Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 19
.
Kinusot niya ang mga mata, baka daw dinadaya lang siya ng kanyang paningin dahil sa lagi niyang nasa isip si Nico, at hanggang sa napag-alaman niya na talagang si Nico, at hindi siya dinadaya ng paningin niya, bumilis ang tibok ng puso niya, pero may kalakip na sakit sa dibdib niya dahil mukhang sweet sila ng babaeng nakabunggo niya, naka-abrisyete pa ito kay nico na animoy parang mawawala ng mawawala sa kanya ang lalake..naglalakad ang mga ito at hanggang sa malapit na ito sa kinalulugaran nila, halos parang gumuho ang kanyang mundo sa nakikita niya na may kasamang ibang babae si Nico, nagkubli si Yna sa. Mga empleyado niya,.at hanggang sa ang empleyado niya ay biglang nagsalita ng malapit na sa kanila si Nico..
.
Empleyado : Guys bigyan nio ng pulutan si Ma’am Yna..(malakas na pagkakasabi nito)
.
Ngunit tumalikod si Yna at lalo pa siyang nagkubli sa mga empleyado.
.
Yna : ah pasensiya na kayo, parang masama yong pakiramdam ko.
.
Ibinaba ang iniinom na beer, at dali dali siyang umalis sa cottage. At nagpunta siya sa kaniyang suite, hilam na ang mga mata niya sa mga luha, ang sakit sakit daw ng nararamdaman niya sa mga sandaling iyon, sinasabi na nga ba niya eh, masasaktan siya ng sobra kapag nalaman niya na may iba na itong minamahal, at ayun nga daw kitang kita ng dalawang mga mata niya, may iba na nga itong mahal..at sa pag-iyak niya ay narinig niya ang boses ng papa niya kumakatok sa pinto niya, natataranta siya, ayaw niyang malaman ng papa niya na umiiyak siya, kaya nag-isip siya ng paraan upang hindi siya makitang umiiyak ng papa niya. Naisipan niyang nagpunta ng banyo at naligo.
.
Ferdie : aba, wala naman yata yong bata na yun dito, ang sabi nandito daw, bakit wala namang sumasagot.
.
At muling kumatok si Ferdie.
.
Ferdie : anak, nandiyan ka ba?
Yna : opo papa, nasa banyo po ako..naliligo.(sigaw niya)
Ferdie : nakapaligo ka na ba sa dagat? Naroon na ang tita bel mo at Tito robert mo, kasama si Gino, bakit di ka muna maki-join sa kanila..
Yna : tapos na po akong maligo papa, kaya nagbabanlaw na ako..
Ferdie : tapos? Eh sabi ni tita bel mo, hindi ka pa nga daw lumulusong sa dagat ah..
Yna : mamaya na lang po uli papa..
Ferdie : o sige.
.
At umalis na ang papa niya, naka-isip siya ng paraan kung ano ang gagawin niya.dahil gusto na niyang umalis sa lugar na iyon, gusto niyang lumayo..yong malayo kay Nico, yong malayong malayo kay Nico, at haggang sa nakaisip na siya ng paraan, pinuntahan niya ang papa niya.
.
Yna : papa, aalis po ako.
Ferdie : ha, san ka pupunta anak?
Yna : m-may i-mimeet lang po akong mga investor papa, biglaan po, kaya hindi ko po pwedeng ipagpaliban..
Ferdie : pero anak..
Yna : papa, kailangan ko na talagang umalis mali-late po ako sa oras ng usapan namin..
Ferdie : eh teka anak, yong driver mo ayun oh ang sarap ng paliligo sa dagat..
Yna : ako na lang po ang magmamaneho..
Ferdie : hindi pwede anak.
.
Pero tuloy tuloy ng umalis si Yna, nagtaka naman si ferdie sa anak, kung bakit sobra naman yata sa pagmamadali.nag
mamadaling umalis si Yna, halos lakad takbo ang ginagawa niya,at palingon lingon siya at iginagala niya ang mga mata, dahil daw baka mamaya, masalubong niya ito, at dahil nga sa palingon lingon niya ay hindi niya napansin ang isang lalake at nabunggo niya ito, dahil sa pagmamadali niya at kalilingon niya, at ganun nalang ang pagkabigla niya ng mapagsino ang lalake si Nico ito.
