𝗜 𝗙𝗜𝗫𝗘𝗗 𝗛𝗜𝗠, 𝗛𝗘 𝗕𝗥𝗢𝗞𝗘 𝗠𝗘


𝗜 𝗙𝗜𝗫𝗘𝗗 𝗛𝗜𝗠, 𝗛𝗘 𝗕𝗥𝗢𝗞𝗘 𝗠𝗘
by: @iByangg
“Serein, sobrang sakit,” sabi ng bestfriend ko habang tumutulo ang luha.
“Shh, you’ll be fine,” sabi ko at niyakap siya.
Ivan is my long time bestfriend.
“Mahal na mahal ko siya Serein, sobrang mahal,” sabi niya sa akin.
Ayokong nakikita siyang nasasaktan kasi nasasaktan din ako. Hindi dahil gusto ko s’ya kundi dahil kapatid na ang turing ko sakanya.
“Serein tulungan mo’ko, pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin mag-isa ‘to.”
Marahan kong tinapik ang likod niya sabay sabing…”I will help you, don’t worry. Stop crying mula bukas ay magiging maayos kana ng paunti-unti.”
Matagal pa kaming nag usap bago ko siya tuluyang napatigil sa pag iyak.
“Buti nalang nandito ka,” sabi nya at inihilig ang ulo niya sa balikat ko.
~
Araw, linggo at buwan ang nakalipas tuluyan ng naging masaya si Ivan, lagi kaming mag kasama, lagi kaming umaalis at naggagala na dalawa.
I am happy, lalo na at nakikita ko s’yang pa unti unti na sumasaya. Nasasanay na din ako sa biglaang pagiging malambing at sweet nya.
Hanggang sa dumating yung araw na…
“Serein, I have something to tell you,” sabi niya sa’kin.
“Ano yon?” Mabilis na tanong ko sakanya ngunit matagal s’ya bago sumagot.
“I-I t-think ahm, I—” I cut his words
“What? Ba’t nauutal ka?” Tanong ko.
“I think, I-I love you” sabi nya na ikinagulat ko.
Bigla akong napatayo dahil sa gulat.
“W-Wait...


S-Serein—” naputol ang sasabihin niya ng biglang may tumulong luha sa mga mata nito at hinawakan ang kamay ko.
“H-Huwag m-mo ako i-iwan,” sabi niya sa akin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay napapayag niya ako.
Naging masaya kaming dalawa, inabot ng tatlong buwan at ngayon ay handa na akong ibigay sakaniya ng matimis na oo ko na hinihintay niya.
“Let’s meet” saktong pag send ko ng message sakanya ay nakatanggap din ako ng message mula sakaniya at kapareho ng mensahe ko ang sinabi niya.
Agad niyang tinext ang address kung saan kami magkikita kaya dali dali akong nagpunta doon.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na siya…
“S-Serein” utal na sabi nya.
“Ivan!” Excited na sabi ko.
“May sasabihin ako sayo,” sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.
“Ano ‘yon? Ako din eh meron,” sabi ko naman.
“Mauna ka,” sabi niya pero umiling ako.
“Sabay tayo!” Sabi ko kaya tumango nalang siya.
“One, two, three. Sinasagot na kita!” sabi ko
“Bumalik na siya, kami na,” sabi naman niya.
Nagulat ako sa sinabi niya at nanlaki naman ang mata niya sa kanyang narinig.
“S-Serein?” Sabi nya sakin at akmang hahawakan ako ng inilayo ko ang kamay ko.
“A-Akala ko ba mahal m-mo’ko?” Tanong ko kaya napayuko siya.
“O-Oo nga, pero nagkamali ako…d-dahil mahal lang pala kita bilang b-bestfriend ko,” sabi niya na ikinadurog ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top