“Hi guys!”
” Wahh!! Bakit magkasama kayong dalawa? sa kwarto nino yan?
” Tinotoo nyo na ba talaga huh? ” tanong ni Mia na partner ni George. Ngingiti ngiti lang ang binata.. Nasa gig bar sila kasama ng tatlo pang pares habang ka Video call ang dalawa.
” Pakakasalan ko na nga e..” nasa tabi ni Nice si Ace habang nakaupo sila sa kama. Ito ang may hawak ng cp.
Whoah!! Nice!! E di Kayo na!! Kasal agad- agad?”
Napapout lang ang dalaga. Inakbayan pa sya ni Ace sabay halik sa noo nya.. Kaya ang mga babaeng kaharap sa monitor, panay tuksuhan na
“So makaka attend ba kayo?” tanong ng binatang nakangiti.. habang pasulyap sulyap sa dalaga.
“Halluh! Seryoso talaga? Hoy Nice nagsasabi ba yan ng totoo?”
Biglang pumasok ang mama ni Ace.. At nakisilip ito sa ingay ng nasa monitor ng cp.
” Hello po,”
“Hello sa inyo!! Kumusta?”
“Ok lang po tita.. Ganda nyo po, may pinagmanahan pala talaga si Ace..” saad ng isang kasama nila
“halluh? Nasa bahay talaga sila nina Ace.. Tita tita? Totoo bang magpapakasal na sila? ”
“Oo.. Pero wala pa namang fix date, pinaplano pa lang. ”
“OMG!! Grabe tong dalawang to, kaya pala super sweet kayo ah, may something na pala talaga. Ayiee..”
Ace ha wag mong sasaktan yang si Nice bugbog aabutin mo samin. ”
“Hhhh! Ako nga ang bugbog sarado dito e” sabay kamot ng batok nya
Pinandilatan sya ng dalaga. Napakindat lang sya dito
“ayy..Ang cute nyong dalawa , kakainggit lang.. ” puna ni Mia sabay hilig sa balikat ni George
“Gusto mo, bugbugin din kita”
“Bat ako bubugbugin mo gago ka!”
HAHAHAHA
Pati mga babae sa kabilang monitor nadadale sa tawa ni Ace.. Nakaka in love talaga itong tumawa.
“Sige guys! Next time uli, enjoy! Pagpapahingahin ko na tong Mrs. to be ko.”
NapaPout uli si Nice at napasulyap sa humahagikhik na binata. Pero ang totoo kinikilig na sya.
” answeet! ok.. Bye bright smile couple! Congrats again kung malapit lang sana kayo e di sin sana kasama kayo dito. Dudumugin talaga kayo ng fans nyo pag nalamang ikakasal na kayo. !..
k take care guys! Bye po tita! “Halos sabay sabay na sigaw ng mga ito.
” Next week bonding tayo! “Pahabol ni Ace.
_____
” Ma, pwede ba akong matulog dito?”
“Umayos ka nak,
” Heheh! ” Napatingin ito sa kanya.” Kiss na lang ako” at mabilis itong nagsmack sa pisngi nya.
” hmm.. Bango! ” Katatapos lang kasi nilang nag shower. Nagulat na lang si Nice at sinamaan sya ng tingin. Parang bumabalik sa pagiging bata si Ace pag magkasama sila ng dalaga.
“Una na ako sa labas, ok ka na ba dito ija, kung may kailangan ka wag kang mahihiya, sabihan mo lang si Ace.”
“Sabay na ko ma, ipagtitimpla ko pa ng gatas ang prinsesa ko”
“Nakakarami na talaga to e.”
“HAHAHAHA.. ” nakaka inlove na tawa ni Ace.
, iiling iling naman ang mama ng binata na nakangiti. “Good night iha..”.
“Good night po tita..at thank you po uli sa kabaitan nyo at pagtanggap sa akin ” tumayo sya at yumakap dito. Nakangiti ang binata ng sulyapan nya na nasa unahan nila.
“Ah ma, bukas pala pupunta kami sa ob nya.”
” Gusto ko mang sumama kaso may pupuntahan akong importante. Next time ija”
Pagkalabas, nag usap sandali sa sala ang mag ina…..
____
Magkatext sina Nice at ang tatay nya nang bumungad si Ace sa pinto.
Ibinigay nito ang baso ng gatas sa kanya.
Sumandal sya sa headrest ng kama matapos uminom.. Tumabi uli ang binata at tumitig sa kanya.
Mayat maya, napangiti ito at yumukong iiling iling. Tsaka ito muling tumungo sa kanya
“Bakit?”
“Hindi pa rin kasi mag sink in sa akin na andito ka na sa bahay.”
“..uhm.. Ako nga rin”
“Pero sobra akong na touch sa pagkatao mo na unti unti kong nakikilala. At salamat! Pinanindigan mo talaga ako. Pero kung alam mo lang halos di na ako huminga kanina sa hapag, nang makaharap ko uli ang papa mo tsaka mga kapatid mo.”
” Iniisip nila siguro paanong naging girlfriend mo ang katulong ninA Khate.”
” hahahaha.. ”
” Pinagtawanan pa talaga ako.” paismid nyang turan dito.
” hehehe..pero pagpasensyahan mo na ang mga kapatid ko ha, mabait naman yong mga yon medyo tahimik lang at strikto, lalo na pag di pa nila close. At si Papa , just never mind him na muna. Ganon lang talaga yon masyado ring seryoso. Alam mo na,
dahil sa politika pati dito nadadala nya.
Kaya nga masaya na ako na nasa unit ako. Pero every weekend umuuwi talaga ako dito.”
” Ace?, pano na si Khate? ”
” payakap nga.. Di talaga ako mauubusan ng tawa sayo e..
Ahm si Khate.. Kakausapin ko sya bukas, at plano na rin pala ni mama na kausapin sya.
Pero uunahin muna natin ang check up mo, ok.”
Sandaling katahimikan ang dumaan at inaamin ni Nice naiilang pa rin sya kapag napapag solo sila ng binata lalo na pag nasa kwarto. At kung makatitig din kasi ito..”I think I’m gonna melt …
And time’s so fast, it’s been almost 3 months now since that night when we first met and have shared that thing that brought us here together.
” Ace? Mahal mo ba talaga ako?”
” Soobra! ” walang patumangging sagot nito.
” Heheh.. Pati ba naman yan di pa rin nag...