Cassandra (the innocent) Chapter 30


☘️Enjoy reading ….everyone☘️
Natapos ang kwentuhan nilang magkapatid,ng lumabas muli si nanay betrin.
“Señorito…Gabriel nakahanda na po ang pananghalian..maari na po kayong kumain ni señorita shiena..tugon nito sa dalawa..
“salamat…nanay betrin,susunod na lamang kami..
“pero po …..tugon ng matanda…subalit hindi na nya muli itinuloy dahil parang alam na nito kung sino ang sasabihin nya.
“Sige na…nanay betrin..maari na po kayong bumalik sa kusina…sambit ni gabriel..
“sandali lang nanay..hindi ba’t may sasabihin ka…saad ni shiena..
“Ah wala po señorita.may nalimutan lang ako…gawin pasensya na po..
Habang pabalik si nanay betrin sa kusina ay wala syang ibang iniisip kundi si cassandra,halos mag tatanghalian na pero hindi pa din ito bumababa ng silid…kaya naman naisipan na lamng nya utusan si yora dahil marami pa syang gagawin sa kusina.
“Yora….yora…na saan na naman kaya yun..napakalayas..puro kasi cellphone…mga kabataan nga naman..yora……habang tinutungo nya ang labas ng likod ng bahay…
“Yora dyos ko…naman kanina pa kita tinatawag ah…
“Saan ka ba ,?nanggaling…
“si gilbert po kasi nagpasama sa akin…”
“Hay naku…oh sya pwede bang akyatin mo si señorita cassandra sa silid nya …hanggang ngayon hindi pa sya bumababa….saad ni nanay betrin…
“ah baka naman po tulog pa….
“sige na wag nang marami pang tanong…magtungo kana sa taas…ng makakain na din sya…dalhan mo nalang ng pagkain…..tiyak akong gutom na si señorita…
“kaya naman bago umakyat si yora ay dala-dala nya ang pagkaing ibinigay sa kanya ni nanay betrin….habang pa kembot itong inaakyat ang hagdan ….patungo sa taas subalit….isang pag-uusap ang kanyang narinig….
“Kailangang dito lang sya sa silid na ito at hindi sya maaaring lumabas hangga’t nandito si shiena….ayoko kong makilala nya ang babaeng umagaw sa taong mahal nya…naintindihan mo ba ako …saad nya sa taong pinagutusan nya..isa din ito sa mga body guard ni gabriel…
“kaya naman,ay mabilis agad syang bumalik sa kusina para ipaalam kay nanay betrin…
Bakit …? kailangang itago si señorita sa silid nya…eh kung asawa naman sya ni señorito gabriel….
babaeng umagaw…hay ano ba yan? hindi ko maintindihan..
.halos pag-tataka ang naiisip ni yora…
“Oh akala ko ba…nakataas kana bakit nandito ka pa at dala mo pa ang pagkaing inihanda ko para kay señorita cassandra.
“ah…eh….si…señorito gabriel po kasi …eh..habang hindi maituloy ni yora ang pagsasalita.
“Hay …ewan ko ba sayo na bata ka..hindi kita maiintindihan kung puro …Ah..Eh…Ang sinasabi mo….tugon ng matanda .
Narinig ko po kasi ang paguusap ni señorito gabriel at isa sa mga bodyguard po nya….na hindi maaaring makalabas ng silid si señorita cassandra habang nandito pa si señorita shiena..tapos babaeng umagaw hindi ko maintindihan masyado kasing mahina ang huling sinabi ni señorito…Gabriel…
“kinakabahan po ako….nanay betrin…
“Basta wagmo nalang ipaalam pa sa iba kung ano man ang narinig mo yora…naintindihan mo ba ako….saad ni nanay betrin
Sana lang wala syang ibang gawin na masama kay señorita cassandra napakabait pa naman nya…
Sana nga yora…oh sya ako na bahala magdala yan duon ….gawin mo nalang ang naiwan kong trabaho sa kusina…
“sige po nanay betrin,kasabay ng pag-abot nito ng tray na may lamang pagkain …
“señorita…señorita….kasabay ng pagkatok nya sa silid nito subalit walang tugon syang naririnig kundi ang malalakas na sigaw at hampas sa kabilang kwarto nito….
Naalinpungatan si casaandra dahil sa boses ng tumatawag sa kanya….halos malapit lang kasi ang silid kung saan man sya naroroon..
kaya naman ay kaagad nya itong tinakbo upang tawagin si nanay betrin…pero...


