I’M HER DAUGHTER AND HE’S THE LAST HEIRS KABANATA IKA-ANIM


ALEXANDREIA HAYASEIN
“YOU MAY PROCEED TO YOUR OWN ROOM! “anang Mc sa Stage.
Ang lahat ng Estudyante ay nag alisan na kaya’t nilinga-linga ko ang ulo ko para hanapin si Yana pero bigo ako.
‘Nasan na ba kasi yun? ‘
‘ natapos na ang Announcement at lahat hindi parin sya bumabalik? Kung nag Cr man sya.. Bakal ba yung dinumi nya at ganito sya katagal? ‘
inis na saad ko, minabuti ko na lang din na lumabas na sa Stadium dahil baka ako pa ang mahuli.
Kinuha ko ang phone ko tsaka nag tipa ng mensahe para kay Yana.
*Hoy, nasan kana ba? Kanina pa kita hinahanap!
MESSAGE SENT!
pumasok ako sa Entance ng building mag isa “teka? Ano yun? ” takang tanong ko sa sarili ko matapos makita malaking kumpulan ng mga Estudyante walang ibang daan kundi doon kaya’t nag diretso lang ako.
*brizzzk! Brizzzzk!
*Nandito na ko sa Floor ko Besh mag kaiba tayo ng floor besh
Sagot nya sa mensahe ko kaya’t muli aking nag tipa, hindi ko pinansin ang malaking Umpukan na iyon at pilit kong isiniksik ang sarili ko para dumaan don.
*Ganun ba? Oh sige mag ingat ka dyan..
MESSAGE SENT!
napahinto ako sa gitna para ibalik sa bulsa ang phone ko.
Matapos ay noon ko lamang napagtanto na pinagtitinginan pala ko ng mga estudyanteng naroon.
“Sino yan? ”
“Gag* ang tapang ng babae! ”
“nag papa impress yata kay Ika-walo! ”
“Gosh! I want to kill that b*tch.”
‘inaano ko ba sila? anong problema nila sakin?’
Lumimgon ako pakanan at halos masapo ko ang dibdib ko sa pagkabigla kasabay ng panlalaki ng mata.
SI EIGHT!
Nakapamulsa sya at hindi kakikitaan ng emosyon ang mukha nya tulad nung Una ko syang makita, nakapasok ang dalawang kamay nya sa pocket ng pants nya at mukhang seryosong-seryoso sya.
‘Huh? Anong ginagawa nito dito? ‘
‘malamang estudyante din! ‘
“hala sino ba yan? ”
“ayan yata yung bagong transferee na nagligtas kay IKA-ANIM? ”
Lumingon ako pakaliwa, naroon naman ang isa pang Estudyanteng lalake, nakapamulsa din sya pero kabaliktaran ni Eight, nakangisi sya ngunit nakakainis ang paraan na ginagamit nya.
“PAANO KA NAKAPASOK ?” malamig ang boses ni Eight tulad ng inaasahan.
“oh~ i thought you didn’t notice me. “mapanukso ang tonong ginagamit nito. ” but anyway i just wanna try the ambiance in your territory..”nakangising anito tsaka ako pinukol ng tingin na tila ako ang pinapatungkulan sa salitang Territory
‘ano bang sinasabi ko? ‘
Hindi na ako nakapag isip pa ng may humablot sa braso ko palayo sa lugar na iyon.
“Come with me. ” anito pa.
Naupo kami sa Bench malapit sa hallway papunta sa Malawak na Field.
“ako si Kenzo Grey.. ” inialok nya ang kamay nya sa’kin at inabot ko naman iyon.
“a-ako si Hayasein, Hayasein Villamoriz.” saad ko na nagpatigil sa kanya.
