“NAY, bakit niyo naman ako nagawang ibenta nalang basta? Hindi niyo ba ako mahal? Bakit niyo nagawa sa akin ‘to! ” umiiyak na tanong ng dalagang si Nessy sa kaniyang ina.
Gulong-gulo ang isip niya kung bakit siya nagawang ibenta ng nanay niya sa ibang tao. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Nessy na lubog na sila sa utang ng kaniyang ina pero hindi niya inaasahan na aabot sa ganito ang lahat.
“Anak, para din ito sa kapakanan mo.” malumanay na wika ni Aling Tisya, ang nanay ni Nessy.
“Kapakanan ko po? Paano po ito para sa kapakanan ko? Ni hindi ko pa nga nakikita ant taong papakasalan ko. Bakit ina? Bakit?!”
Hindi na nagawang sagutin pa ng kaniyang ina ang kaniyang tanong ng pumarada sa labas ng malaking gate ang taxi na sinasakyan nila.
Bumaba sila ng taxi at kahit na naiiyak ay pinilit parin niyang maging normal ng makababa ng taxi.
“Sigurado na ba kayo dito, nay?” huling tanong niya na hindi nagawang sagutin ng kaniyang ina.
Nanlulumo siyang sumunod sa paglalakad niyo papasok ng malaking bahay o kung tawagin mansiyon.
➖‘Dito ba ako titira? Sa napakalaking mansiyon na ‘to? Sana kung gaano kaganda ang bahay na ito ay gano’n din kabait ang may-ari lalong lalo na ang lalaking ipapakasal sa akin.’➖
Nasa sala na sila ng bahay ng lapitan sila ng punong katulong o mayordoma. May dala itong pagkain at inilapag sa kristal na mesa.
“Pababa na si Young Master Zher. Hintayin niyo nalang.” wika nito.
Nang makaalis ang mayordoma ay naupo sila sa mahabang sofa.
Binusog ni Nessy ang mga mata sa kagandahan ng paligid.
Buhay na buhay ang ginamit na kulay berdeng pintura sa mga pader ng sala. Halong puti at berde ang pintura nito at maraming mamahaling gamit.
“Anak, tandaan mo lang ang sadabihin ko. Maging mabait ka at masunurin sa magiging asawa mo. Hindi ka niya sasaktan.”
Pilit siyang ngumiti sa sinabi ng kaniyang ina. “Sana nga po, nay.”
Natuon ang atensiyon nila ng kaniyang ina sa lalaking pababa ng malapad na hagdan.
Nakapormal itong kasuutan at aninag na aninag niya ang pagkislapan ng mala ginto nitong relo sa bisig at ang matingkad na itom nitong sapatos na tila bagong gamit lang.
May ngiti sa labi ang lakaki ng harapin sila. Namangha siya sa angkin nitong kagwapuhan. Kahit minsan sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakakakita ng ganito kagwapong lalaki.
Matangkad ang lalaki na sa tantya niya ay anim na pulgada o sobra sa anim na pulgada ang tangkad nito. Malinis ang pagkaka-ayos ng buhok nito. Sakto ang laki ng mukha at perpekto ang hugis ng bagang na pinaresan ng kompleto at mapuputing mga ngipin. Ang kulay ng mga mata nito at mistulang kulay ng asul na dagat na pinaresan ng makakapal na kilay.
➖‘Perpekto.’➖ Naisatinig niya sa isip.
“Good morning, Mrs. Tores. Is she Nessy Ahj?” wika ng lalaki sa kaniyang ina sa magalang na tono.
“Siya na nga po iyan, Mr. Luster. Magandang umaga sa inyo.”
Sinipat ng tingin ng binata ang kabuuan niya na ikinailang niya.
“Well, you’re right she’s pretty. Iiwan mo na ba siya dito?”
“Oo, Mr. Luster. Kayo na po ang bahala sa kaniya.”
“Dom’t you have to worry about here. She’s safe here.” litanya nito bago siya binalingan ng isang ngiti.
Kahit na gaano kaganda ang pagkakangiti nito ay hindi niya magawang masiyahan o mapanatag. May kung ano sa kaniya ang nagsasabinv dilikado ang lakaking nasa harao niya.
“Hindi kayo magsisisi. Ipasusundo ko nalang kayo at the exact date of our wedding.”
Ngumiti ang kaniyang ina at nagpaalam ng umalis.
“Manang, pakihatid sa gate si Mrs. Tores.”
Hinawakan ng kaniyang ina ang kaniyang kamay at tiningnan siya sa mga mata. “Magpakabait ka, anak.”
Pinunasan niya ang luhang namalisbis mula sa mga mata niya. “Opo, nay....