.
Nico : Sorry miss, hindi ko sinasadya..
.
Parang nanigas ang mga katawan niya sa pagkakabungguan nila ni Nico, at nagpasalamat siya at hindi siya nakikala nito dahil nakasuot siya ng hat at naka-shade siya dahil ayaw niyang makita siya ng papa niya na maga ang mga mata sa pag-iyak.
.
Nico : miss nasaktan ka ba?
.
Magsasalita sana siya ngunit nakita na niya ang babaeng nakabunggo niya kanina lang.
.
Babae : Nick, doon tayo sa gawi doon mas maganda ang view doon(malambing na sabi nito)
.
Nagmamadali ng umalis si Yna dahil babagsak na naman ang luha niya.
.
Nico : miss, miss sandali yong scarf mo, nahulog!!!
.
Pinulot ni Nico ang scarf ni Yna, ngunit hindi na nilingon ni Yna si Nico nagmadali na itong umalis, tumatakbo na siya, wala na siyang paki-alam sa,scarf niya, kahit na may alaala pa ang mama niya sa scarf na iyon, bigay din iyon ng mama niya, at may burda iyon ng pangalan niya na kapares ng panyo.
.
Nico : pambihira naman yun, iniwanan na lang niya yong gamit niya..
Babae : marami talagang tatanga tanga dito.
Nico : nagmamadali yata siya..sayang naman yong scarf niya, maganda pa naman..
Babae : eeww..ano bang klaseng scarf yan, old fahsion naman yong girl na yun, di maganda ang taste sa mga gamit!!
.
Napailing na lang si Nico sa sinabi ng babaeng kasama niya, at minsan pang tiningnan ni Nico ang hawak na scarf iniisip niya kung saan niya ilalagay iyon, at hanggang sa mahagip ng paningin niya ang nakaburda roon, napaawang ang labi niya dahil sa nakita niya na nakaburda roon ay ang pangalang Yna, at kaparehas din ng burda ng panyo ni Yna na iniingatan niya, kaya lang daw ay naiwaglit niya ito..bumilis ang tibok ng puso niya.
.
Nico : Yna!!!
.
Nairita naman ang babae ng marinig niyang banggitin ni Nico ang pangalang Yna, at nakita din ng babae ang pangalan na nakburda sa scarf kaya ang ginawa ng babae ay hinablot iyon kay Nico at inihagis niya ito..
.
Nico : Melanie!! Bakit mo naman hinagis?
Melanie : ano kaba, kadiri naman yong scarf na yun, baka mamaya may sakit na nakakahawa yong babaeng may ari niyan, mahawa pa tayo, halika na uli, mamasyal.
.
Ngunit nagmadali si Nico na pulutin iyon, at susundan niya ang babaeng nakabunggo niya, na baka daw si Yna iyon.
.
Melanie : Nick saan ka pupunta?
.
Ngunit di na niya pinansin si Melanie, nagmadali siya sa paglalakad at nagbabakasakali na makita niya ang may ari ng scarf at dahil gusto niyang siguruhin kung yong nabunggo nga niya ay si Yna..
.
Melanie : Nick. Bumalik ka dito, huwag mo akong iwanan dito..(sigaw niya)
.
