PUSONG SINUNGALING PART 2 KABANATA 10


Sa Panulat ni Rocel P. Cheche
-(Ang Pagkamatay ni Edward).
Isang malakas na sigaw ang narinig ng lahat…
“Dad-d-d-d-d-d…” sigaw ni Rollyson ng madatnan niya sa CR ang Amang wala ng buhay…
Pagdating doon ni Rollyson ay tila nagkakagulo ang mga taong naroon malapit sa CR, narinig daw nila na may bumagsak, wala silang magawa dahil naka-lock ang pinto nito.
Dahil sa labis na pagkahilo ay tumama ang ulo ni Edward sa pader, nabagok ang ulo nito, bumagsak ito sa sahig, duguan ito, nakasara pa ang pintuan ng CR ng pilit buksan ni Rollyson, malakas na sipa at sinira niya ng todo ang pinto, yan ang ginawa ni Rollyson para lang mabuksan ang pinto.
Agad na kumaripas ng takbo si Rea at pumunta siya kung saan naroon ang mag-amang Rollyson at Edward, Agad naman sumunod si Rolly kay Rea.
” Ma, si Daddy…hindi na siya humihinga.” sambit ni Rollyson na tumutulo ang masaganang luha.
” Anak, dalhin natin siya sa hospital, alam ko mabubuhay siya, mareresolba pa natin si Daddy mo, hindi siya maaring mawala, marami pa kaming plano at pangarap na kailangan naming matupad.” Nanginginig at lumuluhang si Rea na hindi makapaniwala sa nangyayari.
” Halika na Rollyson, tutulungan kita na buhatin si Sir Edward, dalhin na natin siya sa Hospital .” wika ni Rolly na tinulungan si Rollyson sa pagbuhat kay Edward.
Nang sila ay nasa Hospital, iba iba ang pumapasok sa isipan ni Rea, litong lito siya.
” Hindi ka pwede mamatay Edward, Paano na ko? Paano na ang anak natin na si Rollyson? huwag mo akong iwan Edward…” wika ng umiiyak at naguguluhang si Rea, hanggang sa siya ay natulala na…
Nalimutan ni Rea na naroon si Rolly sa tabi niya handang dumamay at umalalay sa kanya.
Mabilis na ipinasok si Edward sa Emergency Room pero tulala parin si Rea habang si Rollyson ay palakad lakad at tense na tense.
Si Rolly naman ay nakamasid lang sa natulalang si Rea.
Maya maya ay niyakap ni Rolly si Rea.
” Rea, kaya mo yan, magpakatatag ka.” wika ni Rolly.
Napansin ni Rollyson ang tila higpit ng pagkakayakap ni Rolly sa kanyang Inang si Rea, parang may kakaiba pero hindi na lang siya kumibo baka nga kasi nakikisama at nakikiramay lang sa problema ng kanyang Mommy itong si Rolly.
Mabilis na lumabas ang Doctor mula sa ER.
” Pasensiya na po, ginawa na po namin ang lahat ng paraan, lahat ng makakaya namin pero hanggang diyan lang po talaga siya.” wika ng Doctor.
” Hindi ka Diyos para tuldukan ang buhay ng Daddy ko.” Galit na galit na wika ni Rollyson.
” Rollyson, tama na yan, wag mong pagalitan at awayin ang Doctor.” wika ni Rolly…
Nang mga sandaling yun tumigil ang mundo, tumigil at bumagsak ang mga pangarap ni Rea… Bakit kailangang iwanan siya ng taong nagbigay sa kanya ng pag-asa, nagturo sa kanya kung gaano kalawak ang mundo at kung paano lumaban sa buhay…
Nalimutan nanaman ni Rea na nariyan si Rolly handang dumamay at umalalay sa kanya…
Sa burol ni Edward, maraming pumunta na may matataas na katungkulan at tanyag ang mga pangalan sa larangan ng iba’t ibang Negosyo.
