SANDRA’s POV:
“Miss Sandra.”, bigkas ni David sa pangalan ko.
After the kissing scene, agad akong lumayo sa kanya.
“OPEN THE DOOR!”, sigaw ko sa lalaki na nakabantay sa may pinto.
Dahil sa lakas ng boses ko, mabilis niyang binuksan ito dahilan para makalabas ako.
Pero si David, nakabuntot pa rin sa aking likod.
Hinahabol niya pa rin ako na tila nagsisi siya sa ginawa.
“Kung nabastusan ka sa akin, sampalin mo ako Miss Sandra.”, he said.
Kaya lalo akong naiinis sa lalaki.
Bakit ba siya ganyan?
Sa likod ng maamo niyang mukha, nagawa nitong pumatay ng bata.
And shit! Everytime I see him, si Michael ang bumabalik sa isip ko.
He killed my son!
“Stop following me, David! Nababadtrip ako!”, asar kong turan habang patuloy sa paglalakad.
Hindi ko alam kung saan ako tutungo dahil hindi pa dumarating ang driver ko.
Tinawagan ko na kasi ito nung papalabas ako ng restaurant. Pero ang tanging sabi niya, papunta na siya.
“Miss Sandra, hindi ko intensyon na–“,
“Shut up! Ayoko ng marinig ang boses mo!”, bulyaw ko nang lingunin ko si David.
“I just want to explain, dahil ayokong mag-isip ka ng masama sa akin.”, mahinahon na wika nito.
“Sa ginawa mo kanina, do you think, mag-iisip pa ako ng mabuti sayo? Nakakadiri ka! Kahit sinong babae na lang ang hinahalikan mo, una si Kate, tapos sinunod mo si Katrina and now, ako?”, sambit ko muli.
Bago pa man ito makasagot, dumating na ang kotse na hinihintay ko.
Kaya sumakay na ako para hindi na makahabol pa ang lalaki.
Nang lumayo na ang sasakyan, napahawak ako sa aking labi na hinalikan niya.
Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang malambot niyang labi.
Pero sa halip na kiligin ako, galit ang namuo sa dibdib ko.
Bakit ba patuloy niyang binabanggit ang pangalan na ‘Kate’?
Kung tutuusin, siya mismo ang dahilan kung bakit ko pinatay ang dating ako.
Kinuha niya ang lahat sa akin.
Matapos niya akong paibigin at i-kama, binasura niya ang pagkatao ko.
“Ma’am? Uuwi na po ba tayo?”, pagtatanong ni Manong.
Tsaka lang ako natauhan at nabaling sa kanya ang mata ko.
“What?”,
“Ahm, tinatanong ko po Ma’am kung uuwi na ba tayo? Baka kasi may pupuntahan ka pa.”, magalang na saad niya.
“Yeah. Meron pa nga. Pupunta ako ng mall.”, bigkas ko muli.
Tumango naman ang driver at agad na lumiko patungo sa mall na sinasabi ko.
Ayokong umuwi na ganito ang itsura ng aking mukha dahil tiyak magtatanong si Derick kung ano ang nangyari.
“Hintayin mo na lang ako, Manong ha? Hindi ako magtatagal, may bibilhin lang ako saglit.”, wika ko sa driver.
“Pero kung mahaba ang pila sa loob, here, you...
kunwari pero deep inside and her heart”DAVID IS THE ONE”