Naiwang na-iinis si Melanie na nakatayo roon wala siyang nagawa kundi sundan ng tingin si Nico, at naiinis si Melanie na,mukhang hinahanap pa niya ang babaeng may ari ng scarf, at nakaramdam ng kaba si Melanie dahil sa nakita niya rin ang pangalang nakaburda sa scarf at Yna ang nakaburda roon, kaparehas ng panyo na laging iniingatan ni Nico, at minsang natulog sila sa bahay ng kakilala ni Nico na mga katutubo, ang panyo ay lihim niyang kinuha sa kamay ni Nico habang nakatulog ito sa duyan, sa bahay nila Mara at Ka imong, dahan dahan niyang kinuha ito at saka siya umakyat sa kubo upang matulog na din,,at iniwan niya sa kubong tinulugan niya ang panyo, at natuwa naman siya ng hindi na naalala ni Nico ang panyo..nangangamba siya dahil baka daw kaya si Yna na yong babae na ang may ari ng scarf, na pilit niyang pinapalitan si Yna sa puso ni Nico, pero hindi niya iyon mapagtagumpayan, dahil mahal na mahal ni Nico si Yna..kahit anong gawin niya ay si Yna padin ang tinitibok ng puso nito..
.
Melanie : hindi ako susuko nick gagawin ko ang lahat, para mahalin mo ako.
.
Sa inis ni Melanie ay umalis na roon, at nagpasya siyang pumunta na lang sa kaniyang suite, at sa paglalakad niya ay nagkataong may tumama sa kanyang bola, bola ng Voleyball.
.
Melanie : ouch!! Hoy mag-ingat ka naman bata..
.
At ang bata na iyon ay si Gino.
.
Gino : pasensiya na po kayo ate hindi ko po sinasadyang matamaan po kayo ng bola..
Melanie : (dinuro niya si gino)..sinadya mo yun eh, alam mong dadaan ako dito, pinagpatuloy mo pa yang paglalaro mo..busit ka talaga..
.
Umiiyak na si Gino, dahil sa natatakot na siya kay Melanie, at hanggang sa lumapit si Belinda..
.
Belinda : Gino, anak bakit anong nangyari.
Melanie : pagsabihan nio naman yong anak nio walang modo..pinatamaan ako ng bola..
.
Nakaramdam ng irita si Belinda kay Melanie, pero nagtitimpi si Belinda, nagpakita pa din siya ng kahinahunan kay Melanie.
.
Gino : mommy hindi ko po sinasadya..
Belinda : ganun ba anak. Sige huwag ka ng umiyak…ah miss pasensiya ka na ha, pagpasensiyan mo na yong bata, hindi ka nga lang talaga siguro napansin na dadaan..
Melanie : hay talaga naman, napakadaming bwisit dito sa lugar na ito..(sabay alis)
Belinda : aba!!
Gino : mommy tama na po..huwag nio na po siyang patulan..
Belinda : oo anak, hindi dapat pinapatulan ang umaaktong parang bata,,halika na doon kay daddy anak.
.
At nagpunta na sina Gino at Belinda sa cottage nila kung saan ay naroon si Robert.
.
Robert : sino yong kausap nio doon honey.
Belinda : ah wala yun honey, babaeng may Topak!!
Robert : ano yong topak honey?
Belinda : ah may sira ang ulo..
.
Naiinis si Belinda sa babae. Kaya kung ano ano na ang nasasabi niya.
,
Belinda : anak kumain tayo, eto yong pagkain mo at nakakagutom yong paglalaro natin sa tubig..
.
At hindi nagtagal ay dumating si Ferdie.
.
Belinda : kuya, kumain na tayo..nasaan ba si Yna?
Ferdie : ewan ko ba sa bata na yun..bigla na lang umalis, ang sabi may imi-meet daw siyang investor, tinanong ko yong secretarya niya, wala naman daw siyang appointment ngayon..umalis nagmamadali pa nga..
Belinda : ganun ba kuya..eh baka nga may bigla sa kanyang tumawag, alam mo naman yong anak mo na yun walang pinalalampas yun, basta tungkol sa negosyo..
Ferdie : sabagay nga..mas dinaig pa nga ako nong bata na yun.
.