natigil nalang sya dahil iba ang kanyang silid na nabungaran…
“hindi ito ang silid na tinutulugan ko ah…paano ako napunta dito…
Nanay betrin…buksan nyo po ang pinto.please bakit nandito po ako…nanay betrin ulit nya sa matanda habang walang humpay syang sumisigaw…..
Kaya naman dali-daling tinungo ni nanay betrin ang silid kung saan nanduon si casaandra…
“Señorita….dyos ko po ….anong ginagawa mo sa silid na yan..pa-paano ka napunta d’yan.
“Nanay betrin buksan nyo po ang pinto…hindi ko po alam kung papaano ako napunta..paggising ko nandito na po ako…tugon ni cassandra habang maluha luha ang kanyang mata.
“Kuya Gabriel….saan naman tayo pupunta ha….ipapasyal mo ba ako dito sa province …balita ko may magagandang resort dito ah…na sa pagkakaalam ko ikaw ang gumawa nun…saad ni shiena habang abot ang ngiti nito..
“.kasalukuyan kasing nakasakay na sila sa isang Bmw ni Gabriel …matapos kasi nilang kumain sa bahay nila ay napagpasyahan nilang magkapatid na mamasyal sa lugar na iyun..mga ala-alang hindi din malimutan ni Gabriel ng kasama pa nya ang tanging babaeng minahal nya…
kaya naman bago umalis si Gabriel ay ipinalipat nya muna ito sa sandali si cassandra sa dating silid ni monic….hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya..Mahal nya si cassandra subalit..sa tuwing naaalala nya si shiena..at kalagayan nito dahil sa pagkakaiwan sa kanyang kapatid…ay galit at poot…lang ang kanyang nararamdaman…kaya naman inilock nya ang pinto nito para ito ay hindi mabuksan ng kahit sino man…
Pagkabagabag..ang naramdaman ni gabriel ng mga oras na yun…habang isinasarado nya ang pinto…I’m sorry cassandra…pero hindi ko kayang …makita ka nalang basta ni shiena….kasabay ng pagtalikod nito sa silid na yun.
……Gabriel…..Gabriel….please..buksan mo ang pinto oh….walang humpay na tawag nya kay Gabriel….habang luha ang nanalaytay sa kanyang mata..halos hindi na nya maramdaman ang sakit ng tiyan nya nakanina pang sumasakit…Gabriel….please…akala ko ba mahal mo ako pero Bakit ginagawa mo ito sa akin..hindi ba’t sabi mo lang kagabi na mahal mo ako…mahal kita Gabriel…napasandal nalang sya sa pinto habang umiiyak….subalit boses ni nanay betrin ang kanyang naririnig….
“Señorita….señorita….habang tawag ang namumutawi kay nanay betrin …kasunod ang pagpihit ng doorknob nito…subalit hindi din mabukas ng matanda dahil ang tanging may hawak lang ng master key nito ay si gabriel….
“Nanay betrin …pakiusap buksan nyo po ito…saad ni cassandra…sa matanda…
“sandali lang señorita…tatawagin ko lang si yora dali-daling tinahak ng matanda ang hagdan paibaba upang humingi ng tulong kay yora ….kaya naman malakas na sigaw ang pagtawag nya sa pangalan nito….yora….yora…..halika nga at tawagin mo si manong..sa hardin upang buksan ang silid sa taas ….
“habang hapong hapo itong nakarating sa labas ng bahay….
“oh anong nangyari..saad ni yora
Ang sabi ko tawagin mo si manong sa hardin at buksan ang lock ng pinto ng dating silid ni señorita monic…hindi bat marunong sya magbukas duon…..
“Oh sya at wag kana magtanong pa dali at pabuksan muna sa kanya…..
ilang sandali pa ay nabuksan na ng lalaki ang dating kwarto ni monic…at makikita ang pagkapugto ng mata ni cassandra sa pagiiyak nito kanina pa…halos gutom naman ang namumutawi sa kanya kaya agad syang pinakain ni nanay betrin….
habang kumakain…tumutulo ang luha nya at ang tanging sinasambit ng isip nya ay Ano ba ang malaki kong kasalanan..mama…..papa…..?
“sige alam kong nagutom ka señorita kumain ka lang … saad ni nanay betrin…
🍂thank you readers and admin🍂
maya na po ang next chapter






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top