Soft Hours


Chapter 1

” Hello? Babae nasaan ka na?” Tanong ko sa kaibigan ko na malayo at wala pa rin.

“Ha? Anong nasa kanto ka pa? 1 hour na kami naghihintay sa’yo?”

Kumot ang noo ko dahil sa mga dahilan ni Amy. Ilang minuto nalang mag t-2 hour na kami sa
loob ng coffee shop.

dito namin naisipan na mag kita kita para madistribute yung parts
namin as a group. it’s actually a wrong move na pinili ko tong dalawa na’to as ka-group. nakikita
ko na agad ang result ng groupings na ito.

Wala. mukhang walang mararating dahil kahapon palang nakikita ko na yung signs ng katamaran
nila at walang kaganahan.

Diyos ko po. Ngayon palang pagod na ako dahil kay Amy na papunta palang dito. Kailangan mabigay ko na yung parts nila at maiayos at magawa nila yon habang maaga pa.

Kaso mukhang ngayon palang ay alam ko ng kapag isang oras nalang ang natitira doon sila magpapasa.

Nagtype ako ng message para kay Amy. Bilisan mo.

Isesend ko palang ang message ng tumunog ang bell ng shop. May pumasok at si Amy yon hingal na hingal at hinahanap kami.

Kumaway si Maggie para malaman ni Amy kung nasaan kami. Sumilay ang ngiti sa mukha niya kahit tumutulonna ang pawis niya sa mukha.

Agad agad siyang umupo sa gitna namin ni Maggie. Tinignan ko si Maggie na nakangiti dahil dumating na si Amy.

Nakangiting inabot ni Maggie ang papel at may kasama pang tissue.

Si Maggie yung sweet type of friend. Obvious naman diba? Soft hearted din kaya madalas tine-advantage ng ibang tao.

nonetheless good type of friend naman siya, tanga nga lang lalo na sa internet love.

Sa aming tatlo magkakaibigan sya yung baby na kailangan ingatan lagi dahil fragile.

“Pawis na pawis ka eh.” Nag crinkle pa ang ilong niya at pinanuod naming magpunas si Maggie.

“Kape ka muna.” Litanya ko at inabot sa kaniya ang frappe na tunay na ang iilang yelo sa loob.

Agad agad na sumipsip sa inumin si Amy at pabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Maggie.

Si Amy yung type ng maingay at tamad, ganyan sya ngayon dahil nakaramdam ng hiya. Isang himala kung ganoon.

Pero kahit ganiyan siya alam ko namang may utak siya, katamaran lang pinapairal niya at ewan- hindi lahat ng bagay sa kaniya alam ko.

Malalaman ko lang na problemado siya kapag todo todo ang luha niya at nagtatago sa amin.

Mukhang matagal pa bago siya matapos kaya sinimulan ko ng sabihin sa kanilang dalawa ang gagawin.

Puro tango at tanong sila.

“Basta etong part 4 sentences and ilang research lang yan.”

“Sa 27 niyo yan ipapasa sa’kin ha? Kapag late kakaltukan ko kayo?” Banta ko dahil mas maganda na may ise-set akong deadline para sa kanila para iwas late at more time para maedit.

As a Senior High student ayon ang pinaka natutunan ko, set a deadline or it will be late. Kahit sa sarili ko ayun ginagawa ko ayoko maghabol ng oras, as soon as possible gagawin na agad para walang panghihinayang sa dulo.

Time management is important as a student, always take time and be mindful kahit nakakasabog ng utak bawat gawain sa mga subject.

Those lesson doesn’t apply only to one course/ track para sa lahat yon depende nalang kung papaanong form.

We are all different, we have different applications of lessons in life nakadepende sa atin paano natin gagawin.

“Ah okay, Lanie tama ba? Ilalagay ko itong part na to under ng Part 2?”

Tumango ako dahil mabuti naman at nakuha niya. “Oo tama yan.”

I always answer kahit naulit na yung answer sa tanong nila. Asking and answering is also important as a group it’s the key to harmony and successful group works.

Hindi ko alam pero kahit gaano pa nakakainis ang mga kagroup ko I always answer, we are all in different situations and in different times.

Nakakapagod naman talaga mag aral minsan but all we have to do is to take a rest tas laban ulit.

It’s kind of hard to apply pero ayun naman talaga, kailangan nating magpahinga para makalaban ulit.

“Sige sige! Alis na kami ha? Sure ka ba di ka sasama Lanie?” Tanong pa ulit ni Maggie at sinisigurado ako sa desisyon ko.

Napangiti ako ng maliit. “Oo nga! Dito lang naman ako mag aaral lang ako ng onti tapos uuwi na rin. Ingay kayo ha?”

