NINAKAW NA SANDALI CHAPTER 6


“Nay Rosa..alin po ba ang magandang suotin?”Si Bella na agad ipinakita ang dalawang dress na nahalungkat niya sa kanyang maliit na kabinet
“KAhit naman ano ay Bagay sayo Bella..Kaya Huwag ka nang mamili sa dalawa.”anang si Nay Rosa sa kanya
“Siguro po ay ito na lamang ang susuotin ko mamaya.”pili ni Bella sa isang kulay maroon na dress,simple man tingnan iyon ay mukhang babagay naman iyon sa kutis niya
Maputi naman siya at Hindi maitatagong walang bakat na anumang piklat sa buong katawan niya Maliban lamang sa pilat niya sa kanyang kaliwang pisngi.
Hindi niya nga alam kung saan niya nakuha ang pilat niyang ito dahil Wala siyang maalala sa Bagay na ito.
“Bella!!!”
Napahinto ang pagiging tulala niya sa kawalan nang marinig ang boses ni Chacha. Agad na niyang nilagay sa paper bag ang dress na susuotin niya.
“Nay Rosa..aalis na po ako.”paalam niya sa kanyang Lola
“Oh cia nawa ay manalo ka sa patimpalak.”
“Talaga po ba na Hindi niyo ho ako panonoorin sa pagkanta.”
“Gustohin ko man ngunit alam mo naman katandaan na ako at mahina na rin ang aking tuhod. Ipagdadasal na lamang kita anak.”
“SI Nay Rosa talaga..Basta po mag-iingat kayo rito.”
“Bella! Halika na!”muling sigaw ni Chacha rito Kaya naisip na niyang...


iwan dito ang kanyang Nanay Rosa
Nilapitan na niya ang kaibigang si Chacha at sabay na nga nilang tinatahak ang daan patungong Munisipyo.
Pangalawang beses na muling nasilayan ni Jiro ang Lugar ng San Juan. Ang pagkaalala niya ay ang unang Punta niya rito ay ang noong nagsimba sila ng fiancee niya na si Shanaira sa simbahan ng SAN JUAN. Kita niya ang pagiging palakapwa ng iniibig sa mga taong tagarito lalo na nang pakyawin niyon ang tinda ng isang paslit na sampaguita. Tandang-tanda niya iyon Kaya mas lalo siyang napahanga sa babaeng iniibig.
DAHIL sa ala-alang iyon ay naisip niyang Dumaan Muna sa simbahan. Iniliko niya ang kanyang sasakyan ngunit Ganon na lamang siya nabigla ng May taong lumitaw sa dinaraanan niya. Buti na lamang at Maagap niyang naipreno ang kanyang sasakyan.
DAHIL sa pagmamadali Nina Bella at Chacha ay talagang tinatakbo na nila ang daan para makarating sa Munisipyo. At dahil si Bella ang nauuna sa Pagtakbo sa kaibigan ay hindi niya inaasahan ang isang sasakyan na liliko sa gawi nila.
Para siyang naistatwa ng mga oras na iyon. Pero buti na lamang at Maagap na nahinto ng driver ang Kotse.
“Miss magpapakamatay ka ba?”
Saka lang napansin ni Bella ang paglabas ng driver sa Kotse…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top