KISS IN THE RAIN CHAPTER 1


KISS IN THE RAIN
AUTHOR: ME
GENRE: RONDOM
CHAPTER 1
Pare ba’t ganyan itsura mo ? Mukha kang basang sisiw ! ” Bungad agad sa ‘ kin ng kaibigan kong si Phil pagpasok ko pa lang ng kwarto niya , kasunod ng isang malakas na tawa . ” Oo nga , pare . Mukha kang ewan ! ” Gatong pa ni Mico , isa ko pang kaibigan at sumabay pa kay Phil sa pagtawa . Pero totoo naman yung sinabi nila , para kasi akong naligo sa ulan . Wala kasi akong dalang payong , tapos ‘ yung jacket ko , pinagamit ko doon sa babaeng nakita ko kanina . Sa babaeng ‘ di ko naman kilala pero bigla akong hinalikan , tapos bigla naman akong tinakbuhan . Sa totoo lang , ang weird niya...


. Pero mas weird ata ako kasi sa tingin ko , na – love at first sight , first touch , at first kiss ako
“Alam n’yo ‘di kayo maniniwala sa nangyari sa ‘ kin kanina bago ako makarating dito,” Kwento ko sa kanila habang nakaupo ako sa kama ni Phil at tinatanggal ang sintas ng sapatos ko sa kaliwang paa. Nabasa kasi ng ulan , pati medyas ko nga nabasa nang konti . “Ano naman ‘yan? Baka kwentong barbero ‘yan,” Pang-aasar ni Phil, habang nakaupo sa tapat ng computer niya. “Pare, baka habang papunta si Jared dito, napagtanto niyang beki siya at isa sa ‘tin ang type niya,” Isa pa ‘tong si Mico puro kalokohan ang laman ng utak. Ang lakas mang-asar niyan, pero kapag siya ang inasar, mabilis mapikon.
NEXT OR DELETE?





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top