Embracing The Darkness Kabanata 15


Ang tanga-tanga mo self bakit kasi padalos-dalos ka. Baka isipin pa ni Caspian desperada ako. Nakasakay na kami sa sasakyan ng binata, wala na kong matandaan pagkatapos ng nangyari kanina sa sobrang kahihiyan.
Seryosong nagmamaneho si Caspian pero mayamaya ay kumunot ang noo ng lalaki tapos umiling at bumuntong hininga. Nagsisisi na ba siya sa pag-alok sa akin ng kasal? Na ayaw niya pala sa pokpok with brain at sa Mount Arayat ko?
“Kung nagsisisi ka na, na pakasalan ako okay lang.” Bulong ko. Agad naman pumreno ang binata at kung hindi ako nakaseatbelt baka nasa labas na ko ng sasakyan ngayon. Galit na hinarap ko ang lalaki ngunit napatigil ako nang makita ang inis na mukha niya.
“What the hell are you saying?! Don’t tell me nagbaback out kana?!” Namumula ang mukha na ani niya sa akin.
“Ha? Hindi ano! Baka ikaw nakasimangot ka kasi kanina tapos pailing-iling pa at buntong hininga.” Nakangusong sagot ko sabay tingin sa labas.
“What?! Oh that…I’m just…confuse?” Pasuspense na ani sabi ng lalaki kaya naman muli ko siyang hinarap. Nagtaka ko sa itsura ng binata.
“Mukha kang natatae.”
“What?! You’re so disgusting Kendra!” Sigaw ni Caspian sa akin. Wow anong nakakadiri doon. Arte.
“Puro ka what-what at walang nakakadiri sa pagtae normal lang iyon. Apakaarte ng Attorney na ito sabihin mo na ang gusto mong sabihin.”
“Kasi I’m confuse what makes you say you’ll marry me…” Ani ni Caspian na mukhang sarili ang kausap habang nasa baba ang tingin. Tapos mayamaya ay nanlaki ang mga mata niya at itinuro ako.
“You! Don’t! Don’t tell me nafall ka na sa akin?! I’m telling you this early you have zero chance with me!”
Kung may iniinom ako malamang naligo na si Caspian ngayon. Saan naman niya pinulot iyon? Ako mafafall sa animal na ito? Sa adik, may sayad, baliw at alien na ito? No way!
“Hoy! Ang kapal mong bruho ka! Mas gugustuhin ko pang mafall sa 36th floor building kaysa sa iyo ano. Hindi kita type excuse me Attorney! Ako type ka? Ha! Ako? Ako talaga? Sa ganda kong ito kahit Presidente kaya kong akitin kung gusto ko.” Labas sa ilong na depensa ko at napairap ako ng tumawa si Caspian na parang isa akong nahihibang na babae.
“Gusto mong maground 2 tayo sa barangay?” Inis na sabi ko pa kay Caspian na tumatawa pa din. Akmang sasabunutan ko na sana muli ang hudyo ng inawat niya agad ako.
“Fine. Fine. Ang hangin mo kasi eh. Presidente. Hahahaha. Okay. I’ll stop laughing. So bakit nga pumayag ka na lang bigla?”
Ako naman ang napabuntong hininga.
“Totoo lang hindi ko din alam. Basta natouch ako sa ginawa mo kay Marie tapos naoverwhelm kanina hanggang iyon. Tsaka…”
“Tsaka?”
“Tsaka kailangan ko ng pera.” Nahihiyang dugtong ko. “Balak ko sanang pahintuin na si Marie sa bar at bayaran ang utang niya doon. Bata pa kasi si Marie at sa maiksing panahong nandoon siya marami na agad siyang naranasan na hindi niya dapat naranasan. Kaya lagot sa akin ang taong gumawa noon kay Marie. Iyon din pala ang gusto kong sabihin sa iyo. Na ipaubaya mo na sa amin ang lalaking gumawa noon kay Marie kapag nahanap mo na.” Paliwanag ko pa.
“Hindi puwede! Delikado. Hayaan niyong batas ang maningil sa kaniya! Huwag niyong ilagay ang batas sa mga kamay niyo.” Mariing tanggi ng binata.
“Parte ito ng kondisyon ko para pakasalan ka. Nakukulangan ako sa makukulong siya tapos makakalaya din baka nga mamaya magpiyensa pa ang animal na iyon. Kaya pakiusap. Huwag kang mag-alala isusurrender din namin siya sa mga pulis. Hindi naman namin siya papatayin eh.” Nakairap na paliwanag kong muli. Huminga ng malalim ang binata sabay tingin sa akin ng seryoso.
“Fine basta kasama ako.” Aalma sana ako ngunit natatakot akong baka hindi na siya pumayag sa kondisyon ko att idiretso niya agad ang salarin sa kulongan.
Napatingin ako sa labas ng sasakyan pagkapasok namin sa isang mahabang kalsada. Pinatay ni Caspian ang aircon at binaba ang bintana ng sasakyan. Kaya naman napangiti ako ng maramdaman ang sariwa at malamig na hangin. Puno ng mga puno ang paligid ang kalsada. May nakikita din akong nagpapastol ng mga hayop. Bakasyon ba ito? Advance honeymoon?! Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Hindi pa ko ready, Lord. Please ipagpasabukas mo na lang. Hindi magkatulad ang panty at bra ko ngayon kaya bukas na lang.
“Nasaang paraiso tayo?” Kabadong tanong ko sa lalaki. Ngumiti si Caspian...


