UNWANTED LOVE CHAPTER FIVE


DELLA SELLA: UNWANTED LOVE (Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER FIVE
Makalipas ang dalawang buwan na paghahanda nila Cindy at Lester at magaganap na ang kasal nila. Napagpasyahan nilang sa simbahan sa Mayombo sila ikakasal at sa bahay nila Lester ang reception. Syempre hindi din mawawala ang mga mahal nila sa buhay.
Kinagabihan bago ang kasal sumunod na umuwi sina Trisha kasama si Brayll at Manang Saleng. Dala na din niya ang mga magagandang bulaklak para sa kasal. Pagdating nila ay inayos na niya ang mga ito dahil maaga ang kasal.
Kinabukasan abala na ang lahat sa pagaayos, pinuntahan ni Trisha ang kaibigan sa kwartong kung saan inaayusan na ito. Hangang-hanga siya sa ganda ni Cindy habang suot ang wedding gown nito. Hindi niya maiwasang mapaluha dahil sa tuwa.
“Huwag mo naman akong iyakan best, nadadala tuloy ako sa ginagawa mo”, ang sabi ni Cindy habang inaayos ang gown niya.
“Hindi ko kasi mapigilan eh, napakaganda mo best. Bagay na bagay sayo ang gown mo. Tiyak lalong mapapatulala si Lester sa ganda mo”, ang sabi ni Trisha habang pinapahid ang luha niya gamit ang kanyang kamay.
Lahat na ay nasa simbahan at nagsimula na ang seremonya. Lahat ay nagaabang sa paglalakad ni Cindy papuntang altar. Ng papasok palang siya ay napatulala na ang lahat sa ganda niya, maging si Lester ay naiyak dahil sa wakas ay masasabi na niyang asawa ang babaeng pinakamamahal niya, at di nagtagal nagsimula na ang pari para sa seremonya.
“Cindy, Thank you for accepting me into your life. Thank you kasi naging bestfriend kita at hindi mo ako iniwan when the time that i have an amnesia. Binuo mo ulit ako nung panahong iyon, at ikaw ang nagpaalala sakin na ikaw pala talaga ang mahal ko. Natakot akong mawala ka ulit sa buhay ko kaya ginawa ko lahat para bumalik ka lang. Thank for accepting my love and now as your husband. I will be loyal and give my life and heart to you. Mamahalin kita at pagsasayahin habambuhay”, ito ang vow ni Lester.
“Lester, in the first place i just want to say thank you because i found you. Simula noong nakita kita i feel comfortable on your side. I didn’t give up even though you dont remember me at that time. Dahil naramdaman ko noon ang pagmamahal na namamagitan satin. And i will never give up on it. Thank you for everything Lester and now finally your always here on me always. I love you and i promise i will do my best to become a best wife on you. I will love you until the end, i will serve you and make you happy”, ito ang vow naman ni Cindy.
Naiyak si Lester sa mga sinabi ni Cindy, damang dama niya ang senseredad ng asawa sa mga sinabi. Dumeretso ang lahat sa reception, marami silang handa at napakaganda ng pagkakaayos ng lahat. Imbitado ang mga malalapit na kaibigan ng mag asawa at sila ay nagulat ng makita nilang muli si Trisha. Nakipagkwentuhan ang mga ito sakanya. Hanggang sa isa isa silang tinawag para mag speach para sa mga bagong kasal. At inuna nga nila si Trisha.
“Happy ako para sa inyo Cindy at Lester dahil isa ako sa nakasaksi ng pagmamahalan ninyo mula noong nasa high school pa tayo. I was glad that you are finally celebrating your wedding day. Thank you kasi hinanap niyo parin ako at nasaksihan ko ang kasal ninyo. I love you both guys congratulations and best wishes”, ang masayang...


mensahe ni Trisha.
