BEWARE THAT GIRL CHAPTER #14


Dumating ang araw kung kailan gaganapin ang party. Sabi ni Parker sa mismong mansyon daw ng ninong niya gaganapin ang okasyon. Kaya heto ako ngayon nasa harap ng salamin….nag-iisip kung paano ayusan ang sarili. Di kasi ako hilig sa mga okasyon na’yun nagkataon lang na iniimbitahan ako.
Kinuha ko ang red box na pinabigay ng ninong ni Parker sa akin. Mukhang mamahalin siguro ang laman ng box na’to. Binuksan ko ang box… halos lumuwa ang mata ko sa kulay red na damit. Kita kasi nito ang hubog ng katawan mo kapag sinuot mo ito. At isa pa may pa-clevage pa…ano ba naman yan damit pa ba to’?
Humarap ulit ako sa salamin saka sinukat ang damit. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin…hindi talaga ako makapaniwala, ako ba talaga to?
Napakaganda talaga ng dalagita…….di mo akalain na lumitaw ang tinatago niyang kagandahan. Kung titingnan mo siya para siyang isang mala-dyosa. Siguro,walang lalaking hindi niya mapa-ibig sa awra niya ngayon.
Nag-ayos narin ako dahil mamayang 9:00 p.m. ang sundo ko. Sabi kasi ni Parker susunduin na lang daw niya ako.
“Hala! Ikaw ba yan Jasmin? Napaganda mo!” hay naku si tiya talaga manggugulat. Kinakabahan na nga ako…ginulat pa talaga ako ni tiya..yun tuloy hindi na siguro sa party ang mapuntahan ko ngayon kundi sa ospital ang bagsak ko dahil halos atakihin na ako sa kaba.
“Tiya naman eh, di ko naman gustong suotin to’. Napilitan nga lang ako” sagot ko kay tiya na parang nahihiya. Ikaw kaya ang sumuot ng ganitong damit….di ka siguro maka- move on hanggang bukas dahil napakabulgar naman nitong damit na’to.
“ Hay naku’ng bata ka alam mo bang napakaganda mo..oh anong oras kaba susunduin ng kaibigan mo?” tanong nito kaya dali-dali kong tiningnan ang relo ko. Sakto na mang…..
Beep!!!!!
Beep!!!!
Beep!!!!
“ Oh ayan na pala ang sundo mo, bilisan mo na diyan baka mainip na yun kakahintay sa’yo. Oh sya mag-enjoy ka dun hah” abi ni tiya na may panunuksong ngiti. Ewan ko ba kung ano ang ibig sabihin ni tiya.
Lumabas na ako ng bahay at agad kong nakita si Parker na nasandal sa kanyang kotse.
Kung titingnan mo ng maigi ang sinuot ng binata, makikita mo talaga ang maamong mukha nito. Nag suot kasi siya ng suit na kulay black at pinarisan na kulay itim na pants, yun tuloy nag mukha siyang men in black pero napakagwapo talaga niya. Di mo talaga maitanggi na gwapo siya sa suot niya.
“ Oy kanina ka lang ba diyan? Sorry natagalan kasi ako kay tiya” pano ba naman napakadaldal kasi kanina ang tiya Belen niya.
Napalingon ang lalaki sa nagsasalita nakatanaw kasi ito sa malayo parang may iniisip. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Bakas rin sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa suot ng babae,natulala ang lalaki saglit dahil sa nakita niyang napakagandang babae. Napalik rin ito sa reyalidad ng tanungin ulit siya ng dalaga.
“Oy! Okey ka Lang?” napukaw lang siya nito ng magsalita ang babae. Tumango siya saka ngumiti ng malapad.
“ T-tayo na baka hinihintay na tayo ni ninong” halos mautal ang lalaki sa pagsalita dahil nakatingin parin ito sa babae.
Agad namang pinagbuksan si Jasmin ng pintuan saka sumakay sa kotse. Nasa front seat siya umupo ganoon din si Parker dahil malamang siya ang mag-drive.
Huminto ang sinasakyan nila sa mala-palasyong mansyon at sinuot agad nila ang kanilang mask dahil masquerade party nga...


di ba? Napakayaman talaga ng ninong ni Parker. Biruin mo ilang milyon kayang pera ang ginastos nito upang mapagawa lang ang ganitong kalaking mansyon.
