THAT NERDY GUY IS NOW MY BOSS KABANATA 2


PASADO alas otso y media natapos ang shift ni Micah sa restaurant. Gayundin ang kaibigan niyang si Wilton.
“Kain muna tayo Mics, tara,” yaya sa kaniya ng lalaki nung sandaling lumabas ito sa pintuan.
“Wilton,”
“Hmm? Bakit?” tanong ng lalaki matapos buksan ang pintuan ng kotse niya. “San mo gustong kumain?,” dagdag na ani nito, abala sa paglalagay ng kaniyang gamit sa kotse.
“Gusto ko nang umuwi,” Micah, at hinawakan ng mahigpit ang laylayan ng kaniyang bag.
Agad siyang nilingon ni Wilton.
“U-uhm ano, okay lang naman kung gusto mong kumain, di na lang ako sasama. Mag co-commute na lang ako,” nakangiting dagdag na sabi ng dalaga ,”Gusto ko lang talagang magpahinga,”
“Mics, ” ani ni Wilton saka siya nilapitan. “Are you mad at me? Dahil ba ito sa pagpilit ko sayo kanina na magsorry sa isang customer? Alam ko naman na ayaw mong pinipilit pero kasi Micsβ€””
“Wilton, ano ba haha. Hindi ako galet okay. Okay lang sakin ‘yun,” putol ni Micah sa sasabihin ng kaibigan.
“Pagod lang kasi talaga ako kaya, hindi muna kita masasamahan kumain ngayon hehe,” Micah.
Agad umiwas ng tingin ang babae nang titigan siya ng mabuti ni Wilton. Kita sa mata ng lalaki ang pag-alala sa babaeng kasama. Nanlaki bigla ang mata ni Micah sa gulat nang bigla siya nitong yakapin.
“W-wilton,”
“I’m just here, okay. Pwede mo kong kausapin Mics, makikinig ako,” litanya nito.
Napangiti ang dalaga dahil sa sinabi ng kaibigan. Niyakap din niya ito bilang pasasalamat.
Inihatid nga ni Wilton si Micah sa bahay nila. Ayaw pa sana siyang iwan ng lalaki dahil nag aalala ito pero pinilit niya itong umuwi na at magpahinga.
β€”
MICAH’S POV
“La, andito na po ako,” bati ko pagkapasok sa bahay. Naabutan ko si lola na nagtatahi sa may sala.
Agad siyang tumayo at nakangiting sinalubong ako ,”Kumain ka na ba? Kumusta ang trabaho mo, apo?,”
Hindi ko sinagot si lola sa halip niyakap ko siya at tinanong, ” La, masama po ba akong tao?,”
Kumalas si lola sa pagkakayakap ko at hinimas ang buhok ko, “May umaway na naman bang customer sayo kanina apo? Anong pangalan, susugurin natin,” biro niya kaya napatawa ako.
“La naman eh, seryoso ho ako,”
“Aba seryoso din ako! Walang dapat na umaway sa pinakamaganda kong apo,” ani niya tas pinisil pa ang pisnge ko. Aray naman.
“La, ano nga. Shini-shift nyo yung topic eh,” nakapout kong sabi
“Hahaha, syempre hindi. Mabait ka apo, sobrang bait,” lola
“Nagsisinungaling po kayo,”
“Abat–tinatanong mo ko tas nung sinagot ko ng totoo, sasabihin mo ko ng sinungaling,”
Napatawa ako dahil sa galit-galitang mode ni Lola Anita.
“E-eh kasi naman po lola, kung mabait po ako, bakit lahat ng tao galit sa’kin. Wala naman po akong ginagawa sa kanila, pero parang ang tingin nila sa’kin, masama,” sabi ko habang inaakay siyang umupo sa sofa.
“Alam ko naman po na naging masama ako noon, marami po akong napahiyang tao pero sapat na po ba yun na dahilan para saktan nila ako ng ganto,” dugtong ko pa
“Kinakarma po ba ako lola? Ganun na po ba ako kasama? Pero bakit sobra-sobra naman po yata. Tinanggap ko naman po ang pagkawala ng kompanya’t negosyo namin, kahit masakit, unti-unti ko na pong natatanggap yung aksidente naging dahilan kung bakit nawala sila mommy’t daddy. ‘Yung hinayaan ko po yung nagiisa kong kapatid na si Dinson na sumama sa America, kila Auntie para dun ipagpatuloy ang pag-aaral at pagpapagamot niya. Tiniis ko naman po yung pagod at hirap para mabuhay, pero bakit po parang kulang pa rin lahat? Ilang sakit pa po ba ang kelangang kong tiisin para...


