I WAS LEFT ALONE AGAIN


I WAS LEFT ALONE AGAIN’
*****
” Mahal I’m pregnant” masayang Saad ni Pia at inabot saakin Ang isang pregnancy test.
” R-Really?! Magiging daddy na ako?” Nangingilid Ang luha Kong tanong sakanya.
Masaya syang tumango, Kaya niyakap ko sya ng mahigpit at nagtatatalon sa tuwa.
” Yes!! Daddy na ako” pagkatapos ay lumabas ako ng bahay.
” Mga kapitbahay magiging Tatay na ako!! Woohoo”
” Congrats”
” Pare, Ninong ako”
” Oo pare Ninong ka!!” Masayang Saad ko, at tumakbo papasok sa loob ng bahay.
Nilapitan ko sya at lumuhod sa harap nya paharap sa tiyan nya.
” Baby, wag mong pahihirapan si mommy huh? Mahal na Mahal ko kayo pareho” at hinalik halikan ko Ang tiyan nya.
” Haha Mahal, s-stop nakikiliti ako” natatawa nyang Saad.
” Haha opo Mahal titigil na–” tumayo ako at hinalikan sya sa noo.
“Mahal na Mahal Kita”
” Mahal na Mahal din Kita Peter”
__
Parang kahapon Lang nang mangyari Ang lahat.
Sobrang saya ko ng malaman Kong buntis sya, at magiging Tatay na ako.
Parang kahapon Lang din nung manganak sya, at nagsilang ng isang napakagandang Bata.
Sobrang saya sa pakiramdam na Tatay ka na at kasama mo Ang taong pinapangarap mong makasama habang buhay.
Pero–
Sobrang sakit din Ang mawala sila.
Ilang araw bago manganak si Pia ay nalaman naming may malubha syang sakit .
Nanghina Ang katawan nya hanggang sa araw ng kanyang panganganak.
Sa loob ng Emergency Room, saksi ako sa paghihirap at panghihina nya.
Masakit Makita syang nahihirapan pero Wala Kang magawa.
Pinapili kami ng doktor Kung Sino Ang Mabubuhay sakanila.
Ang Anak ko o si Pia.
Ayokong mawala si Pia at Ang anak namin.
Kaya Minabuti kong si Pia Ang Mamili.
A-At Ang anak namin Ang Pinili nya.
” M-Mahal?”
” Peter, tapos na Ang oras ng pamamalagi ko dito sa mundo, oras na para anak Naman natin Ang makaranas na mamuhay dito sa napakagandang mundo”
” Mahal ayokong mawala ka” Umiiyak Kong Saad.
“Peter , ayokong maging maramot, ayokong ipagkait sa anak natin Ang mundo, gusto Kong...


maranasan nyang maging masaya at Malaya, mahirap man Ang desisyon na pinili ko, pero para sa kapakanan ng anak natin gagawin ko, ipangako mo saakin na bibigyan mo sya ng magandang buhay at kinabukasan, ipangako mo Peter” pahina ng pahinang Saad nya.
” Pangako Mahal, gagawin ko ang lahat para mabigyan sya ng magandang buhay, Mahal na Mahal Kita Pia”
” Mahal na Mahal din Kita Peter sa muli nating pagkikita sa ikalawang buhay, paalam Mahal ko”
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay sinensyasan nya Ang doktor na magsimula na.
Iyak Lang ako ng iyak habang pinagmamasdan sya, hanggang sa marinig ko Ang iyak ng anak namin, kasabay ng pabagsak ng malamig nyang katawan.
” Pia!!! Huhuhu * hik*” Doon na ako pumalahaw ng iyak, Wala na Ang babaeng pinakamamahal ko.
” Sir– Ito na Po ang Bata” Saad ng doktor at ini-abot sakin Ang anak namin.
Umiiyak Kong kinuha Ang anak namin at pinagmamasdan Ito, napakagandang Bata.
“M-Mahal , tignan mo oh kamukhang kamukha mo sya” Umiiyak Kong Saad at niyakap ito, pero–
” D-Doc? Bakit Hindi ko Maramdaman Ang hininga ng Bata? Doc Hindi humihinga Ang anak ko” natatarantang saad ko sa doktor na nakamasid saakin.
Nag-mamadali syang lumapit saakin at chi-neck Ang Bata.
” Ihanda nyo Ang oxygen, Dali!” Pati Ang doktor at mga nurse ay natataranta.
Inihiga nila Ang anak ko sa isang Kama at pilit na sinasagip ito.
Mas lumakas Ang iyak ko dahil Hindi pa din Ito humihinga.
” Diyos ko wag Po , wag nyong kunin Pati anak ko, nakikiusap ako, wag Po Ang anak ko” Umiiyak Kong panalangin sa Panginoon.
” Time of death: 12:00 Am ”
Doon na tuluyang gumuho Ang mundo ko.
Ang Anak ko Wala na din sya.
Bakit silang dalawa pa? Pwede namang ako, nalang.
Wala na sila, iniwan na nila ako.
Naranasan ko nang maiwan noon, bakit kaylangan pang maulit ngayon?
Mahal, kayo nalang Ang meron ako , bakit Pati kayo kaylangang iwan ako.
Wala na Ang dalawang taong minamahal ko, Wala na sila.
END.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top