“Villamoriz? “curious na tanong nya. ” ah, hindi….baka magka apelyido lang kayo. “nakangiting anito pa. “marahil nagtataka ka tungkol sa kanina. “patungkol nya sa pinanggalingan namin. ” ang dalawang taong iyon, dapat mo silang iwasan. Si Thunder Hyusson Mabait sya ngunit mapanganib samantala si EstiVan Ieion Troy Silvannia o mas kilala bilang Eight ay Mas dapat mong katakutan ng Triple kaysa kay Thunder Hindi ko na iisa-isahin sayo basta ang maipapayo ko ay hwag kang humarang sa daraanan nila kung gusto mong makapagtapos dito ng maayus. ”
Napalunok ako,
‘ mukhang totoo nga ang mga sinabi saking babala ni Eight dati.’
“Tungkol sa Ranggo, mas kilala sila sa tawag na Magic Eight sila ay binubuo ni Rain Aizen Monte Verde sa ika pito na kumakatawan sa Letter ‘A’ sa salitang Magic, si Primotivo Zirguel sa anim na pwesto na Letter ‘I ‘ samatala ang ika lima at Apat ay Hindi pa nakikilala basta ang dalawang nawawala ang kakatawan sa Letra ng ‘M’at ‘G’
“Teka? Anong hindi pa nakikilala? “takang tanong ko.
Ngumiti sya bago magsalita.” naka bakante ang dalawang pwesto na iyon noon pa, dahil nakalaan iyon sa dalawang espesyal na tao para kay Eight, may sabi-sabi na nandito na daw yung ika lima pero ayaw nya daw magpakita dahil hinihintay nito ang ika apat. ”
“bakit kailangan ng ganun? Ibig sabihin hinihintay ni 5 si 4?”tanong ko.
“kapag tumagal kana ay tsaka mo malalaman.” nakangiting sagot nya.
“eh yung ikatlo? ”
“sa ngayon ay naghahanap pa sa pwesto ng ikatlo, pero walang nagtatangkang pumasok dahil alam nilang may malaking kapalit ito, ang ika-lawa Seken ang palayaw nya pero Hindi ko alam ang exact name nya dahil bibihira lang syang makita sa campus, sya ang utak ng Magic Eight ibig sabihin ganun sya katalino at sya ang Kumakatawan sa Letter ‘C ”
“except from that, Villamoriz din ang last name nya tulad mo kaya napapaisip ako kung kakilala mo sya. ”
Napalingon ako dahil sa sinabi nya, “Lalake ba ang ika-lawang Ranggo? “tanong ko.
“Oo. “maikling tugon nya.
‘posible kaya na si Calvin yun ? Ang alam ko lang ay sa prestihiyoso syang Eskwelahan nag aaral at hindi sa ganito ka gulo. Wala kasi syang binabanggit tungkol sa School nya bukod sa Mahirap makapasok doon at hindi ako pwede don. ‘
“Anong iniisip mo? Yung Unang Ranggo ba? ” nakangiting tanong nya. “walang unang Ranggo, ika-walo na ang susunod at Iyon nga si Eight, ang batas at pinaka mataas hindi sya tinawag na Eight dahil sa Rank nya kundi dahil Estivan Iaeon Threvoler ang Real name nya kapag Ginamit ang mga Initial noon ay makakabuo ka ng E.I.T- – -”
“haisst!ayoko sa pangalan nya o sa kahit anong kumukunekta sa kanya kaya wag mo nang banggitin ng paulit-ulit ang numerong iyon. “inis na saad ko.
“Dapat lang, dahil hindi sya pwedeng Tawaging Eight ng low Class tulad natin, kapag tinawag mo syang Eight ay ipapaulit nya lang yun sayo hanggang sa mapagtanto mo na hindi ka karapat-dapat na tumawag sa pangalan nya. ” anito na tila ipinag mamalaki ang mga nalalaman nya.
‘oo, natatandaan ko yung babae….yung sa enrollment takot na takot sya ng mga oras na iyon. ‘
“Seriously? Pano sa Math? Or sa Counting? ”
“Nilalagpasan nila ang numerong iyon. ”
“tulad na lamang ng isang yon. ” inginuso nya ang tatlong babae na naglalakad sa Hallway. “si Aicka, yung maikli ang buhok at nandon sa kaliwa .”
