What a Girl wants ππ₯°
π¬ CHAPTER SIXTEEN π¬
“CLARIBELLE, huwag kang bibitaw,” sabi ni Reymart at hinila siya paakyat.
Hindi agad makagalaw si Claribelle dahil nakatitig lang siya sa lalaki. Nandoon si Reymart. Kasama niya sa iisang stage. Naghiyawan ang mga tao. Nakakasilaw rin ang ilaw sa stage pero wala siyang maintindihan. Parang ang lalaki lang ang importante at ang music ng banda na isa sa paborito nilang i-duet ni Reymart lalo na kapag malayo sa isa’t isa at sa cellphone lang nag-uusap. Masyadong maraming alaala ang kantang iyon.
πΆπΆπΆπΆπΆπΆπΆπΆ
I should have just ran away
I should have looked the other way
Like you don’t matter to me
Like I don’t know you at all
But here you are, standing right in
front of me.
πΆπΆπΆπΆπΆπΆπΆπΆ
“Basang-basa ka na,” sabi ni Reymart at pinisil ang mga kamay niyang nanlalamig. Hinipan pa nito saglit bago naghubad ng jacket. “Ikaw na ang gumamit. Lamigin ka pa mandin. Baka mapulmonya ka.”
“Hindi naman kailangan na…”
“Isuot mo na,” utos ng binata at ito pa mismo ang nagsuot sa kanya.
“Anong isusuot mo? Lalamigin ka rin.”
Lumabas na naman ang dimples nito nang ngumisi. “Ako si Superman.”
“Super Dimples,” sabi niya at bahagyang ngumiti kahit nilalamig.
Nasa gilid sila ng stage pero kitang-kita pa rin ng lahat ang ginagawa ni Reymart sa kanya. (He is being a gentleman. Hindi ko naman siya mapipigilang alagaan ako. Gusto ko rin naman. Malamang ay pogi points iyon kay Reymart.)
Iyon nga lang, hindi naman siya ang ka-date nito. Kahit na masarap mangarap nang mga sandaling iyon, kailangan din niyang pumapak ng realidad.
“N-nasaan ang ka-date mo?” tanong ni Claribelle sa lalaki para may mapag-usapan sila habang inaayos nito ang manggas ng jacket sa kamay niya. Wala naman kasi siyang laban dito kaya walang choice kundi sumunod. Kinuha na ng lamig ang lakas niya. Oh, sadyang wala lang siyang lakas na tumutol pagdating kay Reymart.
“Naiwan siya sa crowd,” sabi nito. “Binitbit lang din ako dito. Mas safe kung doon na lang siya sa audience.”
“Basta na lang akong binuhat dito,” sabi ni Claribelle at lumingon sa direksyon ng mga manliligaw na masayang-masayang makita siya sa stage. Pakaway-kaway pa ang mga ito, walang idea na matinding dilemma ang pinagdadaanan niya.
Hinawakan ni Reymart ang kanyang balikat. “Hindi ka ba nasaktan? Wala bang nang-maniac sa iyo?” nag-aalalang tanong nito.
Naghahati ang saya at lungkot sa pusi ni Claribelle. Kasama niya si Reymart sa stage. Parang iyon ang unang pagkakataong nakita sila na magkasama sa harap ng mga tao. Hindi nga siya makapaniwala na nangyayari iyon. Nasa harap sila ng isa’t isa. Hindi siya nag-iilusyon lang at inaalagaan siya ni Reymart na parang siya lang ang babae sa buhay nito. Pero pinipigilan niya ang puso na umasa. Parte lang iyon ng concert. Reymart was just….. Being Reymart.
“Wow! We have Reymart Ferrer and Miss Pastillas. Agree ba kayo na sila ang pinakamaganda at pinakaguwapo sa crowd natin?” tanong ng nakamaskarang bokalista at sinenyasan silang pumunta sa gitna ng stage.
Naghiyawan ang crowd nang alalayan ni Reymart si Claribelle na maglakad sa gitna ng stage. Posibleng maging kontrobersiyal iyon lalo na’t nasa magkalabang show sila. At posible ring matuwa ang nanay niya kapag nalaman ang nangyayari.
(Inosente naman ako. Malay ko bang kaming dalawa ang ika-crowd surf at magkakasama sa isang stage. Sisihin niya ang That Thing Called Tadhana.)