At samantala naman si Yna sa mga sandaling iyon ay sakay na siya ng kotse niya, hindi niya alam kung saan siya pupunta sa mga oras na iyon, ang gusto lang niya ay makaalis at makalayo sa lugar na iyon..at samantalang si Nico palakad lakad siya dahil hinahanap niya ang babaeng may ari ng scarf ngunit matagal na siyang palakad lakad ay hindi pa niya ito nakikita, kaya nagpasya na lang siyang bumalik at nagpunta na siya sa kaniyang suite..nagpasalamat na lang siya at hindi siya nakita ni Melanie na pumasok sa kanyang suite, dahil gusto daw muna niyang mapag-isa..naupo si Nico sa kama..at pinagmasdan pa niyang muli ang nakaburda doon, ang pangalang Yna..tatlong taon ng mahigit na hindi nakikita si Yna, sa tatlong taon na iyon ay wala pa ding nagbago sa nararamdaman niya kay Yna..hanggang ngayon ay nasa puso pa rin niya ito, halos gabi-gabi niya ding kaulayaw sa isip niya ang babaeng minamahal, ang kanyang Prinsesa..at lagi niyang hinihiling na sana ay magkita na silang muli.
.
Nico : Yna, magpakita ka na sakin mahal ko, ang aking prinsesa, mahal na mahal kita.(naiiyak niyang sabi)
.
at hanggang sa inalala niya ang mga kalungkutan niya noong panahon ng iwan siya ni Yna..pagkagaling niya ng airport ay hindi muna siya umuwi, blanko ang mga utak niya sa mga sandaling iyon.basta ang alam lang niya ay sobrang bigat ng nararamdaman niya dahil sa sobrang lungkot dahil lumayo sa kanya ang pinakamamahal, kaya nagpalakad-lakad lang siya wala siyang pakialam kung hanggang at kung saan siya makarating, at hanggang sa nasumpungan na lang niya ang sarili na naroon na siya sa isang bar, at umiinom ng alak, nilunod niya ang sarili sa alak, hindi na niya inisip ang sarili na siya ay maaaring mapahamak,at ng sobra na ang lasing niya ay nagpasya na siyang umalis sa lugar na iyon na susuray suray, at sa di inaasahan ay may nakabunggo siyang isang lalake at pinagsalitaan siya ng hindi maganda, hindi niya nagustuhan ang sinabi ng lalaki at dahil sa siya ay kargado ng alak ay hindi siya nakapagpasensiya, inundayan niya ito ng suntok, at parang nakikita pa niya ang mukha ni Poli sa lalaking sinuntok niya, binigyan pa niya uli ito ng suntok, Kya ang mga kabarkada naman ng sinuntok niya ay pinagtulungan siya, nagkagulo sa bar na iyon dhil pinagtulungan na siya ng mga barkada ng lalaking sinuntok niya, at hanggang sa sumulpot si Melanie at inawat ang mga lalaki, tinulungan niya si Nico.. naki-usap siya sa mga lalaki na huwag na siyang patulan dahil lasing na lasing na ito, at idinahilan niya na boyfriend niya si Nico at may hidwaan lang sila nito kaya nagpakalasing ng sobra.
.
Lalake : ilayo mo yang boyfriend mo, kundi malilintikan yan sa amin.
Melanie : oo, pasensiya na talaga.
.
nagkaroon kasi ng interes si Melanie kay Nico, naroon din si Melanie sa bar nang nagkataong pumasok si Nico sa loob ng bar, kung anong pakiramdam ang bumalot sa puso ni Melanie ng makita si Nico, hindi umaalis si Melanie sa bar na iyon hanggang sa hindi umaalis si Nico, at nahimigan ni Melanie na mukhang May problema si Nico, kaya naglakas loob na siyang lapitan ito, nagpakilala siya ngunit di siya pinansin ni Nico, bagkus tumayo na ito at aalis na, at yun na nga, nasabak na ito sa gulo..at sa paki-usap ni Melanie ay pinagbigyan naman siya ng mga bumugbog kay Nico, tinulungan niyang tumayo si Nico at inakay na niya ito sa labas, at dahil hindi niya alam kung saan ihahatid si Nico ay inuwi niya ito sa condo niya..at dahil sa kalasingan ni Nico ay nasukahan niya si Melanie, kaya napilitan siyang asikasuhin at alagaan si Nico, dahil sa kalasingan.. at lumipas ang magdamag at si Nico ay unti unti ng nagmulat ng mga mata, nagulat na lang si Nico ng mamulatan niya ang hindi pamilyar na lugar, nasa isang malamig at magandang silid siya at may malambot na kama, at nagtaka siya dahil iba na ang damit niya, at nakaramdam siya ng sobrang sakit ng ulo, halos di siya makabangon dahil Hilong hilo siya, dahil sa hang over, nagtatanong ang isip niya kung nasaan at kaninong bahay siya naroon, at hanggang sa narinig niyang nagbubukas ng pinto..at dahan dahan na sumilip si Melanie..at ng napag-alaman ni Melanie na gising na ito ay pumasok siya..
