CRUSH BACK


CRUSH BACK”
BY: Kieth Angel Peñarez Castor
“Gusto Rin Kita” reply ng crush ko Kaya nanlaki ang aking mga mata
kaka- confess Ko lang sakanya Through Messenger Tas Ito Ang Reply Nya
Napa Ngiti nalang ako “Hayst ang Ganda tuloy Ng Umaga Ko” Naka ngiting Wika Ko
Nakaka sipag tuloy
Paglabas ko ay Bumungad sakin ang Mama ko na Nagtatakang naka tingin sakin
“Oh Buti Naman At Bumangon kana. Tas ano ang Nginingiti ko dyan?” kunot-noong Tanong nya sakin
ngumiti lang ako sakanya At Niyakap at Hinagkan Sya
“Good Morning ma” Malambing na wika ko
at Dumeretso sa Kusina
Nakita ko ang tambak na Hugasan pero dahil masipag Ako ay Ginawa ko ito
Habang naghuhugas ako
biglang nagsalita Si Mama
“Hoy Camille Mag Linis ka ng bahay ha Aalis ako Dapat pag balik ko malinis na ha Tas yung Electric Fan Camille Linisan Mo Rin Di Na Gumagana Dahil sa alikabok” Rinig Ko wika ni Mama Habang inaayos Ang kanyang Buhok
“opo ma” Nakangiti na sabi ko
” alis nako tsaka Camille yung Ibinilin ko” Rinig kong sabi ni mama At kasabay nun ang pagsarado Ng pinto
“Lalalalala~” Kanta ko at Tinapos na ang Paghuhugas
Kumain Muna ako at Naglinis Ng Bahay
Alas tres Na Ng Matapos Ako hihiga Na sana Ako Ng Biglang nag Ingay ang selpon Ko Agad ko ziyong Dinampot At inopen
Agad na Bumungad sakin ang Mga sweet na chat Ng Crush Kong Krinushback ako
Magrereply Na sana Ako ng...


Biglang Nag Pop si Mama
Inopen ko muna Ito
‘Camille Linisan Mo Yung Electric Fan’ Sabi Ni Mama at nilike ito
at Nilapag Ang Selpon Aalis na sana ng Biglang Nag ingay Ulit Yung Selpon
Agad na Nag pop Si Steve
‘Bat moko seneen’
‘nagtatampo ako Baby’ Sabi Nya With Tampo Emoji
napatawa nalang ako Ng mahina
‘Sorry Ah Naglinis kasi ako ng Bahay Eh Ngayon lang ako Natapos’ reply ko sakanya
‘Ang bait talaga Ng Future Wife Ko’ chat Ulit nya with heart emoji
‘Bye Muna steve Ah Lilinisan Ko muna yung Electric Fan’ pagpapaalam ko
‘Hmp di dapat Steve Dapat Baby Yung tawag Mo sakin Kasi Baby Mo naman Ako’ Napatili ako Ng wala Sa Oras dahil Sakanya
‘opo baby Ko’ reply Ko
‘I love you baby ko’ Reply nya Kaya Nag I Love you too Narin ako bago ko Nilapag ang selpon at dinampot Ang Electric Fan na puno Ng Alikabok
“sabi ni mama linisan Ko pero pano tss Bahala na nga” Nakakunot kong bulong sa Sarili ko
Agad akong Kumuha Ng Palangga At Pinuno Ito ng Tubig Bago Sinubsob Yung Electric Fan
Busy Ako Sa Pag lilinis Ng Bigalng May Sumigaw sa Likod Ko
“CAMILLE ANO ANG GINAWA MO SA ELECTRIC FAN KO!” paglingon ko nakita ko si mama na Umaapoy Sa Galit
“CAMILLE AKIN NA SELPON MO!” galit na sigaw ni Mama At agad Na Kinuha Yung Electric Fan na naka subsob Sa Tubig
[Kaka selpon mo yan]






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top