HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY CHAPTER 12


HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 12
Nakita ni Kezias si Drake na nag-iinom sa bar. Agad siyang lumapit dito. Bibigyan pa san ito ng bartender ng isa pang baso ng alak pero inagaw niya iyon.
“What fuโ€”Allyson what are you doing here?” tanong sa kanya ni Drake. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Nag-aalala siya dito tapos yun pa ang itatanong nito sa kanya kung ano ang ginagawa niya Don.
“Bro sabi ko sayo pupunta si Ms. Secretary ehh, ayan kasi maglasing ka pa, mas mabuti pang nakikipagdate ka sa maraming girls kaysa umiinom ka.kung ako sayo sabihin mo na yang nararamdaman mo sa kanya!” sabi ng isang lalaki sa boss Drake niya.Nakatingin lang siya sa papalayong bulyo ng lalaki, Anong dapat aminin?
” Do you like him? “tanong sa kanya ni Drake iinumin ulit sana nito ang nasa baso pero inagaw niya ulit yun.
” Sino ayun? Bat naman ako magkakagusto dun? Ano ba kasing ginagawa mo dito boss ha?! May trabaho ka pa kaya bukas! “singhal niya dito.
” Trying to forget something, and why do you care?Papayag ka na bang maging totoong girlfriend ko? “tanong nito sa kanya. Ganun ba talaga nito ka gusto na maging girlfriend siya?
” Ano bang dapat mong kalimutan?! Siyempre Nag-aalala ako sayo ano bang klaseng tanong yan! Seryoso ka ba talagang gusto mo kong maging girlfriend ha? “mataray na sabi niya dito.
” I’m dead Serious Allyson when I ask you to be my girlfriend, there’s no other girl that I like, you’re the only one, gustong gusto kita, matagal na”sabi nito sa kanya. Lasing na talaga ito.
“Umalis na kaya tayo dito?” sabi niya dito ng mahinahon.
“Kapag Umalis tayo dito girlfriend na kita? Because if not I will stay here and I will get my self drank till I get wasted” sabi ni Drake sa kanya.
“Aaaaa ano bang problema mo ha?! Bat mo ginagawa sakin to ha?!” sigaw niya dito.
“I’m doing nothing” sagot nito sa kanya.
“Paasa ka boss, Paasa ka, kapag naging girlfriend mo ako ano? Masasaktan lang din ako gaya ng dati. Hindi pa nga tayo ay nasasaktan na ako. Mamaya ay sugurin ako ng mga naging babae mo! Paasa ka! Gusto mo lang akong pagtripan! Kung nanliligaw ka bakit di mo agad sinabi ha? Ayoko lang umasa kaya di na ako nag expect na may meaning ang mga ginagawa mong yun dahil baka pinaglalaruan mo lang ako! “di agad ito nakaimik sa kanya.
” Kasalanan ko ba na gusto kita?kasalanan bang magkagusto sayo? At bakit ba tingin mo sa lahat ng lalaki ay manloloko. Its doesn’t mean na niloko ka noon ay lolokohin ka rin ngayon! “balik naman ni Drake sa kanya. Pinagtitinginan na tuloy sila ng mga tao sa bar.
” Ayoko lang na masaktan ako ulit”sagot niya dito.
“Kaya ikaw naman ang nananakit?! Ang manhid mo!” sigaw nito sa kanya.
“Hindi ako manhid!May nararamdaman ako!” giit niya dito.
“Talaga ba ha?! Kung di mo pa sinabi di ko malalaman!”sigaw na naman ni Drake sa kanya.
” Hindi porket boss kita pwede mo na akong sigaw sigawan”sabi niya dito. Pero mahina lang itong tumawa.
“Hindi porket mahal na...


kita at gusto kita ay pwede na akong saktan! You’re so dumb Allyson!Asan ba ang puso mo ha? Bakit para kang bato? Hindi ka nga masasaktan ikaw naman ang nanakit!” sabi ni Drake sa kanya.
“Ano bang gusto mong iparating ha? Bat di mo na lang sabihin ng diretso?”tanong nya dito.
” Mahal na kita! But you’re so dumb, ang manhid mo! “na gulat siya sa sinabi nito.
” Ano??? “tanong niya rito.
” I know you hear that so don’t pretend. “sabi nito at naglakad papalayo.
” Drake!!!! “paghabol niya dito pero di siya nito pinapansin.
” Go home”sabi nito sa kanya. Parang nawala ang kalasingan nito.
“Ano yung sinabi mo?” mahinahon niyang tanong dito.
“Just forget that, alam ko naman na hindi tayo pareho ng nararamdaman, I’ll just forget my feelings for you!” sabi nito sa kanya bago ito pumasok ng kotse nito. At bigla na lamang umandar iyon.
“Mahal rin kita” bulong niya habang nakatingin sa papalayo nitong sasakyan. Bigla naman umulan wala siyang dalang payong.
“Gago!!! Mahal daw? Bat ambilis sumuko? Siraulo siya!!! Gago siya!!!” sabi niya habang naglalakad sa gitna ng ulan. Pumara na siya ng taxi at sumakay doon.
“Ohh Keziah bat basang basa ka ha?” alalang tanong ng mama niya ng makapasok siya sa bahay nila.
“Wala ma, inabot lang po ng ulan kanina sa daan.” pagdadahilan niya.
“Ayy siya magbihis ka na baka magkasakit ka” sabi ulit ng mama niya. Umakyat siya sa kwarto niya para maligo pagkatapos ay nagsuot siya ng pajama.pinatuyo niya muna ang buhok niya.
“Ulol siya, gago siya!! Mahal niya mukha niya!” bulong niya bago ipinikit ang mga mata para matulog.
“Fuck bakit ko ba siya sinigawan bakit ko yun sinabi sa kanya?The fuck Drake what the fuck did you say? Bat mo siya Iniwan dun” pagkausap ni Drake sa sarili niya habang Nakahiga sa kama.baka kung ano ang nangyari kay Keziah.
Nakatulog na siya ng di niya namamalayan. Nagising siya dahil sa alarm clock. Agad siyang nagtungo sa banyo upang maligo at lumabas din doon para magbihis dahil kailangan niyang pumunta ng kompanya at magsorry kay Keziah dahil sa pagsigaw niya dito. Di na siya nag almusal.
Agad siyang nagtungo sa garahe at sumakay sa kotse niyang kilay itim.Gusto niya agad makarating sa kompanya at magkita si Keziah. Napakagago niya kasi tuwing lasing tuloy kung ano ano ang nasabi niya dito. Pero atleast namin niya na ang nararamdaman niya para dito.
Pagpasok niya ng kompanya. Kanya kanya ng bati ang mga empleyado.Pagdating niya sa opisina niya wala si Keziah. Kaya naisip niya baka nalate lang.
“Sir hindi po makakapasok si Keziah may sakit po siya sabi ng mama niya” sabi sa kanya ni Layla pagkatapos ay lumabas ng opisina niya.
Agad siyang pumunta sa desk ito upang magtanong.
“Bat daw siya nagkasakit?” tanong niya dito.napakangiti naman ito bago siya sinagot.
“Concern ka boss, naulanan siya kagabi kaya ayun nilalagnat, di daw po makakapasok”yun lang sinabi nito sa kanya.
Dali dali siyang lumabas ulit ng kompanya sumakay sa kotse niya.
” What the fuck did I do?! “sigaw niya pagkapasok niya sa kotse at dali daling pinaandar iyon.
Kasalanan niya ang nangyari kay Keziah.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. next chapter Po please ganda Kasi

  2. next chapter po please ..ganda ng story eh

Leave a Reply


top