Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 18
.
Nilibang ni Yna ang sarili sa pakikipagkamustahan niya sa mga katutubo, malaki na ang ipinagbago ng lugar, dahil pinatayuan ng papa niya ng eskwelahan ang lugar at mayroon din silang kapilya, at ang mga tao roon ay meron na ding pinagkakakitaan, mga taniman ng gulayan, at binigyan din ng mga bangka, upang magamit sa mga pangingisda na siya nilang pinagkakabuhayan, abot abot ang pasasalamat ng nga katutubo sa mag-amang Ferdie at Yna..lumipas ang mahabang oras na pakikipagkwentuhan nila Yna kila Mara, ay kahit papano ay naibsan naman ang lungkot niya, at hanggang nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan, kaya nakisuyo siya kay Mara na gagamit siya ng Cr kasi naji-jingle siya, kaya pumunta sila sa bahay nila Mara, natutuwa siya sa pagbabago ng bahay nila Ka Imong at Mara, kumpara ng mapunta sila ni Nico noon. At hanggang sa makarating na siya sa banyo at ng matapos siyang magbanyo, ay nahagip ng mga mata niya ang kubo sa likod bahay kung saan ay doon nila pinagsasaluhan ang mga matatamis na halik nilang dalawa ni Nico, at dahil dun ay may namumuong luha sa kanyang mga mata..at hanggang sa si lita ay lumabas sa bahay kubong iyon, at tinawag ang ina.
.
Lita ; ina, may nakalimutan si kuya kulas dito.
.
Bumilis ang tibok ng puso ni Yna ng marinig niya ang sinabi ni Lita na may naiwan si Nico roon, sa may kubo..at hanggang sa napaawang ang labi niya ng makita ang bagay na hawak ni Lita.
.
Mara : ano ba yong naiwan niya?
Lita : panyo po!!
.
Kitang kita ni Yna ang panyo na hawak ni Lita, at kilalang kilala niya ang panyong iyon, kanya iyon, panyo niya iyon, dahil iyon ay ang pinakapaborito niyang panyo, dahil iyon ay bigay ng mama niya, pinaka-iingatan niya iyon dahil may burda iyon ng pangalan niya na ibinurda ng mama niya.
.
Mara : isampay mo na lang muna diyan sa sampayan, at mamaya ko nalang itatago, kung sakaling babalik siya ay ibibigay natin sa kanya, ipunta mo muna itong buko doon at mabuksan para mainum nila don ferdie at Yna..
Lita : opo..
,
Isinampay nga ni Lita ang panyo na naiwan ni Nico at si Yna ay gusto niyang siguraduhin ang panyo na kung may burda nga ito, kinuha niya ang panyo sa may sampayan, at ganun na lang ang kaba niya habang kinukuha niya ang panyo sa sampayan, at dahan dahan niya itong nilaladlad at ganun na lang ang bilis ng tibok ng puso niya ng makita niyang may burda nga ito, at laglag ang mga luha niya ng masiguro niyang kanya nga iyon..niyakap niya ang panyo. At naglalaro sa isip niya na, naaalala pa siya ni Nico, at tinatanong niya kung bakit nakay Nico ang panyo niya, at hanggang sa maalala niya na nakalagay yong mga gamit niya sa bag ni Nico, natuwa ang puso ni Yna sa nalamang iningatan ni Nico ang mga gamit niya..umiiyak ang puso niya sa saya, ngunit saglit lang ang tuwang nadarama dahil naalala niya ang sinabi nila Mara na may kasama itong babae..at nagpalipas ito ng gabi roon, at naiwan yong panyo na iyon sa kubo, sa isip ni Yna ay ang ibig sabihin doon din natulog sa kubong iyon si Nico at kasama ang babae..nakaramdam muli ng sakit sa dibdib si Yna..na lalong nakapagpatulo ng luha niya, at hanggang sa mabilis niyang pinahiran ang mga luha dahil paparating si Mara..itinago niya ang panyo sa bag niya, at kinuha niya ang shades niya at isinuot upang sa ganoon ay hindi mapansin na bagong iyak siya.
.
Mara : Yna tapos ka ng mag-banyo?
Yna : opo..tayo na po doon.
.
Nadatnan niyang masayang nakikipag-usap sina ka imong at ka selo sa papa niya, naupo muna siya, kumukuha siya ng tyempo upang ayain na ang papa niya na umuwi dahil parang gusto niyang magkulong sa kwarto niya at umiyak ng umiyak, sobrang bigat ng pakiramdam ng dibdib niya sa isiping may iba ng minamahal si Nico..at nagpasalamat siya ng lapitan siya ng papa niya.
.
Yna : Let’s go home pa..(matamlay na sabi nito)
Ferdie : bakit anak? Masama ba yong pakiramdam mo?
Yna : parang napagod po ako.
Ferdie : eh paano halos wala ka pang pahinga, syempre meron ka pang jetlog niyan.
.
At hindi nagtagal ay nagpaalam na din sina Ferdie at Yna, at pinauwian pa sila ng mga sari saring prutas at mga gulay..at hanggang sa lumipas ang maraming oras na ginugol nila sa byahe, ay nakarating na din sila sa bahay nila..diretso agad siya ng kwarto, pero nagbilin muna siya na huwag na muna siyang gisingin kung oras ng kainan, bababa na lang daw siya kung nagugutom siya, at gusto daw muna niyang magpahinga..at dahil sa mabigat ang pakiramdam ay padapa siyang humiga sa malambot niyang kama at doon ay malaya niyang ibinuhos ang mga luha na kanina pa gustong umagos sa pisngi niya, nahihirapan na talaga siya, naiinis na siya sa sarili niya, haggang kelan daw ba niya dadalin ang bigat ng nararamdaman niyang iyon..hindi niya alam kung gaano katagal ang iyak niya, dahil nakatulugan na niya ang pag-iyak..nagising siyang mabigat ang ulo niya, bumangon na siya dahil nakaramdam siya ng sakit ng tiyan, nagugutom na ang pakiramdam niya, pero tinatamad pa siyang bumaba..pero hindi nagtagal ay narinig na niya ang boses ng papa niya, at kinakatok na ang pinto ng kwarto niya.
.
Ferdie : anak, gising ka na ba. Sabi ni Yaya mo, di ka pa bumababa para mag-dinner..mag-aalas diyes na ng gabi..halika na lumabas ka na diyan at kumain na tayo..
Yna : opo papa, lalabas na po ako.
.
Nagtungo muna si Yna sa banyo niya upang mag-hilamos at mag-mumog..at ng makababa na siya ay nakita niya ang papa niya na nakadulog na ito sa hapagkainan.
,
Yna : ngayon pa lang po kayo umuwi?
Ferdie : oo anak, may ka-dinner meeting ako eh, kaya ginabi ako..pero sabi ng yaya mo hindi ka pa kumakain, kaya magdodoble ako ng kain para may kasabay kang kumain.
Yna : ang sweet naman ng papa ko, eh baka naman po, sumakit ang tiyan nio...