy pre chix oh’
‘tangina ang ganda liligawan ko yan’
‘tskk ako ang manliligaw jan’
Taenang mga to bugbugin ko kaya sila?
‘duhh di naman maganda yan eh’
‘yeah look at her outfit so cheap’ Mama mo cheap duhh.
Yumuko nalamang ako at nag cellphone para ichat ang mga kaibigan ko.
Xandramapagmahal
/hooyy san na kayo?/
Sheloymalupet
/nasa principal office na kami, dalian mo./
Xandramapagmahal
/Gago! Di ko alam kung saan ang principal office na yan!!/
Shainenabroken
/mag tanong ka nalang sa mga stupidents jan./
luminga-linga ako sa mga estudyante at dumako ang mata ko sa dalawang babae. Yung isang babae nakayuko lang sya tinignan ko ang mukha nya pero di makita dahil sa buhok nyang nahaharangan ng kanyang buhok. Nakatayo lang sya sa likod ng babaeng nakaupo sa bench, creepy. Lumapit ako sakanila para mag tanong “hi, pwede mag tanong?” tumango ang isang babae at tumayo kaya naharangan yung babae sa likod “san yung daan papuntang principal office?”
“deretso ka lang jan tapos liliko ka lang tas yun na agad ang principal office” nakangiti nyang sabi. Tumango...


ako at tumingin ulit sa babaeng nasa likod nya pero wala na yung babae “san na yung babaeng kasama mo?” tanong ko sakanya
Kumunot ang noo ng babae at tumingin din sa likod nya “ahh ate ano kaba wala naman akong kasamang babae eh wag mo po akong takotin” sabi nya at ngumuso. Mukha kang pato sis.
“pero meron talagang babaeng nakayuko sa likod mo” sabi ko at tumatayo na ang mga buhok ko sa katawan pati sa baba chaar, grr myghad multo ba yung nakita ko?.
“ate wala po talaga huhu alis na po ako ate” sabi nya na parang natatakot na at nag mamadaling umalis.
Umalis na din ako dun dahil natatakot na ako. Sinundan ko yung sinabi ng babae at nakita ko nga yung principal office, nasa labas ang mga kaibigan ko na hinihintay ata ako.
“oh buti dumating ka, kala namin naligaw kana eh” inip na sabi ni mel. Tinignan ko lang sya dahil di padin ako maka get over dun sa multo chorva.
“eii?walang say?tara na nga pasok na tayo” sabi ni sheloy
Pumasok na kami at nag enroll, may pinirmahan lang kaming mga papel na isa na kami sa mga mag aaral dito sa lorenzo tas yung sa dorm eklabo tas binigay yung uniform namin.
Bakit kaya dito sa LU sa principal office sila nag eenroll?samantalang sa dati kong school sa cashier kami nag eenroll at kukuha ng uniform ganon.
“kunin nyo nalang sa cashier yung schedule nyo” tumango kmi at lumabas. Sunod naman naming pinuntahan ang cashier na malapit sa principal office.
Nung binigay na ng cashier yung sched namin nag paalam na kami at umalis.
“mag kakaklase ba tayo?” tanong ni shai. Binigay ko sakanya yung papel na naglalaman ng sched ko tas tumango tango sya tas binalik yung papel ko
“same lang naman tayo as in same na same ampota yiieee” masayang sabi nya
“tingin nga” binigay ni shai kay mel yung papel tas binigay din ni sheloy yung kanya “ahh gago dat isang papel nalang binigay ng cashier na yun o kahit section nalang natin binigay jusko mag kakaklase din naman tayo”
“mga bobo kaya tag-iisa tayo para alam natin kung anong notes dadalhin ganon basta putspa nayan” sabi ko sakanila
“ahh oo nga bobo tong si shai eh” sabi ni mel. Nag bad finger naman si shai sakanya.
Nakalabas na kami ng school dahil bukas pa ang pasok naming lima, bukas din dadalhin na namin ang mga gamit namin dahil mag dodorm na kami diba.
“oh pano yan kita kita nalang bukas mga bitchprend” paalam ko sakanila
Nag paalam na kami sa isat isa at umalis na ang mga lokaret kong friend dahil anjan na yung mga sundo nila
Tinawagan ko na yung driver namin at nakarating din naman sya agad at umuwi na kami.
Next or delete? Paapprove admins ❤






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top