NIGHTMARE TALES (SEASON 2)


NIGHTMARE TALES (SEASON 2)
“Influencer”
๐Ÿ–Š๏ธR.V Nightmare
Magandang gabi sa inyong lahat ako si Pau at nandito ako para ilahad ang aking kuwento.
Kinahuhumalingan ako sa isang social media app dahil sa taglay kong alindog,kinis at ganda.
Bata pa lamang ako ay hilig ko na ang pa-aayos sa sarili at naging madalas ang pagsali ko sa mga pageant.
Isang taon na ako sa social media app na ito at nagkaroon na rin ako ng mga endorsement pinaka-una ay ang mga produktong sabon sumunod ang mga inumin pampaganda.
Kadalasan ay mga lalake ang nahuhumaling sa akin dahil sa balingkinitan kong katawan kaya tampulan ako ng selos ng kanilang karelasyon o mga asawa.
Ultimo lamok ay hindi maka-dapo sa kutis porselana kong balat. Kahit isang peklat ay wala kaya ang bansag nila sa akin ay “Miss Perfect”.
Sobrang obsessed ko sa aking ganda dahil ito ang puhunan ko at ito na rin ang pinagkukuhan namin ng panggastos sa araw araw. Isang tigyawat lang ay agad na akong napapatakbo sa derma.
Subalit dumating ang isang araw na tila gumuho ang lahat.
Nagkaroon ng isang issue sa akin at sinasabi rito na kalaguyo raw ako ng aming mayor.
Inulan ako ng sandamakmak na masasamang komento maski trabaho ko ay nadamay. Bumaba ang followers ko at engagements. At dahil dito ay napabayaan ko ang sarili ko na humantong sa stressed at depression.
Tumaas ang timbang ko at ang makinis na balat noon ay naglaho. Mga tigyawat ay nagtagumpay sa pagsakop ng aking mukha.
Mas pinili kong manahimik sa maikling panahon upang mapahinga at maghilom. Matapos ang ilang buwan ay bumalik ako para gumawa ng live video ng isang produkto.
Isang rejuvenating set. Kahit sobrang pinanghihinaan ng loob ay itinuloy ko dahil salapi ang kapalit nito.
Maraming natuwa sa pagbabalik ko pakirandam ko ay gumaan na ang sitwasyon.
Pinapaliwanag ko ang mga mabuting dala ng produktong hawak ko bago gamitin sa balat ko. Kumuha ako ng isang pirasong bulak at nilagyan ito ng toner.
“Dahan dahan lang dapat ang pagpahid para hindi magkaroon ng irritation ang ating balat,”
Habang abala sa paggawa ng tutorial ay nagsimula na akong makabasa ng mga masasamang komento.
“Bakit siya pa? Eh kabit ng Mayor ‘yan eh!”
“Wala na bang mapiling iba? Wala na yung ganda niya sira na haggard na! Laspag na ni Mayor!”
“Teh hindi ako naniniwalang yan ang skincare mo mas maniniwala pa akong semento ang gamit mo sa kapal ng mukha mo!”
Hindi ko na lang ito minasama at nagbigay pasaring nalang sa kanila.
“Ang dami talagang chismosa sa pilipinas no nakaka-stressed pero don’t worry dahil pagginamit mo ito ay pak! Haggardless hindi halatang pagod bes!”
Naka-ngiti kahit...


nasasaktan. ‘yan ang pinapakita ko sa manonood ko. Malapit na rin naman ako matapos kaunting tiis nalang.
“Gaga! Hindi chismis ‘to! Gawa-gawa lang ba yung may s*x video? Patunay na makati ka! Bobita!”
“Pm lang po sa mga gustong magpa-send!”
“Plastik na nga ang ganda pati pagkatao plastik din!
Ngunit sa puntong ito ay hindi ko na napiligan pa ang sarili ko, tila bulkan na nagbabadyang sumabog.
“O-oo nanatili ako sa pananahimik tungkol sa issue na ‘yan! Pero hindi ibig sabihin n’on na totoo ang mga pinaparatang sa akin, wala kaming relasyon ni Mayor at mas lalong wala kaming s*x video! Malinis ang kunsensya ko hindi ko kayang sumira ng isang pamilya dahil alam ko ang pakirandam ng hindi buo ang pamilya, please tama na hindi ko na kaya! p*ta*g *na tigilan niyo na ako!”
Nang dahil doon ay mas lalo na akong inulan ng masasamang komento at ilan sa mga fans ko ay nakigaya na rin.
“Titigil lang kami pagpatay ka nang babae ka panira ng pamilya!”
“Kamatayan mo lang ang magpapahinto sa amin!”
Hindi matigil na bulong. Tulala at luhaan sa harap ng camera habang binabasa ang sunod-sunod na komento.
Tanging kamatayan nalang ang naiisip kong paraan upang matapos ang lahat.
Matalas na tingin sa isang matalim na gunting. Sariling hindi mapigilan dahil sa hirap na nararandaman.
Nakatutok ang dalawang mata ko sa camera habang hawak ang gunting. Mga tingin na tila nagsasabing paalam sa lahat ng sakit.
“Miss Perfect h’wag!”
“This is the last time na makikita niyo ako, kung ito lang ang kasagutan na gusto niyo pagbibigyan ko kayo,”
Walang alinlangan kong itinarak ang talim ng gunting sa aking pisngi na nagdulot ng malaking butas na pinagmumulan ng dugo.
Ang dapat na video tutorial sa isang produkto ay humanto sa pagpapahirap sa sarili.
Sakit ay hindi alintana sa aking mukha. Masayang ekspresyon lang ang makikita.
Hindi ako kuntento sa isang sugat lang. Kinuha ko ang pusher na panglinis ng kuko at ginamit itong pangkutkot ng tigyawat.
Sunod ay tinusok ko ang aking mata gamit ang mahabang kuko. Hindi luha ang tumulo kung hindi dugo.
Hinawakan ko muli ang gunting at makailang beses na sinaksak ang mukha ko. Unti-unti pumuputla ang kulay ko dulot nang pagkaubos ng dugo.
Naliligo na ako sa sariling dugo maging ang tukador na kaharap ko. Hinablot ko ang bote ng toner at ininom ang laman nito upang malason.
Nararandaman ko na ang paghiwalay ng kaluluwa sa aking katawang lupa. Nanginginig ang buong katawan.
Bago bawian ng buhay ay natatanaw ko ang ina ko na tumatakbo papasok ng kuwarto para pigilan ako.
Ngunit huli na ang lahat handa na akong mamaalam sa mapanghusgang mundo.
-wakas-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top