.
Melanie : hi, good morning! pasensiya ka na ha pumasok na ako.. ako nga pala si Melanie.
.
pinilit ni Nico na bumangon, pero napatutup siya sa sintido niya dahil masakit ito at hilo pa siya.
.
Melanie : huwag mong piliting bumangon kung hindi mo pa kaya..sobra ka kasing nalasing kagabi.
.
at naalala na nga ni Nico ang nangyari sa kanya ng nagdaang gabi, na may nakaalitan siya sa bar kaya medyo masakit ang katawan niya dhil sa mga tama ng suntok ng mga barkada ng sinuntok niya, at naalala niya na tinulungan siya ng babae, at hanggang sa hindi na niya alam ang nangyari dhil sa hindi na niya nakayanan ang pagkalasing niya..
.
Melanie : pasensiya ka na ha, hindi ko kasi alam kung saan kita ihahatid kaya isinama na lang kita dito sa bahay ko..
Nico : salamat nga pala—
Melanie : Melanie Bustamante,
Nico : salamat Melanie, nakakahiya naman sa’yo dito pa ako sa kama mo natulog..
Melanie : okay lang yun, ano nga pala ang pangalan mo?
Nico : ako si Nicolas De Jesus, ah ikaw ba yong nagpalit sa akin ng damit?(nahihiyang tanong niya)
Melanie : oo(nangingiti niyang sagot)..pero nakapikit ako habang pinapalitan kita, promis!!(tinaas pa ang kamay)..puro suka ka kasi, kahit nga ako nagpuro suka mo?
Nico : naku, pasensiya ka na ha, hindi ko alam, nahihiya tuloy ako sayo..tinulungan mo na nga ako, sinukahan pa pala kita..
Melanie : ayos lang yun, eto oh pinagtimpla kita ng kape magkape ka muna..
Nico : salamat..
Melanie : walang anuman Nick..
Nico : Nick?
Melanie : Nick, diba sabi mo nga ikaw si Nicolas,. O kaya Nick, short for Nicolas..
Nico : ah, oo nick..pwede din Nico..
Melanie : parang mas gusto kitang tawaging Nick..
Nico : okay..pasensiya kana melanie ha.hiyang hiya talaga ako sayo..
Melanie : ayos lang yun, sige magkape ka na, para mainitan yong sikmura mo.
.
naging magkaibigan sina Nico at Melanie..naging malapit sila sa isa’t isa..
.
Melanie : Oh malungkot ka na naman, naiisip mo na naman si Yna!
Nico : hindi ko siguro siya makakalimutan..
Melanie : talagang hindi mo siya makakalimutan kung lagi mo siyang iniisip..
Nico : miss na miss ko na siya Melanie..
Melanie : bakit kaya di mo puntahan sa bahay nila, tanungin mo na baka nagbalik na siya..kung gusto mo tayo ngayon sa bahay nila, baka sakaling dumating na siya..
Nico : talaga! Sasamahan mo ako..
Melanie : oo naman..syempre sino pa ba ang karamay mo sa kalungkutan mo kundi ako lang..
Nico : salamat Melanie, salamat.
.
At nagpunta nga sina Nico at Melanie sa bahay nila Yna..
.
Melanie : buti pa ako muna ang bababa na magtatanong..magpapanggap akong kaibigan ni Yna.
.