‘sya yung babae nung Enrollment’
“nung Enrollment natatandaan kong gusto nya kayong ibully ang kaso ay dumating si Eight kaya hindi nya nagawa tinawag nya ang pangalan ni Eight pero pinaulit yun sa kanya ni Eight at hindi nya na ginawa in the end of the day lumuhod sya at humingi ng tawad. ”
“kaya kung ayaw mong mapaaga ang parusa ay hwag mo yung gagayahin, nakalimutan kong ipakilala sayo si Nathalia Gregx iyong nasa Gitna hwag mo syang babanggain Fiancé sya ni Eight. ”
“Hoy! “napalingon kami sa puno malapit samin kung saan nanggaling ang boses ng lalake. “Hwag mo syang takutin.” muling saad ng boses kasabay ng paglawit nito mula sa puno, naka kawit ang paa nya sa Sanga habang ang katawan nya ang nakalaylay patiwarik at tila komportableng komportable sa posisyon nya. nagawa pa nitong ilagay sa likod ng ulo nya ang dalawang kamay nya. ” walang gagalaw sa kanya Class president…” muling saad ni Ivo. “nagising ako sa haba ng pag uusap nyo, oras na para pumasok tara na G.A! ” aniya pa tsaka bumaba.
‘G. A? ‘ ano yun?
“sige na sumama kana sa kanya.” nakangiting wika ni Kenzo kaya tumango ako.
“G. A ang itatawag ko sayo okay lang? ” tanong ni Ivo habang naglalakad kami, hindi pa kami magkakilala pero kung umasta sya ay tila close na talaga kami.
“Anong G. A? ”
“guardian angel hahaha.” naianggat nya pa ang ulo nya para ilabas ang malakas nyang tawa. Mula sa bulsa kung saan nakasuksok ang kamay nya ay iniangat nya ito hawak ang Badge Id na minsan ko nang nahawakan. ” remember? ” tanong nya at tumango ako. “Here, “iniabot nya iyon sa’kin. “kukunin ko yan sa’yo kapag nasuklian ko na ang kabutihan mo, ayoko kasi nang may utang na loob. ” nakangiting Saad nya.
Nang mapansin nyang wala akong balak na tanggapin iyon ay Kinuha nya ang kamay ko para ilagay doon ang Id. “sa ngayon ay magiging mabait ako sayo pero anytime ay pwedeng mabago ang pakikitungo ko sayo once na nasuklian ko na ang kabutihan mo. ” mahabang litanya nya tsaka naka pamulsang pumasok sa Room.
“Can you introduce your self? “tanong ng babaeng professor sa’kin.
“ah okay miss, i’m Hayasein Villamoriz nice meeting you.”
“Villamoriz? “curious na tanong ng teacher” are you related to mister Villamoriz? ” siguro ay iyong ikalawa na ranggo ang tinutukoy nya
“hala oo nga ka apelyido nya nga si Seken. ”
“oo nga! ”
“Hindi ko po kilala, wala po akong kamag anak dito miss. ” sagot ko.
Tatango-tango sya sa’kin at Mukha namang naniwala sya. “you may Sit behind of mister Zerguel. ”
Tinanaw ko ang likod ni Ivo hanggang sa mga buhok nyang nakabagsak. ‘san sya nakatingin?’
Nilingon ako kung saan sya nakatingin, dahilan para magkasalubong ang mata namin ni Avanshien. Nag angat ako ng palad para mag ‘Hi ‘ sa kanya pero madilim nya lang akong tinignan tsaka nya ako siniringan.
‘Anong problema nya? ‘
SEKEN
Hindi ko ugaling ipakilala ang sarili ko pero sige, pagbibigyan ko kayo.ako ang tumatayong Vice President ng buong Campus pangalawa sa pinaka mataas hindi ba? Kaya hindi naman na siguro kataka-taka kung bakit kilala ako sa palayaw na ‘SEKEN’.
nasisiguro kong tambak na naman ang papel na kailangan kong ayusin sa campus kaya minabuti kong pumasok ng mas maaga para...