Linapitan siya nila Cindy at Lester at saka sila yumakap sa kanya. Masaya din ang mga ito dahil kasama na nila ang kaibigan nila. Sumunod na din na nagsalita ang iba at umupo na si Trisha sa tabi nina Manang Saleng at ng anak na noon ay abalang abala sa kinakain.
Nagsimula ng kumaen si Trisha at pagkatapos niya ay pinagmamasdan niya ang anak. Bata pa ito pero napakagwapo na lalo na sa suot nitong suit. Hindi tuloy niya maiwasang maisip ang ama niya, kahit haplos lang noon ang ginawa niya sa mukha ng lalaki ay alam niyang nakuha ni Brayll ang mukha nito.
Ganun ang iniisip niya ng mapansin niya ang pamilyar na amoy ng isang pabango. Hindi pa iyon nawawala kaya iniisip niya kung saan niya iyon naamoy. Biglang nag sink in sa isip niya ang naamoy niyang pabango ng lalaking nakaniig niya. Inalala niyang mabuti at hindi nga siya nagkamali, ganun ang pabango na iyon.
Nawala na ang amoy kung kaya agad siyang lumingon sa paligid niya, at saka sa likuran niya. Napansin niya ang isang lalaki na umalis na sa reception, malamang siya ang may ari ng pabangong iyon.
“Saglit lang manang ha lalabas lang ako”, ang nagmamadaling sabi ni Trisha.
Agad siyang tumayo para sundan ang lalaki, pero inayos niya ang sarili at nagkunwaring hindi nagmamadali para hindi makaagaw pansin sa mga bisita. Pero pagdating niya sa labas ng gate ay wala na ang lalaki at tanging kotse na lumalayo na ang nakita niya. Malakas ang kutob niya na iyon ang lalaking nakaniig niya, ar isa sa mga bisita nila Cindy. Kung ganun ay kilala nila ang lalaki.
“Mommy, anong ginagawa mo dito?”, ang tanong ni Brayll sa ina.
“Ahm wala anak nagpapahangin lang, halika na sa loob”, ang aya ni Trisha sa anak.
Habang nakikipagusap si Trisha sa mga kaibigan nila ay naalala niya si Bryan. Bakit nga ba wala ito, hindi ba inimbitahan nila nila Cindy. Ang pagkakaalam niya ay maayos na sila at tanggap na ni Bryan na hindi siya ang mahal ni Cindy. Pero hindi niya nakita ang lalaki na dumalo sa kasal. O di kaya’y hindi lang niya napansin dahil sa dami ng tao at pagaasikaso sa anak. Pero kung andun nga si Bryan di sana linapitan niya si Trisha kasi naging magkaibigan naman na sila.
Ng makita niyang hindi na busy si Cindy ay linapitan niya ito at tinanong kung bakit hindi niya nakita si Bryan.
“Huh hindi mo siya nakita? Andito naman siya kanina kumaen pa nga tapos nagbigay ng gift ito oh”, ang sabi ni Cindy at saka inabot ang regalo na binigay ni Bryan.
Bryan Della Sella nga ang nakalagay, nakaramdam ng kaba si Trisha at napansin iyon ni Cindy.
“Bakit best? May problema ba?”, ang tanong ni Cindy.
“Hindi ko kasi siya napansin best, umalis na ba siya?”, ang kinakabahang tanong ni Trisha.
“Oo best kanina pa, nagpaalam na siya may business meeting daw. Miss mo na ba siya? Im sure miss kana din niya kasi he loves you”, ang masayang sabi ni Cindy.
Hindi narinig ni Trisha ang sinabi ni Cindy dahil naka focus ang attention niya sa nakita niyang lalaki na umalis kanina at tungkol sa naamoy niyang pabango.
Paano nga kaya malalaman ni Trisha na si Bryan nga ang lalaking hinahanap niya, kung kutob lang naman dahil sa pabango ang ibidensya niya? Abangan sa susunod na kabanata.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top