At sumang ayon naman si Nico sa suhestiyon ni Melanie, at nagpunta na nga si Melanie sa malaking gate at nagdoorbell ito.
.
Guard : sino po ang kailangan nila?
Melanie : ah. Kaibigan ako ni Yna, gusto ko sana siyang surpresahin. Nandiyan ba siya?
Guard : ah wala pa po siya nasa america pa..
Melanie : ganun ba! Kelan kaya ang balik niya?
Guard : naku, hindi ko po alam, nandiyan po yong papa niya, buti pa po ay doon kayo magtanong..
Melanie : ah, di bale na lang sige, tatawagan ko na lang.
.
At bumalik na siya sa kotse, at naghihintay si Nico na may excitement na nadarama.
.
Nico : ano ang balita Mel?
Melanie : nakakalungkot isipin Nick na hindi na pala diyan nakatira ang mag-ama, ibinenta na daw nila ang bahay nilang iyan, at sa America na daw sila naninirahan..me
ron na daw bagong may-ari ang bahay na yan..
.
Laglag ang mga balikat ni Nico sa nalaman, pero ayaw pa rin niyang mawalan ng pag-asa.
.
Melanie : alam mo ang dapat nating gawin uminom nalang tayo para naman medyo makapag relax ang mga utak natin kahit konti ay makalimutan natin ang mga dinadala nating bigat sa dibdib..
Nico : ha, ngayon ko lang alam na may bigat din pala sa dibdib mo..
Melanie : oo kita naman diba..sa laki ng—-
Nico : ikaw talaga, napaka-kalog mo talaga.(sabay tawa)
Melanie : pinapatawa lang kita, o tingnan mo natawa ka..
Nico : salamat Melanie ha, dahil lagi kang nandiyan para damayan ako..
Melanie : siyempre naman, lagi akong nandito para sa’yo..(sa isip..gusto kita Nick at gagawin ko ang lahat makalimutan mo lang yang Yna na yan..)
.
At dahil sa pagsisinungaling ni Melanie, ay nawawalan na ng pag-asa si Nico dahil sa pinaniwalaan niya si Melanie na sa America maninirahan sina Yna at ang papa nito.
Nico : Yna, sana nga nandito ka na sa pilipinas, gusto na kitang makita.
.
At ngayon, nagkakaroon na uli siya ng pag-asa. Hinihiling niya na sana nga ay si Yna na yong nakabunggo niya kanina dahil dun ay nagkaroon ng katuwaan ang kalooban niya dahil nasa pilipinas na daw yata ito..at kailangan niya itong mahanap, dahil sabik na sabik na siya sa pinakamamahal niya..at inalala ni Nico ang mga masasayang araw na magkasama nila ni Nico, lalo na yong mga yakap at mga halik ni Yna na hindi niya nakalimutan, dahil araw at gabi na hindi niya ito naiisip..at sa pag-iisip niya ay hindi niya namalayang nakatulog siya..at samantala naman si Yna. Ay naisipan nalang niyang umuwi sa bahay nila..gusto niyang magkulong sa kwarto niya.
.
Yaya : oh hija, akala ko sa isang araw pa ang uwi ninyo, bakit nandito ka na?
Yna : ya, pagod po ako, gusto ko po munang magpahinga.
Yaya : o sige, ano ba yong gusto mong ulam na lulutuin ko.
Yna : ya, kahit ano na lang po, at yaya huwag nio na po akong tawaging kumain mamaya, ako na lang po ang bahala mamaya kapag nagising ako.
Yaya : o sige..pahinga ka na at mukang pagod na pagod ka nga.
.
Nagkulong nga lang si Yna sa kanyang kwarto, at doon malaya niyang ibinuhos ang luha na kanina pa niya pinipigilan, dahil sa siya ang nagmamaneho ng sasakyan niya, dahil kahit papano ay ini-ingatan din niya ang sarili niya dahil sa papa niya. Masaya sana siya dahil nakita na niya si Nico. Pero hindi saya ang nararamdaman, kundi sakit at panibugho ang nararamdaman niya, dahil nakita niya mismo na meron na nga itong kasintahang iba..parang binibiyak ang puso niya sa nakita niya na masayang magkasama sina Nico at ang kasintahan nito, dahil sa sakit ng kaloobab niya ay hindi niya alam kung kelan mauubos ang luha niya, at hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-iyak niya..hindi na niya nagawang kumain ng hapunan, dahil parang wala siyang gana.