mabayaran lahat ng ginawa kong kasalanan noon?,” umiiyak na sabi ko kay lola
“Apo, makinig ka sa’kin. Hindi natin maaaring sabihin na masama na ang isang tao dahil lang nakagawa siya ng kasalanan noon. Lahat nagbabago, Micah. Ikaw, ang isa sa patunay nun. Marami ka mang nagawang hindi maganda sa nakalipas na panahon, ang mahalaga nagbago ka. Pinili mong magbago, pinili mong maging tama. Pinili mong maging mabuti. Hindi na importante kung ano ka noon apo, ang mahalaga, kung sino ka ngayon bilang isang mabuting tao,”
“L-lola~~~” iyak ko sa kaniya saka siya mahigpit na niyakap.
Salamat.
β€”
Kinabukasan, maaga akong nagising para magluto ng almusal. Nagiwan lang ako ng note sa lamesa para sabihin kay lola na umalis na ako para pumunta saking trabaho.
“Good morning,” bati sakin ni Wilton nang magkasabay kami papasok sa restaurant.
“Good morning,” tugon ko nang nakangiti
Matapos ang batian, lahat kami naging abala na sa kaniya kaniyang trabaho. Gaya kahapon, marami-rami ang customers ngayon kaya lahat kami ay pagod at gusto nang umuwi at magpahinga.
Natapos ang shift ko ngayong araw, gaya ng palagi kong ginagawa, hinihintay ko si Wilton na matapos ang shift niya.
“Sorry natagalan,” siya matapos ang ilang minuto.
Ngumiti ako bilang tugon,
“San mo gustong kumain?,” tanong niya habang inaayos ang gamit at ipinasok sa kaniyang kotse.
Nang hindi ako sumagot lumingon siya. “Gusto mo na bang umuwi agad?”
Napangiti ako dahil sa tanong niya. Mababakas na kasi sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
“Hahaha, wag mo nga akong titigan nang ganiyan. Okay na ako Wilton, wag ka nang mag-alala. Ts, tara na nga, nagugutom na ako,” sabi ko saka sumakay sa kotse niya.
Habang kumakain kaming dalawa tinanong niya ako.
“Bakit ayaw mong sumunod sa Auntie mo sa States? Diba andun yung kapatid mo?”
Binaba ko ang tinidor na hawak at mapait na ngumiti. “Ayokong magpakita kila Auntie na ganito lang ako. Alam kong marami silang sasabihin sakin kesyo, bakit kami naghirap? Bakit hanggang ngayon, wala pa din akong stable na trabaho? Huhusgahan nila ako, tas gaya ng iba, ipapahiya din nila ako sa ibang tao, kilala ko sila Wilton, ayaw nila sa mahihirap, in short, ayaw nila sakin,”. Mahabang litanya ko.
“So kaya ka nagtitis sa restaurant, ganun ba? Gusto mong magipon?,”
“Hmm, ” tangong sabi ko.
“Tsaka, ilang araw na lang naman mag sisix months na ako sa restu, baka naman pwede na akong maging regular employee diba?”
Tumango siya bilang sagot, “then after six months, mapopromote ka na bilang manager ng restaurant, ” Wilton.
Natuwa kami pareho dahil sa isipin. Masyadong advance pero, wala namang masama kung mag-aasume ako diba?
Natapos kaming kumain ni Wilton. Sasakay na sana ako sa kotse nang magbeep yung cellphone ko
“Uy, wilt! Mauna ka nang umuwi, may pupuntahan lang ako,”
“Nang ganitong oras? Bakit? San ka ba pupunta?”
“Gustong makipagkita ni Sir Ruise , meron daw kaming paguusapan. Naisip ko, baka tungkol toh sa pagiging regular employee ko hehe,” sagot ko.
“Kayo lang?” tanong niya. Teka, hindi ba siya natutuwa sa sinabi ko? Hmm.
“Hindi, may kasama akong isa.”
“Aaaah, basta wag mong papatayin ang cellphone mo. Tawagan mo ko kung…meron mang problema ah,” Wilton.
“Hmm, sige mauna kana. ” Pagtataboy ko sa kaniya.
HAAAY, ano kaya ang paguusapan namin ni Mr. Ruise? Sana talaga tungkol na toh sa pagiging regular employee ko sa restaurant. Sana talaga.
Masaya kong tinungo ang lugar ng pagkikitaan namin ni Sir, pero agad din iyong nawala nang sandaling tumigil ang taxing sinakyan ko sa harap mismo ng isang establishemento na may pangalang…
.
.
.
.
.
.
MOTEL.
TO BE CONTINUE..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top