Aking Prinsesaβ£οΈ
.
Chapter 20
.
Nico : Yna..!!!
.
Nag-alala si Nico kay Yna dahil sa nawalan ng malay ito..at alam na ni Nico ang dahilan, lasing ito..hindi alam ni Nico kung ano ang gagawin niya..kaya naisip ni Nico na ialis na doon si Yna sa lugar na iyon..at lumipas ang mga sandali ay naiuwi na ni Nico si Yna sa kanyang tinitirahan..maingat niyang inilapag sa kama si Yna, at pagkalapag niya kay Yna sa kama ay kumuha si Nico ng tubig at bimpo para ipunas kay Yna para mahimasmasan ito..at ng makakuha ay agad na bumalik sa kwarto upang asikasuhin si Yna, sobrang saya ng puso ni Nico dahil nakita na niya ang matagal niyang gustong makita, ang kanyang tanging itinitibok ng puso, ang kanyang minamahal, at ang kanyang prinsesa..at hindi napigilang humanga ni Nico sa magandang mukha nito, mas lalo itong gumanda..at hanggang sa sinimulan na niyang punasan ang mukha nito..at sa pagdampi ni Nico ng bimpo sa mukha ni Yna ay nagising ito..umuungol ito..at nagsalita..
.
Yna : N-nico!! Nasaan ka?
Nico : nandito lang ako mahal ko.
Yna : huwag mo akong iiwan.
Nico : hinding hindi kita iiwanan, mahal ko at ngayong nakita na kita, hinding hindi na ako makakapayag na malayo sayo.
.
Lasing si Yna pero malinaw ang isip niya, dinig na dinig ni Yna ang sinabi ni Nico at sobrang saya ng puso niya sa sinabi ng binata, sobrang saya niya dahil eto na sa tabi niya si Nico..sa halos mag-aapat na taon sa wakas ay eto siya ngayon at abot kamay na niya ito.. pero parang hindi siya makapaniwala na narito ito sa tabi niya, sa isip niya baka naman nangangarap lang siya.. kaya hinawakan ni Yna ang pisngi ng binata, ramdam naman niya ito.. si Nico naman ay nasiyahan sa ginawa ni Yna na paghawak sa pisngi niya, hinawakan nman ni Nico ang kamay ni Yna na nakahawak sa pisngi niya, lalo pang idinampi ni Nico ang kamay ni Yna sa pisngi niya.
.
Nico : Mahal ko patawarin mo ako, kung hindi ko agad naipagtapat sayo ang lahat.
Yna : sshhh…huwag kang humingi ng tawad, wala kang kasalanan.
Nico : mahal na mahal kita Yna.
.
hindi na napigilan ni Yna ang mga luha kumawala na ito sa mga mata niya..parang musika na kay sarap pakinggan ng mga sinabi ni Nico sa kanya, lalo na ng halikan ni Nico ang mga kamay niya, bumuhos na ang mga luha..luha ng kaligayahan..at ng makita ni Nico na May luha ang mga mata ni Yna, ay hindi na din niya mapigilan ang mga luhang kanina pa niya tinitimpi, ang bimbo na hawak niya ay inilgay na niya sa planggana at pinunasan niya ang pisngi ni Yna na may luha, at ganun din naman si Yna pinahiran niya rin ang mga luha ni Nico.
.
Nico : kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon..at hindi na ako makakapayag na mawala ka pa sakin.
.