Kahit naman siya ay sinisisi ang tadhana. Malakas kasing magpaasa.
“Gusto niyo bang marinig silang kumanta?” tanong uli ni Daredevil Phantom.
Positibo naman ang sagot ng audience at wala silang nagawa nang iumang ang mikropono sa pagitan nila ni Reymart. Hinawakan ni Claribelle ang microphone at hinawakan naman ni Reymart ang kamay niya. Bumuka ang kanyang bibig pero hindi magawang kumanta. Nakatitig na lang kasi siya sa binata. Ngumiti ito at sinimulang kantahin ang chorus.
“Without a word, you made me feel what is love….. πΆποΈ Without a word, you turned my world upside down..” πΆπΆποΈ
Tumango sa kanya si Reymart na ang ibig sabihin ay siya na ang kakanta.
“You said I am the one, you’ll never make me cry. ποΈπΆπΆπΆ Baby, but words are not enough.” πΆπΆπΆ
At hindi napigilan ni Claribelle na mapaluha. It was a sad song. At iyon ang kuwento ng pagmamahalan nila ni Reymart. Nagmamahalan nga sila pero hindi naman nila kayang pangatawanan. Nangako sila sa isa’t isa pero hindi nila kayang tuparin.
“Thank you, Reymart and Miss Pastillas,” sabi ng vocalist.
Pilit na bumitaw si Claribelle sa mikropono. “Thank you,” simpleng sabi niya at nagmamadaling umalis.
“Claribelle!” tawag ni Reymart na akmang susundan siya. Pero siguro alalayan man lang siyang bumaba ng entablado.
Umiling si Claribelle at nakita si Darling sa kabilang bahagi ng stage, naghihintay sa pagbaba ng lalaki. Umiling siya at tuloy-tuloy na bumaba ng stage kung saan naghihintay sa kanya ang PA na si Abegail.
Hindi na siya pwedeng sundan ni Reymart. Mas mabuti kung maghihiwalay na lang sila ngayon pa lang habang kaya pa niyang bitawan ang kamay nito. Habang kaya pa niyang lumayo. Dahil kapag sinundan pa siya ni Reymart at hinawakan pa uli ang kamay niya kahit para alalayan man lang, baka sumabog na lang ang kanyang puso at sabihin sa harap ng maraming tao na mahal pa rin niya ito. Mabubunyag din sa lahat ang sekretong itinatago nila. Masisira ang lahat ng pinaghirapan nito.
πΆπΆπΆπΆπΆπΆπΆπΆπΆ
What good is a love that makes you run in the rain.
What good is a love that brings you nothing but pain.
Cause for a heart that loves, there is a sad goodbye.
Without a word, you broke my heart.
Without a word, you’re gone.
πΆπΆπΆπΆπΆπΆπΆπΆπΆ
Tumalikod na lang si Claribelle bago pa makitang bumalik si Reymart kay Darling π₯Ίπ©π ang babaeng sa paningin ng lahat ay perpekto para kay Reymart. She stepped down the stage with a heavy heart.
“Masama ang pakiramdam ko,” sabi niya paglapit kay Abegail. “Umuwi na tayo.”
π¬π¬π¬π¬π¬π¬π¬π¬π¬π¬
NANGINGINIG pa rin sa lamig si Claribelle habang nakahiga sa hospital bed at pinapanood ang episode ng “You’re The One” sa telebisyon sa hospital suite niya. Napapaligiran ang kuwarto niya ng mga bulaklak mula sa network, fans at kanina lang ay nagdala rin ang mga manliligaw niya bago bumalik sa mansiyon. Gusto sana siyang bantayan ng mga ito pero kailangang magpatuloy ang inihandang activities at challenges sa programa.
Bago pa umalis ng concert venue, nanginginig na si Claribelle sa lamig dahil sa basang damit. Pagdating sa mansiyon ay nagbabad siya sa mainit na tubig sa bathtub. π Akala niya ay sapat na iyon pero kinaumagahan ay inaapoy na siya ng lagnat. Napilitan tuloy ang mga staff ng show na isugod siya sa ospital. Sabi ng doktor ay kailangan niya ng pahinga. Iba nga naman ang dalang stress kung lagi siyang tinututukan ng camera sa araw-araw pwera pa ang training off-cam at mga brainstorming.
“Girl, pinagpipiyestahan ng buong bansa...