Family Problem


Family Problem
“Puro ka gala”
“Sige ang lakwatsa mo”
“Malandi ka”
“Wala ka na ngang nagagawa dito sa bahay”
“Wala kang kwenta”
“Napaka tanga mo”
“Abnormal ka!”
“Wala kang silbi”
“Lampa!”
“Bobo”
“Walang mararating sa buhay!”
“Tamad ka! Puro ka barkada!”
Mga naririnig kong mga sinasabi nila pagpasok ko pa lang sa pinto ng bahay namin.
“Ma, pa tapos na ba kayo!”
Mahinang tanong ko sa kanila.
“Sumasagot ka pa talagang bata ka!”
“Sabihin nyo na lahat ng sasabihin nyo ma, pa. Ako na ang lakwatsera nyong anak. Malandi, tamad, walang kwenta, lampa, tanga, abnormal, walang silbi, bobo at walang mararating sa buhay. Oh ano pa pwede nyong idagdag”
Sabi ko sa kanila.
“Bakit mali ba ang sinabi namin? Tama naman diba! Ganun ka! Wala kang kwentang anak”
“EDI WALA NG KWENTA KUNG WALA!!”
Sigaw kong pagkalakas lakas sa kanila.
“Aba bastos ka ah! Wala kang utang na loob”
Sabi sa akin ng papa ko.
“Yun ba talaga tingin nyo sakin ma”
“Masama ba talaga akong anak sa inyo!”
“Ma ginawa ko lahat para maginv proud kayo. Ginawa ko lahat ng gusto nyo!”
Pagbubunganga ko sa kanilang dalawa.
“Lagi na lang si ate. Si ate ng si ate. Pa pano naman ako!? Anak nyo rin ako!”
“Napapabarkada ako ng dahil din sa inyo. Nagkakaganito ako dahil sa inyo!. Barkada na ang nagpapasaya sa akin ma. Mga kaibigan ko na ang gumawa ng mga...


dapat ay kayo yung gumagawa!”
“Ma anak nyo rin ako! Pero kahit kailan never nyo akong tinawag na anak. Never kong naramdaman na parte ako ng pamilyang to!”
Sinasabi ko sa kanila at naiiyak na.
“Bastos ka ah! Bakit di mo gayahin ang ate mo!”
Panunumbat na naman sa akin ng ate ko
“Lagi nyo na lang akong kinukumpara sa kanya”
Pabulong kong sabi sa aking sarili.
“NEVER AKONG MAGIGING SYA!”
Sigaw ko sa kanila.
“Hoy thea umayos ka. Kausap mo sila papa”
“MANAHIMIK KA!”
Sabi ko at sinampal ako ni papa.
Napahawak ako sa pisngi ko at humagulhol na ng iyak.
“Lagi ka na lang bumibida kaya ikaw ang nakikita nila! Masyadong epal ate!”
Sabi ko
“Ganyan ba ang natutunan mo sa mga barkada mo ah”
“WAG NYO SILANG IDAMAY PA. NAGING MASAYA AKO SA KANILA!!”
“Ganyan naman kayo lagi sa akin.”
Sabi ko sabay umalis na sa empyernong bahay na iyon.
Lumabas ako kahit umuulan. Ni hindi man lang nila ako hinabol. Maski sinarado pa nila ang pinto.
Anak ba talaga nila ako? Parang hindi. Sana lahat ay mayroong magulang na kayang ibigay sayo lahat. Kayang ipadama sayo na di ka nag iisa at laging nanjan para suportahan ka.
Sana ako din mayroong ganung magulang. Sana lahat na lang ng parents ganun. Sana di lahat ng parents masama.
Nakakapagod na… ayaw ko ma sa mundong napakaunfair ng lahat:(….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top