Dahil sa kasabikan ni Nico sa minamahal na babae ay hindi na niya mapigilan ang tinitimping damdamin na kanina pa niya gustong gawin ng makita si Yna..ang halikan ito,.na halos mahigit tatlong taon na halos mabaliw na siya sa sobrang pagkasabik dito..kaya unti unti niyang idinikit ang mukha kay Yna, si Yna naman ay bumilis ang tibok ng puso dahil alam niyang hahalikan siya ni Nico, at si Yna rin ay sabik na sabik na din muling matikman ang mga halik ng kanyang minamahal,.at hanggang sa magkalapat na ang mga labi nila sa isa’t isa, at muling napaluha si Yna ng maramdaman niya ang mga labi ni Nico, at ganun din si Nico napakasaya ng puso ni Nico ng mga sandaling iyon, dahil eto na ang pinakahihintay niyang sandali ang muling mayakap at mahalikan ang kanyang pinakamamahal,.si Yna naman ay parang hindi makapaniwala na eto sila ni Nico ngayon, na magkalapat ang mga labi, at pinagsasaluhan ang matamis na halik, at ang mga halikan nilang iyon nagiging mapusok at maalab..at walang gustong humiwalay sa halikan nilang iyon, at hanggang sa nakakabuo na ng apoy sa pagitan nila, buong ligayang nilalasap ang mga halik nila sa isa’t isa na kapwa sabik na sabik, at uhaw na uhaw sa mga halik..at parang baliw na baliw sila sa isa’t isa sa sobrang ligaya ng pakiramdam nila, na parang ayaw nang matapos ang mga sandali nilang iyon..ang tanging alam lang nila ay mahal na mahal nila ang isa’t isa, at hanggang sa hindi na napipigil ang mga sarili, ang mga apoy sa pagitan nila ay lalong lumalagablab, na nagpapatupok sa kanilang pagkatao, at si Nico ay gustong samantalahin ang pagkakataong iyon, nagiging pangahas na ang mga kilos ni Nico kay Yna, si Yna naman ay natatangay na di sa mga kapusukan ni Nico sa kanya, hinayaan niya lang ang mga ginawa ni Nico sa kanya, natanggal ni Nico ang mga damit ni Yna at walang tutol si Yna sa ginawa ng pagtanggal ng damit niya, at si Nico ay labis labis ang kaligayahang nadarama ng walang pagtutol si Yna, at muli na naman niyang ipinadama kay Yna ang mga matamis na halik, na buong Buhay niyang pinangarap na muling matikman ng mga labi niya ang labi ng pinakamamahal na Babae, at ang mga halik ni Nico ay nagiging malikot na kung saan saan na dumadapo ang mga halik niyang iyon..at si Yna naman ay buong puso lang na ipapaubaya kay Nico, ang sarili, dinarama niyang mabuti ang ipinagkakaloob ni Nico na mga halik nito sa buong katawan niya,..Kay ligaya ng puso ni Yna habang dinadama lang ang mga halik sa kanya ni Nico, wala ng Pakialam si Yna kung saan na sila umabot ni Nico, dahil alam naman na niya ang patutunguhan nilang iyon..ang alam lang ni Yna ay mahal na mahal niya si Nico, at gusto niyang maging masaya at gustong maramdaman ang pagmamahal ni Nico, at handa na siya na ipagkaloob kay Nico ang sarili…at Samantalang si Nico ay halos di na talaga niya mapigilan ang sarili at handa niyang panagutan ang mangyayari sa kanila ng pinakamamahal, dahil gustong samantalahin ni Nico ang sandali dahil ayaw na niyang mawalay at malayo kay Yna, takot na siyang mawala pa ang kanyang minamahal, kaya gagawin niya ang lahat, magkaroon lang siya ng dahilan upang huwag na siyang layuan ni Yna at hanggang sa tuluyan na niyang inangkin ang pinakamamahal, at kay ligaya ng puso ni Nico, dahil walang kahit ni isang pagtutol na namutawi kay Yna, at kahit nasasaktan ito dahil sa unang karanasan ni Yna ay walang anumang pagtutol, bagkus buong puso na ipinagkaloob ni Yna kay Nico ang pagkababae, dahil mahal na mahal ni Yna si Nico, at si Nico ay walang kasing ligaya ang nararamdaman ng mga sandaling iyon, dahil sigurado siya na hanggang ngayon ay mahal pa din siya ng kanyang minamahal, ng kanyang prinsesa..kapwa dinadama ang mga init ng yakap at mga halik habang magka-isang katawan sila, sabik na sabik sila sa isa’t isa kaya wala silang sinasayang na sandali, labis labis ang kaligayahan ang nararamdaman ng bawat isa..at hanggang sa maabot na nila ang walang kasing ligayang pakiramdam, dulot ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa..at Samantalang ang driver ni Yna ay labis din ang pag-aalala nito, dahil hindi niya alam kung nasaan na ang amo..nagpunta siya sa sinabing lugar ni Yna, ngunit wala roon ito..at hindi niya din makita ang kotse ng mga kaibigan nito roon sa parking area na sinabi sa kanyang lugar, Kya natakot ang driver ni Yna kay Ferdie dahil panigurado siya na mapapagalitan siya, kaya lang wala naman siyang nagawa kundi tawagan