mabilis ko iyong matapos.
Tulad ng nakasanayan ko ay naroon ang dalawang guard na syang nag babantay sa gate ng unibersidad.ibinaba ko ang window car para makita nila ko.
“Sir,Nakabalik na po Pala kayo..good morning po.”masiglang bati ng isa.
tumango ako bilang sagot.samantala ang isa pa nyang kasama ang nag bukas ng gate para makaraan ako.
*beep beep
Busina ko bago tuluyang pumasok.
Pag dating sa parking lot ay nag park ako kung saan naroon ang sariling parking space ko. inilinga linga ko ang paningin ko ngunit wala akong mahagilap kahit isang Estudyante.
‘Napa aga yata ako masyado ah.’nasabi ko sa isip ko tsaka nangamot sa ulo.
dumeretso ako sa Senior’s office at naupo sa table ko.
“good morning. “nag angat ako ng paningin matapos mag salita ni Nathalia.naka sandal sya sa pinto habang hawak ang coffee mug.
“good morning din napa aga ka yata?”birong tanong ko sa kanya.
“hindi naman gusto ko lang talaga, hahahaha para ako ang unang ma-appreciate ni..alam mo na.” napangisi ako dahil sa pabitin na saad nya.
Oo nga pala, fiancè kuno nga pala sya ni Eight ang masama lang ay napaka pihikan sa babae no’n kaya hanggang ngayon ay hindi parin sya nito sineseryoso.
Hindi ko na sya sinagot sa halip ay tinignan ko ang mga papel na patong patong sa table ko at sinimulan nang basahin.
*PLAN PROGRAM
Sa dami ng naka sulat doon ay iisa lamang ang naka agaw ng pansin ko.
*list of enrolees vacant for two
‘anong vacant for two?’
Hindi ko maintindihan ang note na iyon kaya lukot ang noo kong binuksan ang computer sa harap ko at tinignan ang files ng enrolees na nakapasok.tulad ng naka sulat sa note ay may bakante talaga sa ilalim.mula isa hanggang fourty eight lang ang occupied.may numerong 49 at 50 ngunit walang pangalan.
bakit kaya may bakanteng dalawa?
Nabaling ang atensyon ko nang mag salita si thalia”alam mo ba nung nag open ang enrollment ay nawala ang Badge Id ni Ivo.. mabuti nalang at may nagbalik sa kanya no’on.”
“anong sabi ni Eight?”curious na tanong ko pero nag kibit balikat lamang sya sa’kin.
” ewan ko basta ang alam ko lang ay nag pa-reserve si Ivo ng slot.”saad ni thalia habang iniikot ikot ang buhok nya.
BINGO!
“a-ano?…reserve?baliw ba sya?kahit hindi Qualified?kailan pa nagkaroon ng Rule ang University ng ganung Reservation? hindi nya ba naisip kung ano ang pwedeng kahantungan ng studyante na yun?”sunod-sunod na saad ko pero hindi iyon nasagot nang pumasok si Raizen.
RAIZEN
kapansin-pansin ang pag kakalukot ng husto ng noo ni Seken, si Thalia naman ay hindi manlang nag aksaya ng laway para batiin ako.
kung sa bagay para sa’kin ay pangalawa ka nalang ngayon sa pinaka maganda dahil nasa unang pwesto na si Cutie.
“Hindi ka umattend kanina? “preskong bungad ko para ibahin, ang masamang hangin kay Seken.
“Saan? ” kunot tanong ni Seken.
“nag announce tungkol sa Rules and Regulation ng University tsaka may Opening party mamaya. ”
“Tsk, alam mo naman na hindi ako umaattend sa ganyan, teka nakita mo Si Eight? ” tanong nito habang abala parin sa pag basa ng mga papel sa harap nya.