sa akin at muntik na namang malaglag ang panty ko sa ngiting iyon.
“You’ll find it later.” Pasuspense na sagot niya. Mukhang advance honeymoon na nga ito. Omg.
Kalahating oras yata ang ginugol namin sa mahabang kalsada na iyon ngunit hindi man lang ako nakaramdam ng pagkainip. Sobrang aliw ako sa paligid tapos ang sarap pa ng hangin para akong dinuduyan. Kaya ganoon na lang ang gulat ko ng tumigil kami sa isang kubo. Oo kubo. Kaso kubo na dambuhala. May dalawang palapag ito. Ngunit ang pinasukan naming gate ay yari sa mataas at makapal na bakal kaya nagulat ako ng makita ang isang malaking kubo. Puno din ng mga halaman ang paligid at bulaklak. Ito ba ang motel sa probinsyang ito? Sosyal ha. Sabik akong bumaba at tumakbo ng walang paalam at umikot sa paligid. Inaamoy ko pa ang mga bulaklak nang biglang may nagsalita sa gilid ko. Isang may katandaang lalaki na nakabota, loongsleeves na luma, pantalong pangsaka at salakot sa ulo. May salamin din ito sa mata at gloves sa mga kamay na may hawak pang pulang regadera.
“Anong maipaglilingkod ko sa iyo hija?” Tanong ng matanda. Ako naman ay napatda.
“Ah room for two po?” Nahihiyang sagot ko at tumingin sa likod kung saan papalapit na si Caspian sa amin.
“Kita niyo po ang Mamang iyon? Future husband ko po iyon. Ang pogi po ano? At dinala niya po ako dito para mag-advance honeymoon.” Kinikilig na dagdag kong wika sa matanda na nakanganga na ngayon sa akin.
Napangiti akong lalo ng maramdaman ang braso ni Caspian sa balikat ko. Tinaasan ko ng kilay ang matanda na parang sinasabi kong hindi ako nagsisinungaling. Baka kasi akalain ng matanda ambisyosa lang ako ano.
“Lolo.” Ani ni Caspian sa matanda at nagmano pa si Caspian. Hindi ko alam na sobrang magalang pala si Caspian na kahit sa isang estranghero ay nagmamano siya. Kaya naman gumaya din ako at nagmano. Baka isipin ni Caspian hindi ako pinalaking magalang ng mga magulang ko eh.
“Alexander.” Tawag ng matanda kay Caspian. Alexander? Hindi ba at pangalawang pangalan iyon ni Caspian? Papaanong alam iyon ng matandang lalaki? Hindi kaya suki si Caspian dito?! Lihim akong napasinghap baka mamaya may STD na ang lalaki tapos mahawa pa ako. Hindi maaari. Kailangan kong mag-isip ng palusot. Tama. Uuwi na kami kasi natatae na ako. Kinulbit ko si Caspian at ngumiwi ako.
“Ah Caspian uwi na tayo…Natatae na ko. Masakit ang tiyan ko. May nakain yata akong panis. Tara na. Tsaka na tayo mag-advance honeymoon.” Yaya ko sa binata na naguguluhan sa akin. Iyong matandang lalaki naman ay bahagyang natatawa.
“What? Kung masakit tiyan mo may cr naman sa loob hindi natin kailangang umuwi. At saka anong advance honeymoon. Huwag kang excited wife pagkatapos ng kasal natin iyon gagawin kahit alam kong sabik na sabik ka na sa katawan ko.” Napahinto ako sa mga sinabi ni Caspian. Ngayon ko lang napansin na parang may kakaiba sa binata. Parang naging touchy at sweet siya sa akin. Anong meron?
“Anong nangyayari sa iyo? Nasapian ka ba? Nakursonadahan ka ba ng mga maligno habang nasa daan tayo?” Kunot noong tanong ko sa binata at sinuri ko pa siya kung buo pa siya. Buo pa naman. Ewan ko lang sa patutoy niya kung nandoon pa. Mamaya nga kapag tulog na siya kakapain ko. Tumawa lang si Caspian at inakbayan ulit ako at kinurot pa ang pisngi ko na medyo madiin. Muntik na kong mapasigaw. Walanghiyang lalaking ito dinadaan na ko sa dahas.
“Lolo si Kendra po ang fiancee ko soon to be my wife. Kendra meet my Lolo.” Ani ni Caspian na nagpaluwa ng mata ko.
Lupa kahit ngayon lang makisama ka naman. Please. Lamunin na ako.
To be continued…
Sa mga readers ng Her Greatest Downfall plano ko pong i-onhold muna siya kasi sobrang busy ko po talaga para lang maprioritise ko itong ETD tsaka baka po maghalo ang ugali ng mga characters ko eh ibang iba po sila ng paguugali pero huwag po kayong mag-alala dahil itutuloy ko pa din naman kaso after na ng ETD kasi mas nagfofocus po ako sa ETD para mas mabilis matapos pero habang nakaonhold ang Her Greatest Downfall susubukan kong ituloy siya sa drafts ko kapag free ako para kapag itinuloy kong muli tuloy tuloy na ang update…Kung bakit kasi mga bagong mga istorya ang pinost ko pwede namang iyong mga nasa drafts ko na may ilang chapters naπŸ˜…





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top