TINAGO NILA ANG BALLPEN KO!


TINAGO NILA ANG BALLPEN KO!
___
” Nakita nyo ba yung ballpen ko? ”
” Hindi Den eh sorry ”
napasabunot nalang ako sa buhok ko….kanina pako aligaga hindi pwedeng mawala yung ballpen ko.
yun nalang yung kaisa isang regalo na binigay sakin ni mama bago sya namayapa.
” Sigurado kayo?hindi nyo talaga nakita?nakalagay lang yun dito kanina sa desk ko eh ” halos maluha luha nako kaka tanong sa kanila.
” Wala talaga Den sorry ”
” Pwede ka namang bumili nang bagong ballpen Den eh. ” umiling iling ako bago napa upo sa upuan ko.
napaiyak nalang ako……
mag eexam na…hindi ko padin mahanap yung ballpen ko.ayaw kung bumili ng bagong ballpen gusto ko yung kay mama kasi dahil sa ballpen nayun nararamdaman kung kasama ko si mama.
” DEN KILALA NA NAMIN KUNG SINO YUNG NAG TAGO NG BALLPEN MO ” agad akong napalabas ng room dahil sa narinig kung sigaw.
” nasan?” tanong ko kay ken
” ayun oh si mayumi ” agad akong napatakbo sa dereksyon ni mayumi.
” Mayum-i nasan yung ballpen ko?please naman ibigay mona sakin mag eexam na kami ” halos garak na yung boses ko dahil hindi pwedeng hindi ako makasagot sa exam.
pag hndi ako nakasagot mawawala yung scholarship ko.yung scholarship na pinaghirapan kung sagutan.
yung scholarship nayun yun yung pag kakataon para matupad ko yung pangarap namin ni mama.
” Nasa basurahan doon ko tinago ” nakangisi nitong saad
napalunok ako bago tumakbo sa basurahan at hinalungkat ito.
” HAHAHA ang cheap mo naman denia eh halos luma na yung ballpen nayun pinag...


tsatsagaan mopa? hahaha nakakatawa ka ”
hindi ko sya pinanasin.labis ang tuwa ko ng makita kona ang ballpen ko.
pero agad yung nawala nang makita kung sira sira naito.
napatulala ako…
hindi pwede…hindi pwedeng nasira to….
umiiyak ako habang nasa kamay ko ang durog durog na ballpen ko.
” sino-ng sumira nito? TNGINA SINO?”
” ako bakit? HAHAHA bagay lang sayo yan parang ballpen lang iniiyakan muna ”
maiyak iyak akong lumapit kay mayumi.
dahan dahan kung nilagay yung durog na ballpen sa bulsa ko.
”baki-t mo nama-n sinira?okay lang san-a kung tina-go mo e-h pero sini-ra mo” patuloy lang sa pag agos ang luha ko.
“Ballpen lang yan denia pwedeng pwede yang palitan ” napatingala ako sa langit dahil sa sinabi nya.
” kay ma-ma yung gali-ng yu-n yun-g kaisa isang regalong nabiga-y nya sakin bago sya namayap-a mayumi……ala-m mo ba yung pakiramdam?yung kaisa isang bagay na iniingat ingatn ko sini-ra mo…….baki-t mo sinira? baki-t?” my voice was cracked.
” kasi ayaw ko sayo ” napakuyom ako sa sinabi nya…
” TNGINA MAYUMI HINDI NA TAYO BATA …..HINDI NA TAYO BATA PARA SA ISANG SIMPLENG AYAW MO LANG SAKIN SINIRA MO YUNG BAGAY NA IMPORTANTE SAKIN?O-O BALLP-EN LANG YU-N E-H par-a sainyo sobrang dalin-g palitan non….PERO MAYUM-I IYUN YUNG….YUNG BAGAY NA BINIGAY SAKIN NI MA-MA BAGO SYA NAMATA-Y ” ramdam kung natigilan sila sa sinabi ko.
” baga-y lang yun…….bagay na pwedeng palitan pero para sakin importanteng bagay na walang kahit sinong pwedeng pumalit.
” binibiro lang kita den ”
” TNGINA MAYUMI HINDI LAHAT NG BIRO NAKAKATAWA
Ps:Not all joke is funny






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top