.
Yaya : aba. Pambihirang bata iyon, hindi kumain kagabi.
.
At si Ferdie naman ay umuwi na din, dahil nag-aalala siya kay Yna..dahil hindi siya naniniwala na meron itong ka-meeting, kaya tinawagan niya si Yaya Meding at noon lang siya napanatag ng makompirma na nakauwi na ito sa bahay nila, kaya nagpalipas na lang muna si Ferdie ng magdamag sa beach resort, naiwan pa ang mag-anak na Bel at Robert at si Gino,sa resort..
.
Meding : don Ferdie, nariyan na pala kayo. Kaaga naman po ninyong umalis doon..
Ferdie : oo, nagmadaling araw ako, si Yna kumusta siya?
Meding : tulog pa, hindi nga siya kumain kagabi..
Ferdie : ganun ba..
Meding : ano na naman kaya ang problema ng batang iyan..
Ferdie : ewan ko nga ba..bigla nalang niyang naisipang umalis sabi may imi-meet daw siyang investor, tapos dito naman pala siya tumuloy..
Meding : baka naman, tungkol na naman kay Nico, kaya siya nagkakaganyan na nanaman..
Ferdie : ewan ko nga ba.
.
At samantalang si Yna ay nagising siya na medyo mabigat ang kanyang pakiramdam, parang wala siyang ganang bumangon, pero ng marinig niya ang boses ng ama, at kumakatok ito sa pinto niya ay naubliga siyang bumangon para pagbuksan ang ama.
.
Yna : pa dumating ka na pala..
Ferdie : oo anak, halika na anak mag-breakfast na tayo.
Yna : pa mmaya na lang po ako, mauna ka na papa.
Ferdie : wala naman akong kasabay anak, halika na sabay na tayo.(pagsusumamo niya)
.
walang nagawa si Yna kundi sabayan ang ama sa pagkain, pilit niyang pinapasigla ang sarili sa harap ng kanyang papa, ayaw niyang malaman ng papa niya na balik na naman ang kalungkutan niya..kaya ang ginawa niya ay lalo niyang isinubsob ang sarili sa trabaho, madalang na niyang utusan ang sekretarya niya, halos siya na ang gumagawa ng karamihan, at halos gabi na siya kung umuwi at kahit gabi ay abala pa din siya dahil mag-uuwi siya ng mga office work.. ayaw niyang mabakante ang isip, at gusto niya paghiga niya ay makakatulog na siya agad, dahil ayaw niyang maisip si Nico dahil nasasaktan lang siya kapag naiisip niya si Nico dahil May iba na itong mahal..at hanggang sa hindi na nakatiis si Ferdie sa ginagawa ni Yna na pinapatay ang sarili sa trabaho.
.
Ferdie : anak, madaling araw na hindi ka pa natutulog? ano ba yang mga ginagawa mo.
Yna : binabasa ko lang po Yong mga pinipirmahan ko papa..
Ferdie : bakit hindi mo sa secretary mo pina-review yan..
Yna : hayaan mo na pa, mas gusto ko po na ako ang makabasa para maging abala Yong utak ko kasi- – – (hindi itinuloy ang sinasabi)
Ferdie : kasi ano anak?
Yna : wala po papa.
Ferdie : kasi, ayaw mong maisip si Nico! gusto mo abala Yong utak mo para hindi magkaroon ng puwang si Nico sa isipan mo..akala mo ba anak hindi ko nararamdaman yong lungkot mo..anak nandito naman si Papa para sabihan ng mga problema mo..huwag mong solohin yan anak.
.
hindi na napigilan ni Yna ang mga luha niya, kailangan niya talaga ng may mahihingahan..at narito...