ang among si Ferdie..at ganun na lang din ang pag-aalala ni Ferdie ng malaman ng nawawala ang anak, kaya ng kontakin nila ang celpon ng anak ay lalong nag-alala si Ferdie ng ibang tao ang sumagot sa celpon ng anak..at napag-alaman niya na nasa isang bar ito at lasing na lasing daw..yun ang pagkakasabi sa kanya ng nakasagot sa phone ni Yna..at ng makarating nga roon si Ferdie ay hindi nman nakita si Yna roon, si Betty ang naroon at nakadukdok sa lamesa at tulog na tulog, at ibinigay nman kay Ferdie ang gamit ng anak..at lalong nag-alala si Ferdie ng malaman na wala roon si Yna..pero tinulungan pa din niya si Betty, pinauwi muna ni Ferdie sa driver sa kanilang bahay, dahil hindi naman niya alam kung saan na ang bahay ng kaibigan ng anak..labis labis ang pag-aalala ni Ferdie sa anak..at samantala sina Nico at Yna ay magkayakap ng mga sandaling iyon, nakakulong si Yna sa mga bisig ni Nico, parang ayaw ng pakawalan ni Nico si Yna dahil mahigpit siyang nakayakap dito.. sobrang saya ng puso ni Yna dahil ramdam niya ang init ng mga yakap ni Nico..at hanggang sa nakatulog sila ng magkayakap..at lumipas ang mga oras ay nagising si Yna, parang magaan ang pakiramdam niya kahit na masakit ang ulo niya, masaya naman ang puso niya dahil nagising siya ng may ngiti sa kanyang labi, at inalala niya ang naganap sa kanila ni Nico ng nagdaang gabi..at bumabalik sa isipin niya ang mga katagang “mahal na mahal kita” na paulit-ulit na sinasabi ni Nico habang inaangkin siya nito..May luha na namang nagbabadya sa kanyang mga mata dahil sa kaligayahan, nakatitig lang siya sa mukha ni Nico, na kay tagal niyang ninais na makita ito..sa halos mag-aapat na taon ay sa wakas at narito na sila at magkasama at ramdam niya ang pagmamahal nito, at hanggang sa biglang pumasok sa isipan niya ang babaeng kasama nito,..May parang tumambol sa dibdib niya, at nakaramdam ng pagkabalisa, oo nga daw pala may iba ng mahal ito, at natakot siya sa mga sandaling iyon..bakit daw ba hindi pumasok sa isip niya ang babaeng kasama nito sa beach resort at sa may restaurant, at halos ang sweet-sweet pa daw nila… wala kasing inisip si Yna kundi ang mahal niya si Nico..kaya niya ipinagkaloob ang sarili, at dahil na din sa pagkasabik niya sa pinakamamahal kaya wala siyang pagtutol nang angkinin siya ni Nico..naguguluhan ang isip ni Yna sa mga sandaling iyon, hindi niya alam ang gagawin..kaya naisipan niyang bumangon, dahan dahan siyang umalis sa tabi ni Nico, maingat siyang kumilos upang huwag magising ito dahil gusto niyang umalis na sa lugar na iyon dahil gulong gulo ang isip niya..at nagpasalamat siya ng makita niya ang mga damit at madali niyang isinuot ang damit at hanggang sa mahagip ng mga mata niya ang wallet niya..at naalala niya ang bag niya sa bar naiwan niya ito..at luminga siya sa may wall na baka makakita siya ng orasan, at nakita nga niya na alas 5 na ng umaga..kinuha agad niya ang wallet niya, at mabilis siyang lumabas sa kwartong iyon..at ng makalabas sa kwarto ay mabilis siyang lumabas at napag-alaman niyang nasa isang condo unit pla sila..at mabilis siyang pumasok sa elevator..at hanggang sa nakababa na siya ng building na iyon at dali dali na siyang lumabas ng building..at naghagilap siya ng taxi na masasakyan..at samantala naman si Melanie ay nagtataka siya kung bakit naroon ang babaeng nakabungguan niya sa resort at parang nagmamadali ito. Nakaramdam siya ng kaba, baka daw si Yna na yun. At kaya naroon ang babae ay dahil sa galing ito kay Nico. Pero sa kabilang banda ng isip niya ay hindi naman daw siguro, dahil kung kay Nico galing ang babae ay hindi daw papayagan ni Nico na umalis na mag-isa yun, maagang pinuntahan ni Melanie si Nico dahil may usapan sila na sasamahan siya ni Nico dahil may pupuntahan siyang meeting sa malayong lugar..at samantalang si Nico ay nagising na din sa mga sandaling iyon, nagising siyang wala si Yna sa tabi niya, nakaramdam siya ng kaba, dali dali siyang bumangon..at hinanap si Yna sa buong kwarto, at tiningnan ni Nico ang banyo kung naroon si Yna ngunit wala ito..kumuha si Nico ng towel na ipinantapis niya, at saka siya dali daling lumabas ng kwarto..hinanap niya sa kitchen si Yna nagbabakasali na naroon si Yna..naikot na niya ang buong bahay ngunit bigo siyang makita ito..at naisip ni Nico ang wallet ni Yna, para tingnan ang address nito, dali dali siyang pumasok sa kwarto para tingnan ang wallet ni Yna, ngunit wala na roon ang wallet.
