THE REVENGEANCE Chapter 11


Matapos ang masayang bakasyon nina Armina at Daniel sa La Vida Island ay nagpasya silang sa bahay ni Daniel sila tutuloy para naman makilala ni Armina ang mga Parents niya.
“How’s you’re vacation Iho?” tanong ng Ama ni Daniel nang makarating sila sa mansion.
“It’s really good Dad,by the way I’d like to meet you my girlfriend Dad,Mom..Armina Alcantara,the owner of famous ‘Alcantara Textile Company’..” pakilala ni Daniel kay Armina sa Parents niya
Nagtaka at nagulat man ang mom at Dad niya pero binawi din iyon ng Ginang.
“Hi,Armina..it’s nice to see you here..kumusta ang bakasyon niyo?” sabay yakap sa dalaga
“Ok lang po Tita,sobrang enjoy..”
“Good.ok just feel at home here,Iha..buti nga tumuloy kayo rito,madalas kasi nasa condo unit itong anak namin.Lagi kasing busy sa negosyo.”
”Yes Tita,kaya nga naisipan niyang magbakasyon muna puro na lang kasi kami trabaho.” natutuwa din niyang saad sa Ginang
Masaya ang pakikitungo nina Mr.& Mrs.De Dios kay Armina...


kahit alam nilang isang Alcantara ang nobya ng anak nila.Pero nanatili ang pagma magandang loob nila sa dalaga.Tapos na ang nakaraan at hindi na nila kailangan na lungkatin pa ang lahat ng nakaraan.
“Mauuna na po ako Tita,Tito..thank you po..” paalam ng dalaga sa Parents ni Daniel
“Mag-ingat kayo Iha,Anak kaw na ang bahala sa girlfriend mo..”
Yumakap muna si Armina sa mama ni Daniel,bago sila tuluyang umalis sakay ng kotse.
“Ang bait ng Parents mo..” pag-appreciate ni Armina nang makaalis na sila
“Yes,I’m so grateful na sila ang naging parents ko..”
“Napakasaya mo noh,buo ang Family mo..namimiss ko na ang Dad..” naiiyak na saad ni Armina
“Ssshhh,tahan na..gusto mo dalawin natin ang Dad mo..ayokong nakikita kitang malungkot..sasamahan kita..”
****
Pumunta sila sa Cemetery kung saan nakalibing ang Dad niya.
“Dad,this is Daniel..sana masaya na kayo diyan,namimiss na kita” naiiyak na sabi ni Armina
Nakaramdam ng konsensiya si Daniel sa mga binabalak niya noon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top