Napabalik na lang ako sa ulirat nang pinagbuksan ako ni Parker. Napaka-gentleman naman niya ngayon. Inilahad pa niya ang kanyang kamay upang alalayan ako. Ano kayang nakain niya? Siguro itlog na nabulok? Napasapo naman ako sa noo ko dahil nagawa ko pa talagang magbiro? Napaka-rami na kasing matang nakatingin sa amin kahit nasa entrance pa kami.
Siguradong tinitingnan nila ang lalaking kasama niya, pano ba naman napakakisig kasi at gwapong tingnan ang binata. Halos nga’ng babaeng naroon…halos lumuwa na ang kanilang mga mata kakatitig…pero di naman nagpapatalo si Jasmin dahil may kalakihan ring mga bisita ang tumitingin sa kanya at pinuri siya ng mga ito.
Pagkapasok namin sa loob… napakabungga talaga… talagang pinaghandaan talaga ang okasyon na gaganapin.
May mga bisita ring nakasuot ng mga eleganteng damit pati rin mga lalaki napaka elegant nilang tingnan.
“Oh ijo, narito na pala kayo sumunod muna kayo sa akin sa loob” bati ng ninong ni Parker. Sandali lang? Di ko pa pala alam ang pangalan ng ninong niya? Baka mamaya tanungin ko na lang si Parker.
Sumunod lang kami hanggang sa huminto kami sa isang pintuan…na naman? Teka lang parang naiihi ako, hay naku nakalimutan kong umihi muna sa bahay ganito kasi ako kapag kinakabahan.
“Excuse me po, pwede pong pupunta muna ako sa comfort room?” di ko na talaga mapigilan ang maihi. Tiningnan muna ako ng ninong ni Parker tumango narin siya ka agad.
May pakinding-kinding pa akong lumakad papunta sa c.r. nakuha ko pa’ng magpakinding-kinding kahit naiihi na ako.
Narating ko na ang c.r. napakasosyal naman agad akong pumasok at yun na… inilabas ko na ang dapat ilabas….
Pagkalabas ko habang naglalakad akong may narinig akong…..
“Siguraduhin niyong makuha niyo ang target natin ngayon. Kapag pumalpak kayo sa gagawin niyo, wag niyo ng asahan na mabuhay pa kayo!! Maliwanag ba!!” sigaw ng lalaki sa mga lalaking nakaitim.
Naisipan kong tingnan.. nang makita ko….naparami talagang kalalakihan nanaka- men in black na suot.
“Ikaw! Kailangan mong sundan ang babaeng yun! At kayo liwanagin niyo ang mga mata niyo sa target mamaya UNDERSTOOD?!!” utos na pasigaw ng leader nila.
“Yes Sir!!!” sabay na sigaw ng mga kalakihan.
Nagsilakaran narin sila maliban na lang sa sinasabi nilang leader. Tumitingin-tingin pa ito sa paligid hanggang sa….
…..Buti na lang nakatago agad ako muntik na kasi akong makita….kinakabahan talaga ako sobra….
Mayamaya pa ay….may narinig akong tunog nang paa’ng paparating sa kinaroroonan ko kung saan ako nagtatago.
Hinawakan ko talaga ang dibdib ko dahil sa lakas ng kaba ko halos marinig ko na ang tibok ng puso ko.
Curiosity kills….ika nga nila. Ayan na Jasmin ang sinasabi ko sa’yo,… kinakausap pa niya ang sarili.
Papalapit na talaga ang tunog ng paa…ganun din ang bawat tibok ng puso ko ay papalakas rin…ikaw talaga selp pahamak ka…
“Rosales?What are you doing here?” halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita ito.Nakahinga ako ng maluwag si Parker lang pala.
“A-ah w-wala…nagpapahinga lang muna saglit” sagot kung pautal-utal. Tiningnan lang siya nito ng seryusong mukha, tumango lang ito.
Nauna ng naglakad si Parker sa kanya para bumalik sa party. Agad naman siyang sumunod. Napaisip tuloy siya ….Sino kaya ang tinutukoy nilang target? At sino kaya ang nag-utos saka nila?
Naglakad na lang ako baka ano naman ang marinig ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top