.
Nico : shit..!!!
,
Nagagalit si Nico sa sarili niya dahil bakit ba hindi siya nagising agad, bakit hindi niya namalayan na umalis ito sa tabi niya..at hanggang sa narinig niyang may nagdoorbell, nagmadali siyang lumabas upang buksan ito dahil sa isip niya ay si Yna ito, na baka lumabas lang saglit si Yna tapos bumalik na ito..at ng mabuksan niya ang pinto.
.
Nico : Yna!!
.
Pero laglag ang balikat niya, dahil hindi naman daw pala si Yna, si Melanie ang bumungad doon..
.
Melanie : Yna???
.
Nairita si Melanie ng banggitin ni Nico si Yna.,at sa isip ni Melanie na mukhang tama nga ang hinala niya.
.
Nico : Melanie, ikaw pala.
Melanie : bakit sino ba sa akala mo?
.
Pumasok na si Melanie sa loob ng bahay ni Nico.
.
Nico : akala ko bumalik si Yna..
Melanie : bumalik?
Nico : oo..
Melanie : ang ibig mong sabihin nagpunta na si Yna dito? (Gulat na tanong niya)
Nico : oo, nandito siya kagabi, kasama ko..
Melanie : nandito siya kagabi???
Nico : oo melanie.
.
Nakaramdam ng panibugho si Yna, sa isip niya na mukhang may nangyari sa dalawa dahil ganun ang ayos ni Nico, nakahubad pa ito, at nakatapis lang ng tuwalya..at sa isiping iyon ni Melanie ay nagpupuyos sa galit ang kanyang kalooban.
.
Melanie : so..nakita mo na pala siya..
Nico : oo..
Melanie : may nangyari sa inyo?
.
Hindi kumibo si Nico.
.
Melanie : tell me, may nangyari sa inyo?
.
Hindi pa din sinagot ni Nico ang tanong ni Melanie..
.
Melanie : so may nangyari nga..no answer means yes..
Nico : Melanie..im sorry kung—
Melanie : sorry!! Nico paano ako?
Nico : Melanie, mahal ko si Yna..alam mo yan..
Melanie : mahal din kita..matagal na!!
.
Lumapit si Melanie kay Nico, at niyakap niya ito.
.
Melanie : Nico, please mahalin mo din ako..hindi ko kakayanin kung sa iba ka mapupunta, ako ang tunay na nagmamahal sayo, hindi si Yna, kung mahal ka ni Yna hindi ka niya iiwan..hindi ka niya pahihirapan..ako nandito lang ako palagi para sayo kasi ako mahal na mahal kita.
.
Kumakawala si Nico sa mga yakap ni Melanie.
.
Nico : Melanie, mahalaga ka sakin, at mahal din kita, pero bilang kaibigan lang..alam mo naman noon pa si Yna na yong mahal ko..
Melanie : bakit ano ba ang wla ako na meron sa Yna na yan..kaya din kitang paligayahin Nico..(sabay halik sa mga labi ni Nico.)
.
nabigla naman si Nico sa ginawa ni Melanie..at si Yna naman ay kitang kita niya ang tagpong iyon nila Nico at Melanie, bumalik si Yna sa unit ni Nico dahil naisip ni Yna na hindi tamang takasan niya si Nico, nakumbinsi niya ang sarili na kausapin si Nico..at naisip niya na kailangang ipaglaban niya ang pag-ibig niya sa binata, dahil baka mas hindi niya kayanin kung sakaling magkakahiwalay uli sila ngayon at may nangyari na sa knila.. ngunit ng makita niya na naghahalikan ang dalawa ay nakaramdam siya ng sakit, na parang binibiyak ang puso niya sa sakit Kya agad na din siya uling umalis doon. na mas mabigat ang dibdib sa sama ng kalooban.. May galit sa kanyang dibdib.. napopoot siya kay Nico, dahil pinaglalaruan siya ni Nico, niloko na naman siya ni Nico hindi naman daw pala siya mahal ni Nico.. halos hindi na niya makita ang dinadaanan dahil sa hilam ang mga mata sa luha.
