NINAKAW NA SANDALI Continuation again.. Chapter 1


“Sir seryoso kayong siya ang assignment ko?” Si Makoy na tila di makapaniwala nang makita ang subject na Kailangan niyang lutasin
Paano kasi ay May kinalaman ito sa iniidolo niyang si Shanaira Ledezma. At Hindi siya makapaniwala na iimbestigahan niya ang inosenteng mang-aawit.
“Simple lang ang nais ni Mrs. Ledezma na gawin mo Sgt.Selvestre. Susundan mo lang naman ang anak niya sa kahit na anong gatherings na dinadalohan nito. O Kaya sa kompanya na naroon ang magiging asawa nito. Si Jiro Cojuanco.”
“ANong koneksyon nito Sir sa investigation gayong natural lang sa mga sikat ang umatend sa mga okasyon.”
“Pakiramdam kasi ni Mrs. Ledezma ay hindi ang anak niya ang kasama nila sa bahay kundi isang impostor.”
“IMPOSTOR! PAano naman nangyari iyon Sir.?”
“Kaya nga iyan ang dapat mong alamin Sgt.Selvestre. At umaasa ako na maging Maingat ka sa assignment mong ito.”
“Okey Sir.”naituran na lamang ni Makoy dito at agad nang nagpaalam sa kanyang Hepe
Habol dito..habol Doon.. yan ang nakakapagod na gawain ni Bella tuwing hapon dahil hinuhuli lang naman niya ang mga alagang inahin ng kanyang Nanay Rosa.
“Huli ka balbon!”agad niyang dinapaan ang inahin at saktong Nadakip niya nga ito”Grabe..pinahirapan niyo ako.”parang Tangang kausap niya rito sa mga...


manok
“Bella anak.”
Napalingon si Bella sa kanyang Nanay Rosa nang tawagin siya nito. Napangiti siya nang makitang May inihain na itong nilagang kamote. Lumapit agad siya rito dahil natatakam siyang kumain niyon. Paborito niya kasi ang kamote.
“Last ko nang luto ito Bella. Ubos na rin sa wakas ang kamote.”
“Mamumungkal ako Bukas Nay Rosa. Marami pa namang kamote sa likod bahay ha.”
“Ikaw talaga walang kasawaan sa kamote.”
“Wala naman ho akong gagawin Bukas Nay Rosa Kaya mamumungkal ako ng kamote.”
“Hindi ka ba tutungo sa simbahan Bukas.?”
“Pagkatapos ko Hong mamungkal ng kamote Nay Rosa. Pupunta rin po ako ng simbahan.”nasabi na lamang niya sa matanda
Iyon naman talaga ang trabaho ni Bella. Isa siya sa mga quire ng simbahan ng SAN JUAN at Minsan naman tagalaba siya ng damit ni Father Rey. Ewan ba niya Pero Malaki ang pagmamahal niya sa Simbahan ng SAN JUAN para kasing May bahagi sa kanyang pagkatao na Mahalaga sa kanya ang simbahan….
“No!Mommy!” Agad nagsalubongan ang mga kilay ni Nicole sa narinig na sinabi ni Mrs. Ledezma sa kanya tungkol sa pagkuha sa kanya na maging Judge sa nasabing SINGING CONTEST sa Fiesta ng SAN JUAN






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top