TRUE TREASURE


TRUE TREASURE
(A/N: This story is not to re -experience the pain of those who have experienced it but to inspire all of you in the midst of this catastrophe.)
“Pa, wala na ang palayan, maisan at niyugan natin. Lahat po ‘yon sinalanta ng bagyo.”
Agad na sabi ko kay papa pagkapasok ko sa loob ng tahanan namin. Galing kasi ako sa labas para tingnan ang aming mga ari-arian. Kakahupa lamang kasi ng bagyo na labis na nagdulot sa amin ng takot. Akala ko nga ay katapusan na namin.
Aking nakita sa mukha ng aking ama ang panlulumo. Kung may labis mang nasasaktan samin ngayon, walang iba ‘yon kundi ang aking ama.
Dugo’t pawis ang binuhos niya para lang sa aming ari-arian ngunit nang dahil sa bagyo, lahat ng ‘yon ay nagunaw sa isang iglap.
Hindi nagsalita ang aking ama at sa halip ay lumabas ito upang tingnan ang nangyari sa aming ari-arian. Sumunod naman ako sa kanya at ganun din ang aming ina at iba ko pang mga kapatid.
Ini-expect ko na iiyak si papa, magwawala...


at sisisihin ang Diyos sa nangyari sa aming ari-arian na ilang taon niya ring pinagpaguran. Ngunit hindi iyon ang nangyari.
Nagulat ako nang ngumiti siya at tiningnan kami isa-isa. Una niyang niyakap si mama at ganun din kaming limang magkakapatid. Isa-isa niya kaming niyakap nang napakahigpit at nang matapos niya kaming mayakap lahat, sabay-sabay kaming nagyakapan lahat. Nag-group hug kaming magpamilya.
“Nasira man ang lahat ng ating ari-arian, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil hindi niya tayo pinabayaan. Walang may nasaktan sa atin. Ang ating ari-arian? Kaya ko pa namang ayusin ‘yan, kaya ko pang ibangon ‘yan muli. Ngunit ang mawala kayo? Iyon ang ‘di ko kakayanin.”
Tiningnan niya kaming lahat isa-isa.
“Kayo ang tunay kong kayamanan. Hindi ang palayan, maisan at niyugan na iyon. Hindi ako nalulungkot sa mga nawala sakin, bagkus ay nagpapasalamat ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon. At kayo ang mayroon ako.”
Labis akong namangha sa mindset ni papa. Sa kabila ng mga nangyari sa amin, nananatili pa rin siyang positibo sa buhay.
Truly, your mindset is your best asset.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top