The Lost City Of Atlantis


By: Ken Anderson
[Read Carefully]
***********************
“Any minute now babagsak na ang sinasakyan nating Eroplano, Hindi na nito kinakaya ang malalakas na kulog at kidlat, ipagdasal nalamang natin ang ating kaligtasan,” sabi ng isang pasahero habang hawak-hawak ang kaniyang rosaryo.
Kinakabahan ako ng sobra, kulog, ulan at kidlat ang nasa paligid namin. Anong mangyayari sa’min? Akala ko ba simpleng pagtravel lang ang gagawin namin pero ba’t ganito.
Habang nag-iisip ng kung ano-ano bigla nalamang kumidlat at tinamaan nito ang kabilang pak-pak ng eroplano.
“BABAGSAK NA TAYO KUMAPIT KAYO!!!” Sigaw nila at tuluyan na ngang bumagsak ang sinasakyan namin. Napapikit nalamang ako dahil sa kaba, hindi ko namalayang napaluha na pala ako dahil ito na marahil ang katapusan namin.
Nakarinig ako ng malakas na pagsabog at kasunod nito’y bigla nalamang akong nawalan ng malay.
***************
Nagising ako na masakit ang katawan. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
“Where am I?” tanong ko sa sarili nang makita ang buong plligid. Nasa loob ako ng isang kwarto na gawa sa salamin at nakikita ko rito ang labas nito at hindi ako makapaniwala.
Mga nagliliparang kotche, may mga taong nakasuot ng mga kung ano-anong high tech. na mga kagamitan. Jetpack, motor na gawa sa robot at kung ano-ano pa.
Gulat na Gulat rin ako dahil ‘yong buong lugar ay napapalibutan ng dagat at sobrang lalim nito ngunit bakit hindi manlang malunod ang lugar na ito.
“Gising kana pala,” bungad ng isang matandang lalaking kapapasok lamang.
“N-Nasaan ako?” nginig kong tanong. Nginitian niya naman ako at saka sinagot…
“Nasa isang siyudad ka,”
“P-Pero ‘di ba bumagsak ang eroplano namin dapat patay na ako pero bakit parang napunta ako sa future?” takang tanong ko.
“Iha hindi ito future.” Natatawang ani ng Matanda. “Nandito ko sa Siyudad ng Atlantis. Mabuti at nakita ko ang eroplanong pabagsak na kayat agad ko itong pinuntahan at nakita kita kaya’t iniligtas kita.”
Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. “What the— you mean the lost City of Atlantis? Kung saan mas advance ang teknolohiya nila eh parang agartha narin?” takang tanong ko.
“Tama ka iha, pero pasensya na, hindi kana makakabalik pa sa lugar mo, dito kana maninirahan habang buhay dahil maski ang teknolohiya rito’y walang laban sa sama ng panahon na namumuo sa itaas nitong dagat dahil nasa Gitna tayo ng Bermuda Triangle.”
“PO!!!? Hindi na ako makakabalik?” Sigaw ko.
“Oo iha… Matagal na rin ako sa lugar na’to. It’s been years or decades since the day I arrived...


in this Lost City, it was Febuary 22, 1978.”
“Febuary 22, 1978? Ibig sabihin patay na dapat kayo ngayon?” Nginitian niya lamang ako.
“Ganito na ako iha, kapag napadpad ka sa lugar na ito’y hindi ka magkaka-edad, kung pa’no ka napunta rito ganon parin ang itsura mo kahit dumaan ang napakaraming taon dahil may nakapalibot na teknolohiya sa loob ng siyudad na ito na pinapanatili ang iyong edad.” mahabang salay-say niya.
“Ano po pala ang pangalan niyo?”
“Lieutenant Paul Smyth at your service,” sabi niya saka nagsalute.
“L-Lieutenant Paul Smyth? You mean one of the Lieutenant on board the Fighting Tiger 524 (Aircraft), Yung nawala nalang bigla noong Feb. 22, 1978?” Tumango naman siya sa tanongi ko.
“Woah I didn’t expect na makikilala ko pa kayo, nabasa ko lang po kasi sa isang Article na nawala ang sinasakyan niyong Aircraft at kasama kayo do’n, ang hilig ko po kasi sa mga Mysteries, lalong-lalo na ang tungkol sa Bermuda triangle at lost city of Alantis—” busy ako sa pagkwe-kwento ng biglang pumasok ang isang guwapong lalaki.
“Lieutenant Paul pinapatawag kayo” rinig kong sabi niya. “And by the way sir who’s that young lady?” tanong niya at tiningnan ako.
“She’s–? Ano nga pangalan mo iha?”
“Venice po”
“Ilang taon kana nga ulit?”
“23 years old palang ho.” Nginitian niya naman ‘yong lalaking kasama niya.
“Bakit?”
“Meet Lieutenant Richard Leonard One of our Lieutenant during that days” pagpapakilala niya kay Richard. Lumapit naman ito sa’kin at inilahad ang kanyang kamay, akala ko makikipag shake hands siya pero ‘yon pala hahalikan niya ang kamay ko. Agad akong namula sa ginawa niya.
“Cute,” rinig kong bulong niya.
“Ha?”
“Wala, Let’s go Lieutenant Paul,” baling niya sa matanda.
“Maiwan ka muna namin iha.” Nginitian ko nalamang siya at saka tumango.
Simula no’ng araw na ‘yon nagbago ang buhay ko. Dumaan ang maraming taon ngunit ang itsura ko’y gano’n parin.
Naging Asawa ko si Lieutenant Richard at nagkaroon kami ng mga anak. Kapag nagka-anak ka raw dito’y hanggang 25 years lang ang pagtanda ng mga anak niyo at d’on na titigil ang pagtanda nila.
Masaya ako’t natagpuan ko ang lost City of Atlantis ngunit malungkot rin ako dahil naiwan ko ang pamilya ko ng wala manlang paalam.
Pero gano’n talaga kailangang tanggapin ang mapait na tadhana, pero may maganda namang naidulot ang lugar na ito sa’kin. Natagpuan ko ang taong mamahalin ko at ‘yon ay si Lieutenant Richard.
“I found the Lost City Of Atlantis and at the same time my Husband who’s lost a long time ago”
-End-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top