.
Nico : (inilayo ni Nico si Melanie.)Tama na Melanie, ano ba?
.
ngunit hindi tumigil si Melanie, bagkus isa isa niyang tinanggal ang damit.. ngunit inawat siya ni Nico.
.
Nico : Stop it Melanie! (sigaw niya)
.
at pinulot ni Nico ang mga damit ni Melanie sa sahig.. at ibinigay niya ito kay Melanie..
.
Nico : huwag mong gawin to Melanie, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo, May makikilala ka pa na mas higit pa sa akin..Melanie ayaw ko na masira ang pagkakaibigan natin, mahalaga ka sakin dahil kaibigan kita, pero ano ang magagawa ko kung hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sayo.sana naman maintindihan mo ako Melanie..huwag mo ng pahirapan ang kalooban ko..(pagmamakaawa niya)
.
Sa loob ni Melanie ay galit na galit siya.. nagpupuyos ang kalooban sa galit at inis kay Yna. Kung bakit bumalik pa daw kasi.
.
Nico : Melanie, sana maunawaan mo nman ako..ayokong magalit ka sakin..ayaw kong masira ang pinagsamahan natin..hindi ko naman nakakalimutan na ikaw ang naging sandalan ko ng mga panahong malungkot ako, at nagpapasalamat ako sa’yo dahil lagi kang nandiyan para damayan sa mga sandaling nalulungkot ako..
Melanie : buti naman at alam mo pa pala yun..na sana nman ay suklian mo yong mga ginawa ko sa’yo noong time na down na down ka..nong time na halos ilublob mo yong sarili mo sa alak. Kaya kailangan mong bayaran yong mga ginawa ko para sayo, Now, make love to me nick,
.
Sabay yapos kay Nico at hinalikan niya ng mariin sa labi si Nico, hindi makapaniwala si Nico na ganoon pala ang ugali ni Melanie, nang makabawi ng pagkabigla si Nico ay itinulak niya ng malakas si Melanie at sumadsad ito sa sofa..
.
Melanie : Ughh..how dare you nick, all these years ako ang kasama mo, tapos ganito ang gagawin mo sakin.
Nico : buti pa siguro saka na lang tayo mag-usap kapag matino na yang isip mo!!
Melanie : pinaasa mo lang ako..na akala ko mamahalin mo ako dahil sa mga ginawa ko sayo,
Nico : hindi kita pinaasa Melanie, alam mo noon pa na si Yna lang ang laman ng puso ko..alam mo na halos mabaliw ako sa lungkot dahil sa pagkasabik ko kay Yna..alam mo yun..kaya hindi kita pinaasa Melanie..una pa lang tayong magkakilala alam mo na ang naging problema ko. ang paglayo ng babaeng minamahal ko. at ngayon nakita ko na siya dapat maging masaya ka para sakin dahil ang lagi kong dinadaing sa’yo ay ang pagkasabik ko sa babaeng laman ng puso ko..pero hindi eh..mas pinalala mo pa ang sitwasyon..Melanie..
Melanie : Hindi ako makakapayag Nico..gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako..(sabay talikod at lumbas na ito ng unit)
.
Napasuntok si Nico sa pader sa sobrang inis.. nakaramdam si Nico ng inis sa kaibigang si Melanie, parang ibang tao na si Melanie para sa kanya..parang hindi na niya ito kilala..dahil hindi naman niya akalain na nagkakagusto na pala sa kanya ang kaibigan..hindi niya alam ang mararamdaman kung magagalit ba siya o maaawa..at samantala naman si Betty ay gising na rin, nagising siya sa hindi pamilyar na lugar, hindi niya alam na nasa bahay siya ni Yna..kinapa-kapa niya ang katawan kung May nangyari ba sa kanya..Kung May masakit ba sa parte ng katawan niya, ngunit wala naman siyang naramdamang sakit..ang tanging masakit sa kanya ay ang ulo, kaya dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto na pinagtulungan...