“Oo papunta na yun ngayon dito hahaha may nakaharap sya kanina. ” nakangising saad ko tsaka kumuha ng libre pero kaagad din na bumaling ako kay Seken para kunsultahin ang mood nya.”anong nangyare bat ganian ang mukha mo?”tanong ko pero hindi man’lang nya ako pinansin at nanatili ang paningin nya sa computer na kaharap habang diretso ang pindot at galaw sa mouse nito .
Haisst!feeling ko nag kakahawaan na sila ng ugali ni Eight mabuti nalang kami ni Ivo ay matino pa.
“may malaking problema yan kaya wag mong kausapin,”si thalia ang sumagot. “nga pala nakita nyo si eight?”
“wala ka na ba’ng mata at hindi mo na sya makita?”Saad ko habang naka patong ang paa sa ibabaw ng mesa, wari’ng abala sa pag babasa ng libro.
Hindi na nakapag salita pa si Thalia nang pumasok si Eight atnaupo din sa kanyang mesa.
“anong nangyare sa enrollment?”bungad na tanong ni Seken kay Eight na ikinangiti ko.
“marami!”excited na saad ko.”pero ang pinaka gusto ko ay yung mga newbie na magaganda pati na ang kataw- – – -“hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tapunan ako ni thalia ng matatalim na tingin kaya dahan dahan akong nanahimik.
“Pumunta ka na sa room mo thalia hindi ka namin kailangan ngayon.”malamig ang pagkakasabi ni Eight tulad ng nakasanayan ko, hindi naman umimik si thalia at diretsong naglakad palabas.
“nag open ang enrollment para LAMANG”alam kong sinadya ni seken na bigyang diin ang huling salita.”sa mga estudyanteng kwalipikado?”Lukot ang noo ni Seken ng bigkasin iyon.”alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyare sa ginawa mo?”bakas na bakas ang galit sa tono nito.
“hindi ko alam ang sinasabi mo…”inosenteng sagot ni Ivo.
“there are two vacant enrolees na hindi dumaan sa orientation o kahit anong process ng school! May nag reserve ng slot para makapasok sila”
“wala akong pina reserve na slot dahil nung araw pa lang na’yon ay na-register na sila tsaka kung hindi sila qulaified pwede naman sigurong bawiin yun diba eight?.”baling ni Ivo kay eight pero nanatili ang paningin nya sa kawalan bago mag salita.
“oo..pero kailangan pang bumilang ng ilang bwan bago iyon ma-aprubahan….”sagot ni eight .”planado ng EAST lahat.”napalingon kaming lahat.”mula ng mawala ang Badge Id ni Ivo..hanggang sa makapasok si Thunder”
kaagad akong napalingon kay Eight.
“Thunder hyusson? ” takang tanong ni Seken, ‘
‘Paano syang nakapasok sa West?’ takang tanong ko.
“sa ngayon ay kumikilos na sila para sa buhay ng baguhang iyon.”malamang na si cutie ang tinutukoy nya.
“Si Thalia, sya ang incharge… sya ang pinag handle ng Dean para sa mga bago.malamang na may Alam sya dito”Saad ko.
“Ang babae talaga na yun! ” nawawalan ng pasensyang saad ni Eight.
“malamang na si Hyusson ang isa don, tuso si Hyusson alam nyo naman baka ginamit nya ang connection nya para matanggap ulit! pero sino pa ang isa? Nasan na ba kasi si Ivo! ” saad kong muli.
“Malamang naroon sya sa floor kung Nasan ang pakialamerang nag ligtas sa kanya.” sabay kaming napalingon ni Seken sa boses na iyon. Samantalang si Eight ay nagawa pang ipikit ang mata nya na tila inaasahan ang bisita.