Sa karamihan ng taong naroon at sa kaabalahan ni...


Rea ay biglang dumating si Rosana, langong lango sa alak at ito’y biglang nang-gulo…
Pumunta siya sa unahan kung saan nakalagak ang mga labi ni Edward at doon siya’y nagsalita ng masasakit tungkol kay Rea, Inagaw niya ang microphone na hawak ng isang lalaki na noo’y nagtetestimony sa kabutihan ng pagkatao ni Edward.
” Pahiram nga muna, ako naman ang magsasalita sa harapan ninyong lahat, alam nyo ba na ang babaeng pinakasalan ni Edward ay ang babaeng manggagamit, hinuthutan niya ng sobra sobra ang taong dinadakila nyo ngayon.” mga salitang narinig ng lahat…
Agad lumapit si Rolly at inaawat niya si Rosana.
” Tumigil ka na please! Rosana, wag kang gumawa ng eskandalo rito.” pakiusap ni Rolly.
” Aba at nakikialam ka na ngayon Rolly, masyado ka naman yatang pumapapel ng husto, Bakit ka narito?.” Ngingisi ngisi at nakataas na kilay ni Rosana habang nagtatanong kay Rolly.
” Andito ko bilang kaibigan ni Rea, handa akong dumamay at umalalay kay Rea.” wika naman ni Rolly.
” Kaibigan lang ba talaga? maniwala ako sa iyo, siguro naakit ka na naman ng babaeng yan kaya ka narito…” wika ni Rosana.
” Rosana please tumigil ka na, hindi mo ba nakikita na maraming tao, nakakahiya ang ginagawa mo.” Pakiusap uli ni Rolly.
” Wala akong pakialam sa kanila, maganda nga yun para malaman ng lahat kung gaano kalandi ang babaeng si Rea..” ayaw paawat na si Rosana sa pagsasalita.
” Alam nyo ba itong si Rolly, siya lang naman ang lalaki ni Rea, buhay pa noon si Edward nagkikita na si Rolly at Rea dahil may relasyon silang dalawa.” patuloy na wika ni Rosana.
Nang mga sandaling iyon hindi na nakatiis si Rollyson at siya naman ang humarap kay Rosana habang si Rolly ay hindi na umalis sa tabi ni Rosana para patuloy parin niya itong awatin…
” Sino ka ba talaga? Anong alam mo sa buhay ng Mommy at Daddy ko? Maari bang umalis ka na, kung wala kang magandang sasabihin at manggugulo ka lang dito, pakiusap umalis kana.” wika ng galit na galit na si Rollyson.
” Aba, ang Rolly junior nakikisangkot na rin, kumpleto na talaga sila, bravo!!! happy family.” Pang- iinis ni Rosana na pumapalapalakpak pa habang nagsasalita.
Maya maya ay tumawag na sa Police station ang isa sa mga staff na inutusan ni Rollyson hanggang dumating na ang mga police hinuli at kalakaladkad palabas si Rosana.
” Bitawan nyo ko, wala akong kasalanan, Rolly halika samahan mo ako, umuwi na tayo.” Pahabol na wika ni Rosana habang papalabas na ito.
Bagamat abala si Rea ay hindi niya alam kung anong pinag- gagagawa niya, wala parin siya sa sarili niya, patuloy siyang kinocomport ni Rolly para maibsan ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ni Edward…
Hanggang nilapitan ni Rollyson si Rolly.
” Sir. Rolly, ok lang ba na mag-usap tayo.” Pakiusap ni Rollyson kay Rolly.
” Ok lang, sige tungkol saan? anong pag-uusapan natin?.” pabalik na tanong ni Rolly.
Iniwan muna nila Rolly at Rollyson ang tulalang si Rea para magkausap sila.
” Sir. Rolly, anong alam mo sa buhay ng Daddy at Mommy ko? Meron ba akong dapat malaman?.” Curious and serious na tanong ni Rollyson kay Rolly.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top