“Sabi mo yan ha? Naku! Ngayon palang nag aalala na ako sa’yo Lanie.” Ani Maggie at bakas sa kaniyang mukha ang pag aalala.

“Di nga. Okay lang anong oras palang naman eh.” Assure...


ko sa kaniya.

Tumango naman si Maggie at inaya na si Amy na umalis. Sabay silang lumabas ng coffee shop.

Lumipat ako ng upuan. Doon sa mga pang mag isa lang. I was actually waiting for someone, we’re study buds.

I sat on the right side at nag iwan ng isang upuan bilang pagitan namin.

He shared to me his playlist tapos sabay kaming nag aaral kahit magkaiba kami ng section and track.

I’m in STEM while he’s in ICT. Medyo tahimik lang siya and nagsasalita lang kapag napapansin niyang problematic ako sa topic.

He actually look smart. Medyo kulot ang buhok niya at may kahabaan, matangkad siya sa akin ng mga halos 4 inches at payat siya tignan.

Tumingin ako sa may entrance door. Ang daming palabas na dahil hapon na. My eyes widened.

I was right! He’s coming today. Pagpasok niya ay sa akin agad ang punta ng mata niya. Pumila siya para bumili.

Naramdaman ko nalang na may papaupo at sya iyon.

He placed down his laptop on the table and sa pagitan na mayroon kami ay doon nya nilagay ang kape na binili niya.

“Good Afternoon.” He greeted with his serious tone.

Ngumiti lang ako ng tipid at sya naman ay nagtetext sa cellphone nya.

He’s wearing specs right now. He looks dashing dahil simple lang suot niya but it’s attractive. Nilagay niya rin sa table ang laptop niya at puro codes yata ang laman ng laptop niya.

“May q-quiz kayo?” I asked him though nahihiya akong kausapin sya.

He paused on typing on his phone. He stared at me for a second before giving me a nod as his answer.

“Kami din eh buti nga one subject lang.” I gave him a small smile at napaiwas ng tingin ng ibalik niya na ang tingin sa kaniyang cellphone.

Bakit ko ba sinabing kami din? He did not even asked about it.

Nakakahiya talaga ako. I’m not like this nga kapag sina Amy kasama ko.

Yung dalawang yon. I hope they’ll come home safe. Sana matapos din nila yung group work.

“Good Luck on your quiz. I believe in you.” He suddenly said kaya napatitig ako sa kaniya ng matagal.

He’s busy typing something on his laptop. May binabasa rin siya sa papel na nasa left side niya.

Is he for real? Like this is our 3rd day that we’ve met.

Nagpaiwan ako dahil gusto ko siya makilala pa kahit nasa iisang school lang kami.

“Here scan that lalabas yung bagong playlist na nalaman ko.” He suddenly stated and handed me his phone na mayroong code.

“Ayos to ah.” Naisambit ko at kinuha ang cellphone niya. It’s actually a picture of envelope and it has a code in the middle.

Inopen ko ang QR scanner ko at tinapat ko ang camera sa code.

I immediately smiled when it showed the link of the playlist. It went directly on Spotify.

The name of the Playlist is chill and relax

Full of lo-fi and soft songs. Sa cover palang halata na.

Kinuha ko ang earphones ko at pinasak sa tenga ko. I play the playlist and I almost forgot to gave back his phone.

“Thank you.” I murmured because I’m too shy to talk to him.

I’ve never felt like this before. At dahil nga isa akong coffee addict tinalaban na ako ng palpitation.

Grrr.. bat ngayon pa!

“You alright? You’re trembling?” He suddenly said.

Hinarap ko siya at ngumiti. “Oo ayos lang ako.”

I even laughed awkwardly but the way he looks sounds like he don’t  believe me.

“If you say so.” He even nodded and he went back doing his thing on his laptop.

I tried. Pero di talaga ako makapag focus. Mas napapansin ko pa ang lyrics ng kanta na galing sa playlist niya.

I’d never seen it before
I was trying to fly

But I couldn’t find wings
But you came along and

You changed everything.

Nababaliw na ba talaga ako? Feel na feel ko yung kanta kahit wala naman akong person.

The song is too good for my feelings, dapat may pumapasok sa isip ko pero di ko naman akalain na lyrics pa ng kanta imbes na yung terminologies na pinapa aral.

You lift my feet off the ground
Spin me around

You make me crazier, crazier

Feel like I’m falling and I am
Lost in your eyes

You make me crazier, crazier, crazier.

Yeah. This feelings is so indescribable. Nakakahiya sa kaniya.

I looked at him. He looks just chill there and naka earphones pa. He’s enjoying the song he is playing. Gumagalaw galaw pa ang labi nya na parang kumakanta at sinasabayan ang awit.

He looks fine.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top