“Dalawang Black Phantom ang naroon para pahirapan ang babae nakakahinayang lang dahil ang isang insekto na tulad nya ay sinadya pa nang myembro namin nyahahaha kaya dapat ay mabigyan sya ng magandang kamatayan hihihihi ”
‘kung simpleng estudyante lamang ang kaharap nya ay paniguradong matatakot sa paraan kung paano sya mag salita at tumawa. Para syang baliw.’ naibulong ko sa isip ko.
“Baliw kana Spaid!” saad ko.
Tumayo si Eight sa hindi nyamalamang dahilan, kung dahil ba sa maingay ito o dahil Kay Cutie na tinutukoy ni spaid
“walong segundo, kapag inabutan kita ay uuwi ka na wala ang isang braso mo.” malamig na anito.
Kaagad na gumapang sa buong katawan ni Spaid ang matinding takot sa paraan kung paano tumingin ang taong kanina pa kalmado. Pinilit nyang ngumisi para hindi mahalata ang takot sa sistema nya ngunit ganoon na lamang kung traydorin sya ng sarili nyang katawan.
Alam nya ang malamig na pakiramdam na bumabalot sa kanya ay hindi normal, kundi dahil sa taong iyon bagaman nilalamig sya ay patuloy padin ang pag labas ng butil ng pawis nya.
Tumalikod si Eight at nag simulang mag bilang.
Gnamit iyon ni Spaid na pagkakataon para humakbang patalikod, nagkunwari sya na hindi takot binagalan nya ang pag hakbang nya ngunit nang makalayo na sya ay kumaripas sya ng takbo.
“Kasalanan nya to! May pakialamerang nang himasok sa Pagitan ng Black Phantom at Magic Eight.” Nakakunot ang noong saad ni Eight.
“Hindi ko miantindihan! ” sigaw ni Seken, ganito sya talaga kapag buhay na ang pinag uusapan
“Nawala ang Badge Id ni Ivo nung Enrollment, kaya pinarusahan sya pero nagulat kami dahil pumasok yung babae sa silid kung saan at kung paano pinarusahan si Ivo nang dahil lang sa ID na yun. ”
” oh bakit nadamay ang Black Phantom? “naguguluhang saad ni Seken.
” oo nga eight bat Nadamay ang Black Phantom? ” takang tanong ko din.
“alam kong ninakaw nila yun kay Ivo pero hinayaan ko lang para mag tanda sya, babawiin ko na sana ang kaso lang ay naunahan ako nang pakialamerang babae na yun. hindi talaga sila nasisiyahan hangga’t hindi ako ang nakakaharap nila.” nakangising saad ni Eight.
“alam na alam mong hindi pwede ang nasa isip mo”kaagad na kontra ni Seken.ano ba yun? Ba’t sila lang ang nag kakaintindihan.
Nilingon sya ni Eight, “Do you want to let her to deal with her die?”patungkol ni eight kay cutie “then i will.”kalmado at sa seryosong paraan nya iyon sinabi.
“kung ganon ay ako ang po-protekta sa kanya tutal ay kasalanan ko naman.”saad ng Kapapasok lang na si Ivo.
“hindi ka gagawa ng hakbang na wala ang utos ko kung ayaw mong mag karoon ng digmaan sa pagitan ng dalawang Campo. ” saad ni Eight sa pinaka ma-awtoridad na tono.”mag padala ka Seken ng D.A para kay Spaid…. entering without authorized…”
tumayo sya sa kinauupuan. “At. gusto kang makita ni Dean”saad nya habang nakatingin kay Seken tsaka nag lakad palabas.”i’m going to my room. “saad nya pa tsaka lumiko palabas.
Wala kaming nagawa kundi sundan ang aming pinuno.
“paano si spaid?”tanong ni Ivo na syang kasabay ko.
” hindi natin sya pwedeng galawin hangga’t hindi sya ang nag uumpisa…”kilala namin si Spaid pag dating sa Mararahas na laro at isang pitik nya lamang si cutie kung guhustuhin nya.bakit pa kasi sya nakialam eh.iyon talaga ang dahilan kung bakita ayaw ko syang makialam nung araw na iyon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top