THE AMERICAN AND THE SIRENA OF AMBURAYAN


THE AMERICAN AND THE SIRENA OF AMBURAYAN:
Ang kuwentong ito ay tungkol sa sirena na naninirahan sa ilog Amburayan sa Tagudin, sa panahon ng pagtatayo ng tulay na naganap sa panahon ng pananakop ng Amerika.
Ang punong inhinyero ng arkitektura ay isang Amerikano na gumawa ng kanyang tahanan malapit sa ilog.
Kung kaya’t ang sirena na hindi pa nakakita ng isang lalaki na may kulay olandes(blonde) na buhok, langit asul na mga mata at balat na naging ginto kapag nasisinagan ng araw, ay nahumaling sa binata.
Tuwing gabi, pumupwesto ang sirena sa ilalim ng bintana ng kwarto ng binatang amerikano at nag aalay ng mga awitin para sana anyayahan siyang makilala nito at puntahan siya sa tabi ng tubig ng kalahating natapos na tulay.
Makalipas ang isang linggo, nakaramdam ng insulto ang sirena sapagkat hindi dumating ni anino ng Amerikano sa ilog at nagtaka ito kung bakit hindi nito naramdaman ang kanyang presensya.
Ang hindi niya alam, sensitibo pala ang Amerikano sa mga mabahong amoy kagaya niya na parang bulok na isda galing sakanyang makaliskis na balat na kumalat sa bahay ng Amerikano na dahilan upang sumakit ang tiyan nito at nawawalan ng malay.
Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi nararamdan ng Amerikano ang presensya nito dahil nahihimatay sa sakit ng tiyan dahil sa mabahong amoy.
Isang gabi pursigido na ang binatang Amerikano na malaman kung saan nanggaling ang mabahong amoy na dahilan ng kanyang pagkahimatay.
Naisipan nitong sumuot ng bandana sa ilong...


at inihanda ang kanyang riple.
Sa gabi ding iyon, pursigido din ang sirena na mapasakanya na ang Amerikano dahil gustong gusto niya itong maging asawa kaya nagbalat kayo siyang bilang tao at kumatok sa pintuan ng bahay ng Amerikano.
Pagbukas nito, nagtaka ang Amerikano nang makita ang isang napakagandang dalaga na may kaakit akit na pananamit at may hanggang siko na haba ng buhok sa labas na nakatayo sa kanyang pintuan.
Tinitigan ng sirena ang binatang noon paman ay kanyang kinahuhumalingan na nakatulala paring nakatitig sa kanya dahil sa pagtataka. Tumingkayad ang sirena papalapit upang makahalik sa labi ng Amerikano.
Habang ang Amerikano, napagtanto niyang wala namang masama sa pagtanggap ng isang halik mula sa kakaibang dalaga at napagdesisyunang tanggalin ang kanyang bandana upang matugunan ang kanyang sabik sa mapupulang labi ng sirena.
Walang isang segundo nang mapagtanto ng Amerikano na ang pinagmulan ng mabahong amoy na dahilan ng pagkahimatay niya ay galing sa dalaga kaya nang makita ng sirena ang sindak sa mata ng Amerikano, ay dali dali niya itong hinawakan sa binti at sinubukang hilahin sa tubig.
Sa gitna ng kanilang pag-aagawan, kinalabit ng Amerikano ang gatilyo ng kanyang riple at biglang nawala na parang bula ang sirena bago paman matamaan ng pilak na bala ang kanyang makaliskis ng katawan.
Natakot ang Amerikano sa karanasang ito, kaya huminto ito sa kanyang posisyon bilang punong inhinyero sa arkitektura sa pinapatayong tulay, kinuha ang unang barko pabalik sa Estados Unidos at hindi na bumalik pa sa Pilipinas kailanman






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top